My mother searched for my eyes after that. Napabuntong hininga ito saka napainom ng tubig. Nanatili akong naghihintay sa kanyang pagpayag sa gusto ko.

"Diana, may mga bagay na kailangang hindi na pag-usapan. Sigurado akong hindi mo magugustuhan ang maririnig mo kaya tigilan mo na muna ang pagtanong tungkol sa kanila."

"Bakit po? Kailan ko dapat malaman? Kung patay na sila?" I asked with a concern voice.  Mas humigpit ang hawak sa kanya ni Papa.

"Diana. Naiintindihan mo ba ang mama mo?" singit ni Papa na tila kinakampihan pa si Mama sa hindi pagsabi sa akin ng dapat kong malaman.

Napabaling ang tingin ko sa kanya. Kumpara kay mama, mas malambot na ang ekspresyon niya. Parang may problema sa bawat panig nila na hindi ko maintindihan. Even my father is not saying anything. They're one of the good people I've known but when it comes to the family I am asking? Hindi nila ako binibigyan ng ideya.

What's wrong with seeing our relatives? May mali ba roon na pigil na pigil sila sa akin? Kung mayroon nga, bakit hindi nila sabihin? Bakit hindi dapat ako magtanong tungkol sa kanila?

My parents are being secretive about their parents' identity. Naisip ko nga minsan na baka kaya kami nandito sa probinsya dahil sa relasyong kanilang kinalimutan sa kanilang magulang. But I know my parents well. Ang labo naman kung magagawa nila iyon.

"Bakit bawal na po akong magtanong tungkol sa kanila? Bawal po bang malaman ang maski pangalan lang nila?" pagpipilit ko pa.

"Dahil hindi mo gugustuhing marinig ang bawat sasabihin ko, Diana. Please, huwag muna ngayon, anak."

"Hindi naman po sa namimilit ako. Gusto ko lang malaman ang tungkol sa kanila. Papaano kung nakakasalubong ko pala sila tapos hindi ko nakikilala?" They became threatened at that statement of mine because my mother, for once in a lifetime, her expression seems not forgiving.

I can see myself from her but only the calm one. Iyong pagiging mahinahon ko sa lahat ng bagay ay nakuha ko kay Papa. This side of her is  perilous. Kahit kailan ay hindi siya nagalit ng ganito tungkol sa isang bagay.

Kinalma siya ni Papa habang ako ay nanatili nang tahimik. Siguro nga ay ayaw nilang sabihin. I'll give her enough time to finally reveal everything to me. Hindi pa ngayon ang oras para roon at ayokong nakikita si Mama na galit sa akin.

She looks like a volcano that is about to erupt. Magbubuga ng kung anong delikado at maaapektuhan ang bawat sakop na lugar. Gagawa ng ikakapahamak dahil sa ganoong paraan lang naibubuhos ang galit. And this is her back story. Dahil nagalit sa akin kaya iyong nagpupuyos niyang galit ang naging dahilan ng pagsabog.

Napabuntong hininga ako saka nagsulat ng panibagong pangalan ng estudyante. Buo na rin naman ang loob kong hindi dadalo sa prom na iyon kahit na offeran pa ako ni ma'am ng kung ano.

"Maiba tayo ng usapan. Kumusta si Jaeden?  Nagiging mabait ba siya sa'yo? Hindi ba siya gumagawa ng gulo roon?"

Pansamantala akong naantala sa naiisip nang itanong iyon sa akin. Kung iyong ibig sabihin ni ma'am ay ang pagiging kapitbahay namin, ayos lang naman.

"Hindi naman, ma'am. Kinakausap rin naman po ng ibang kapitbahay namin kaya walang problema. Ang bait nga niya, eh. May kaunting pagkaseryoso lang," pag-amin ko rito dahil totoo naman. Natawa siya sa sinabi ko.

"Ganyan talaga 'yan. Masanay ka na dahil mukhang nakuha niya sa magulang iyon. Saka iyong mata niya? Namana niya rin iyon sa Papa niya." Nagulat ako roon. Sa tuwing nagkakasama kami ni ma'am ay hindi man lang ako nagtanong sa kanya tungkol kay Jaeden. Kilala pa naman nito ang magulang no'n.

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Where stories live. Discover now