T17

126 9 0
                                    

The Trio

Chia:
Grabe si Josh.

Akala ko rude lang s‘ya.

Pero hambog rin pala?


Cass:
Bakit ka naman nagkagusto
sa ganoong klaseng tao.

BOB:
So sinasabi mo bang pakitang tao
lang ang pinapakita n‘ya?

Chia:
I don't know.

Huhu.

Bakit ganoon? Kahit
nalaman kong ganoon ang
ugali n‘ya, crush ko pa rin s‘ya.

BOB:
Bahala ka.

Ituloy mo ‘yang nararamdaman
mo.

Masasaktan ka lang kapag lumala
‘yan.

Cass:
Ano ka ba naman, Bob.

Malay mo wala lang
sa mood si Josh, no‘n.

Ang alam ko kasi sweet
daw ‘yon.

BOB:
Sweet?

Sweet sa lahat, kamo.

Chia:
BOB, may problema ka
ba kay Josh?

Bakit ganyan mo s‘ya
pagsalitaan?

What's wrong?

BOB:
Remember my sister who had
a crush on him?

Pinaiyak n‘ya ang kapatid
ko. At ang mas malala pa,
sinabihan n‘yang stalker.

Tingnan n‘yo sa post n‘ya sa
Twitter. Actually trending
‘yon ngayon. Damn him.

Paano n‘ya nagawa sa isang
bata ‘yon? Tsk.

Ini-unfriend ko na nga din
‘yong mokong na ‘yon sa fb.

Then naka-block sa twitter at
IG.

Hanggang ngayon umiiyak
pa rin si Brenda.

Hinding-hindi ko s‘ya
mapapatawad.

Cass:
What the hell...

Is that true?

Owemgi, oo nga.

Chia:
Kawawa naman si
Brenda.

BOB:
Kaya kung ako sa'yo, Chia,
lalayuan ko na ang lalaking
‘yan.

Hindi mo alam kung ano pang
kayang gawin no‘ng lalaki
na ‘yon.

Dalawang beses lang s‘yang
sinundan ng kapatid ko para
magpa-picture tapos sasabihan
n‘yang stalker?

Edi sana hindi na lang s‘ya
pumayag na magpa-picture ang
kapatid ko. Tsk.

Ang galing n‘yang baliktarin
ang pangyayari.

Chia:
Sorry.

BOB:
Hindi mo kailangan
mag-sorry.

Sino ka ba para humingi
ng sorry sa nagawa n‘yang
mali.

Hindi mo kasalanan at wala
kang kasalanan, Chia.

Ang gusto ko lang, layuan mo
ang lalaking ‘yan.

Cass:
I agree, loves.

Baka mapahamak ka pa.

Chia:
Okay, okay.

***

Attachment Series #1: A Thing Called Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now