PROLOGUE

13 0 0
                                    

Rishima's POV

"J-Josh h-hold on, don't l-let me down" nanginginig kong sabi sa aking kasintahan habang mahigpit na naka kapit sa kaniya

"Masyado k-kang mabigat!" napasimangot ako sa sagot niya pero mahigpit kopa ring hinawakan mga kamay niya.

"W-Wag moko bibitawan kundi i-isasama kita" sagot ko.

"Hindi ko kinakaya R-Rish" angal naman niya.

"Mataba ako kaya mabigat, mag t-tiis ka. Masyado m-mo akong p-pinataba eh" pag sisi ko naman sa kaniya at nahihilo na

"S-Sorry R-Rish, i c-can't" sabi nito at isa isa nang tumulo ang mga luha ko, traydor niya.

"W-Why" sambit ko habang unting unti na ring bumabagsak⚊

"Juskong maryosep kang bata ka gumising kanga dyan!" napa mulat ako sa relayidad ng buhusan ako ng tubig ni mader ert.

Panira ng panaginip si mudra.

"Tanghaling tapat nakataas kamay mo, tapos naluha kapa!" sabi nito at umupo sa kama ko.

Astig ng panaginip ko, with moves pa.

"Kanina pa kita tinatawag kasi akala ko gising kana, nananaginip pa pala" sabi niya sabay batok sakin.

First kill.

"Sabihin monga sakin, baliw kaba?" tanong ni mama at napatawa nalang ako.

"Parang ma, baliw na ako. Baliw na baliw sa kaniya ehe enebe⚊ aray naman!" angal ko ng biglang pingutin ni mudra tenga ko. Jusko di mabiro

"Tigilan mo ako sa kakaganyan mong bata ka ha! Bumangon kana dyan at may klase kapa!" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

No choice ako kundi bumangon at ayusin ang higaan ko. Agad akong pumasok sa banyo para maligo.

Naisip kolang, if pangit kaya ako papaampon ako ni mama? Hays swerte ko at maganda ako. Swerte ni mama, may maganda at ligawin siyang anak ehe ako lang 'to, pa-autograph kayo? Later paalam ko kayo sa manager ko enebe.

Pag katapos ko maligo, agad na akong nag ayos at nag bihis, at bumaba na para mag almusal, kahiya naman kay mader baka lalong sumabog.

"Akala ko sa pasko kapa bababa eh" sabi nito at umupo na sa hapag kainan

"Kapag sa pasko ako bumaba ma, nakadating na kaya yung inorder kong glow up?" tanong ko sa kaniya at nag sandok na ng kanin

"Hindi, wala kang pambayad" sabi niya kaya napa simangot ako. "..Usapang order, y*wa kang bata ka umorder ka nanaman ng salamin sa shopee!" sabi niya sabay bato ng supot kaya agad ako napatawa.

"Hahah! Wrong timing lagi dumating 'to, by the way salamat ma mwuah" sabi ko at tumayo na. "Alis na po ako" pag papaalam ko.

"Ingat, kapag may dumating nanaman na order mamaya, nasa labas na mga damit mo" sabi niya kaya tawa tawa akong lumabas ng bahay.

Haha, di ko naman kasalanang nadating yung order ko pag siya ang tao sa baba.

"Ganda ng ngiti natin ngayon ah" agad akong napatingin sa nag salita.

"Shemay, Diana. Kung gusto mo 'kong patayin saksakin mona lang ako, 'di yung ginugulat mopa ako" sabi ko at sumabay siya sa pag lalakad.

"Aba'y kung may dala lang akong kutsilyo, why not?" agad ko siyang binatukan sa sagot niya at sinamaan siya ng tingin.

Sama ng ugali nito.

"At talagang balak mo ha? Pasagasa kaya kita?"

"Aysus, pano mo magagawa yan? Ikaw malapit sa kalsada sige nga" pang aasar niya kaya napatingin agad ako sa kanan ko, at tama siya, ako nga nasa tabi ng kalsada.

Mahina niya akong tinulak kaya muntikan ng mahagip ng motor yung paa ko. Tumingin ako kay Diana at mabilis na itong tumatakbo habang natawa.

P*nyetang babaita 'to.

Agad ko siyang hinabol, syempre sa ganda kong 'to hahayaan ko siyang gawin niya sakin 'yun? Never.

"K*ngina pag nahuli kita pag handaan mona lamay mo" sabi ko at mas binilisan pang tumakbo.

"Kung mahahabol mo! Hahaha" pang asar niya pabalik.

"Aba sisiguraduhin kong mahahabol kita! Di ako papayag na gaganunin lang kagandahan ko!" para kaming tanga na nag uusap sa isa't isa habang nag hahabulan sa gilid ng kalsada.

Pilit ko siyang inaabot, kaso sa tuwing malapit bigla nanaman siyang lalayo. Ano 'to free run? Sh*ta, di nga kami male-late papasok naman kaming hagard, kaso dahil maganda ako pahinga lang katapat nan.

Hindi ko napansin na umabot na sa pinapasukan namin ang pag hahabulan namin ni Diana, nasan naba yung babaeng yun? Biglang nawala, may lahi palang bula yun.

"Aray" sabi ko at naka pikit  inaabangan ang pag basak ko pero wala akong naramdaman na lupa.

Agad akong nag mulat at nakita ko ang gwapong mukha na nasa harap ko. Agad niya naman akong binitawan kaya dun kona naramdaman ang sakit.

"Parang g*go lang ha? Salamat sa pag kapit at pag bitaw din" sarcastic kong sabi pero ngumisi lang 'tong antipatikong 'to.

"It's not my problem that you're stupid, human. Wait are you a human?" at talagang may gana pa siyang mang asar.

"No, dyosa ako" sabi ko at nag flip hair agad naman ngumiti yung kasama niyang gwapo rin hihi

"Oh, i thought you're a Zombie" sabi niya na parang gulat na gulat pa talaga.

Nilalait talaga ako ng g*gong 'to eh

"Wow, salamat ha? Na-appreciate ko sobra! Salamat! Mabaog ka sana!" sabi ko at agad siyang initlogan at tumakbo ng mabilis

"Fvck!" yun na ang huling salita na narinig ko mula sa kaniya.

Tss, kala mo kung sino mukha rin naman siyang zombie. Maka-fvck pa, mukha siyang k*nadyot ng aso.

First day na first day sira na agad, bakit kopa kasi nakabanggaan 'yun eh, nasira na nga beauty ko dun sa fun race namin ni Diana at hanggang ngayon di ko pa rin nahahanap yung babaitang yun, tapos nakabanggan kopa yung antipatikong 'yun. Arghh!

THE LOVE ADVANTAGEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz