FOUR: The auction

2.1K 45 14
                                    

Imissyou guys. mwehehe -mimi

***

-H i l l a r y-

 

 

Am I in heaven?

 

Gan’to pala ang amoy sa heaven, amoy bubble mint, ang bango tsaka ang lambot din ng kama—teka! Bakit may kama? Napabalikwas ako ng bangon at nakita ang sarili ko sa isang kwarto, hindi basta kwarto… Kun’di isang eleganteng kwarto.

Nilibot ko ‘yung paningin ko, kulay puti ‘yung mga dingding, walang mga bintana, tapos ang gara ng ilaw na nakasabit sa kisame—teka nga ulit… Nasa’n ba ‘ko?

Uumpisahan ko pa lang alalahin lahat ng nangyari kagabi ng biglang padabog na bumukas ‘yung pinto ng kwarto kung nasa’n ako. I saw an old classy lady entering the room holding a red paper bag and according to her appearance, she’s a vampire. A vampire! Yeah! A vampire, now I remember what happened last night. I jumped out of the bed, readying myself to shift anytime if she’s going to attack, but she just smirked at me.

“I’ll give you 20 minutes to change and if you’re not yet done after that, I’ll do something that you’ll never like, and I swear, It will hurt a lot.” She glared at me. Tumingin naman ako du’n sa bracelet na nasa kamay ko, ang kati niya tapos sumisikip siya lalo kapag iniisip kong mag-shift sa pagiging lobo. “Don’t waste your time thinking that you can shift, it will only cut your hand bitch!”  para ‘kong binagsakan ng langit at lupa. Ano na naman ba ‘tong napasukan ko?

“Nasa’n ako? Nasa’n ba ‘ko?” hindi ko na napigilang magtanong.

“It’s not important. You’ll going to be sold anyway. Now move! There’s the bathroom!” natulala na ‘ko sa kawalan. I think I finally knew where I am.

That vampire! That jerk vampire! Bakit hinde niya pa ‘ko pinatay! Narinig ko na ‘to dati, kapag hindi ka pa daw pinatay ng bampira sa unang beses na ininuman ka niya, dalawa lang ang ibig sabihin. Una, gagawin ka niyang blood bank hanggang sa magsawa siya tapos tsaka ka niya papatayin, pangalawa…

Ibebenta ka niya para ibang bampira ang umubos ng dugo mo tsaka papatayin.

Napakaswerte ko talaga. So sobrang swerte, gusto ko ng dukutin ‘yung sarili kong puso para mamatay na ‘ko ngayon, agad-agad, pero hindi ko kayang gawin kaya hayaan ko nalang ang mga bampira na ‘to ang gumawa nun para sa’kin. Ng makita nung matandang babaeng bampira na nakatayo lang ako at nakatulala sa kawalan, siya na nagkusang nagtulak at humila sa’kin papasok ng banyo sabay hagis sa’kin ng bitbit niyang paper bag.

“Don’t try to escape.” Then she closed the bathroom’s door with a loud bang. Sa tingin niya ba tatakas pa ‘ko? Sa tingin niya ba makakatakas pa ‘ko? Ni hindi nga ‘ko makapag-shift dahil sa pesteng bracelet na nakasuot sa braso ko at siguradong madaming bantay sa labas ng kwarto na ‘to. Tanga tanga din ng bampira na ‘yun, matanda na kasi.

Nilublob ko na lang ang sarili ko sa bathtub na puno ng bula, huling ligo ko na ‘to kaya lubos-lubusin na.

Hindi ko na magawang makapag-isip ng matino kaya hindi ko namalayan ang oras, may humila na sa’kin palabas ng banyo. Sino pa ba? Edi ‘yung matandang bampira. Pulang-pula ‘yung mata niya sa inis habang inaayusan ako tapos bigla nalang akong natawa…

Pagtapos ng malakas kong tawa, bigla naman akong umiyak. Para ‘kong baliw. Bakit ba sa’kin nangyayari ang mga bagay na ‘to? Bakit ako pa? Wala naman akong ginawang kasalanan nung bata pa ‘ko, pero bakit gan’to ‘yung kapalaran ko? Bakit? Natigil lang ako sa pag-iyak ng hawakan ako ng mahigpit sa braso ng matandang bampira na ‘to.

A Lycan's Sinful Pleasure~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon