introduction

20 1 0
                                        

Nagkakilala sila Walter at Lorraine sa high school ng province nila. Isang taon niligawan ni Walter si Lorraine dahil nga uso pa din sa province nila ang old school courtship, natanggap agad si Walter ng pamilya ni Lorraine dahil nakita na seryoso ang binata sa only girl ng pamilya. Habang tumatagal lalu naman tumitibay ang relasyon nila. 2 yrs. na sila nang maka pag tapos sa High school.

Ilog.

“babe? Alam mo na ba kukunin mo sa college.”

“vet. Babe, alam mo namang mahilig ako sa hayop.” Himas ni Lorraine sa buhok ni Walter habang naka unan sa hita niya.

Ngumiti ng malaki “ang ganda mo mahal.”

“nangbola ka na naman…”

“seryoso ako, ang swerte ko talaga., napasagot ko ang isang dyasong tulad mo.”

Hinila ni Lorraine ang buhok ni Walter dahil sa pambobola ni Walter sa kanya.

“alam mo maniniwala na sana ako kung hindi mo lang siningit yung dyosa.”

“babe naman eh, pinapapangit mo ko, sige ka pag ako pumangit sasabihin nila hindi na tayo bagay, dapat pinapagwapo mo ko para sabihin nila, meant to be tayo.” Sabay tawa na yumakap kay Lorraine.

“hay ewan..!” yakap din ng mahigpit kay Walter.

“hindi mo ko iiwan diba?”

“hinding hindi.” Hawak sa mukha ni Walter. “ayokong mawala ka sa tabi ko.”

Ngumiti kay Lorraine “mahal, ganun din naman ako.”

Masayang masaya si Walter pag uwi niya pagkatapos ihatid si Lorraine sa bahay nila, nagmano siya sa mga magulang at sabay humalik sa pisngi sa kapatid na babae. Pero nagtaka siya ng nakitang naka simangot ang mga magulang.

“bakit pa? ma, anong meron?”

“anak.., umupo ka. Winnie, bigyan mo ng silya ang kuya mo.”

Pag ka upo sa silya na ibinigay ng kapatid. “ano bang nangyayari.?”

“anak, kailangan mong umalis, para makapag aral.”

Gulat na gulat si Walter, ang buong akala niya pareho sila ni Lorraine ng papasukang iskwelahan pero biglang bumaliktad ang mundo ng nalaman na tito niya ang gustong mag paaral sa kanya pero dapat sa manila dahil hindi aabutin ang kinikita ng magulang sa pagiging labandera ng ina at teacher ng elementary ang ama sa mga gagastusin niya sa pag ka-college.

“pero., pa…, si…., si Lorraine.”

Hindi niya sinabi kay Lorraine na aalis siya.

Dito na papasok ang rule no. 1.

LDR 10 RULESWhere stories live. Discover now