"Ano? Sino? Si Silver? Si Illustre?" takang tanong niya.

"Opo." sagot ko at tumango. Yumuko rin ako dahil sa hiya.

Binatukan naman ako ni Aaron, "hindi bagay sayo." sabi pa niya, tukoy ang nahihiyang itsura ko.

"Bakit si Silver pa?"

"Po?" nagugulat na usal ko dahil sa pagalit na tono ni Mama.

"Wala. Wala. O siya segi! Kayo'y lumakad na para hindi kayo malate." sabi niya at tinaboy pa kami.

Nagtataka man ay hindi ko na inintindi nangyari. Baka nagkamali lang ako ng dinig sa boses niya. Baka namali lang. Bakit naman magagalit si Mama? Hindi ba?

"Gift ko?" tanong ko kay Aaron nang nasa labas na kami ng bahay.

"Hindi ko na ibibigay. Umuwi ka nang hindi mo man lang ako naaalala agad. Hinintay kaya kita sa sakayan tapos alas sais ka na ng gabi nagsabi na nakauwi ka na pala. Ang sama mo." panunumbat niya ng hinanakit niya sa akin.

"Sorry na nga e.. Hindi ko naman sinasadya."

"Na nakalimutan mo ako? Saklap ah."

"Bawi ako next life." biro ko. Umiling naman siya na parang nadidismaya pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngiti niya.

Bati na kami. Kanina pa. Nang naalala ko na sinabi ni Aaron na hihintayin niya ako sa sakayan ay nakaligo na ako at hinihintay na lang namin ni Mama ang mga mag-aayos sa akin. Agad ko siyang chi-nat na nakauwi na ako dahil alam ko na kapag sinabi niya na hihintayin niya ako ay gagawin niya 'yon kahit matagal pa siyang maghintay kapag wala pa ako hindi talaga siya aalis. Siguro kung hindi ko siya chi-nat ay hindi pa siya uuwi at naghihintay pa rin siya roon hanggang ngayon.

Sobrang na-guilty ako sa nagawa ko kaya hinintay ko siya sa labas ng bahay nila hanggang sa makauwi siya. Doon na rin kami nag-usap, nagbangayan at nagbati rin kaagad.

Pero kahit na bati na kami, tinotoo niyang hindi niya na ibibigay ang regalo niya sa akin dahil sa ginawa ko. Pero okay lang naman.

"Tara na." excited na sabi nang may tumigil ng tricycle sa tapat namin. Inalalayan niya ako sa paglalakad hanggang sa pagsakay sa tricycle.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami at hindi man lang nagsalita si Aaron na bago lang sa akin. Titingin siya sa akin ng alanganin, para siyang may gustong sasabihin pero kapag tatanongin ko naman ay wala ang sasabihin niya. Hindi ko na lang din inintindi.

Huminga ako ng malalim at napangiti nang makarating na kami. Nagngitian kami ni Aaron bago niya inilahad ang kamay niya sa akin na tinanggap ko naman at sabay kaming naglakad papasok.

Puno na ang social hall ng mga naggagandahang babae na nakadamit ng iba't ibang style ng cocktail dress na kulay pula at mga lalaki na kaniya kaniya ng ayos at gwapong gwapo tignan dahil sa mga suit nila.

Maganda rin ang venue at mukang pinaghandaan ito ng mabuti ng mga SSG officer at mga senior highschool na in charge dito.

By section ang set.

I checked my phone. Waiting for Silver message. He said, he will chat me If he's already here.

Nagsimula na ang event kaya hindi ako mapakali. Wala pa siya.

Darren ;

By any chance, are you already here and staring at me now?

Joke.

Where are you na po? The event already started.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now