I grabbed this opportunity para tanungin naman sila sa mga buhay-buhay nila.


"Eh kayo? Kumusta?" I asked without looking at them.


"I'm good" Si Cassandra ang sumagot. Gusto kong tanungin kung kumusta sila ni Andrei, pero natatakot akong magsinungaling na naman siya. Diyan magaling si Cassandra, sa pagsisinungaling.



"I'm...." Hindi tinuloy ni Jihan ang sasabihin dahilan para mapabangon ako at tumingin sa kaniya. Parang may binulong siya pero hindi namin narinig, si Cassandra naman ay napabangon at nanlaki ang mata kay Jihan.


"Anong meron, Cas?" Nag-aalala kong tanong. Tumingin sa akin si Cassandra bago tumingin kay Jihan. Nagtitigan silang dalawa na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.


"She's s—-

Hindi natuloy ni Cassandra ang sasabihin niya nang biglang bumangon si Jihan at humalakhak ng malakas.


"I'm good" Nakangiti niyang sagot. Ngunit ang mukha at tingin ni Cassandra ay nanatili pa rin kay Jihan. Nag-aalala ang mukha nito. Anong meron?


"Ako naman, I'm more than happy than before" Nalipat na ang paningin ko kay May na napakalapad ng ngiti.  Saksi kami sa mga nangyari kay May, kaya nakakatuwa na masaya na siya.


"Jihan" Napatayo si Jihan nang makita si Rhoyde na nasa harapan na namin. May dala itong tubig. Kinuha naman ni Jihan ang bag niya at lumapit kay Rhoyde.


"Uhh, guys? Mauna muna kami ah" Hindi na kami nakapag salita dahil bigla nalang itinakbo ni Jihan Si Rhoyde.


"Napapansin ko, madalas na sila magkasama. Compared before" Seryosong sabi ni Marie. Muli kong tinignan si Cassandra na nakayuko ngayon at binubunot ang ilang damo.



"Ayos ka lang ba, Cas?" Tumingin siya saakin at ngumiti. Kinuha niya ang bag niya at walang pasabing iniwan kami. Anong nangyari? Anong narinig niya?



"I hope Jihan will be okay" Nakapikit si May na nagsalita.


"She's okay naman" Marie.


"No, she's not" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala nakapag salita saamin. Anong nangyari? Anong binulong ni Jihan? Anong narinig ni Cassandra?




NAKAUWI ako nang dala dala pa rin ang pagtataka sa nangyari kanina.

"Cedes" Napalingon ako sa boses ni mama.

"Nag Chat si Camilla saakin, pupunta daw sila dito ng mga kaibigan mo. Ichat mo nalang siya" Tinanguan ko nalang si mama at pumasok na sa kwarto namin ni Ellie.


I opened my phone and messenger and saw Camilla's message. Kasama niya sila Marie, Cheonsa, at Shean. Hindi raw sumama si Cassandra at May dahil may lakad. Si Jihan naman ay out of coverage.

Nakita ko naman ang missed calls saakin ni Jan, nagdesisyon akong tawagan siya.

"Videocall nalang kaya?" Tanong ko sa sarili ko. Pinindot ko ang sign ng videocall at nag-ayos ng mukha. Napa talon naman ako nang bigla niyang sinagot. Kitang kita ko ang malapad na ngiti ni Jan. Kumakaway siya.

Juan Arceo Cruz took a photo.

"Hi, Cedes" Malambing ang boses niya. Napangiti ako sa kadahilanang Narinig ko na naman ang boses niya, at ang ngiti niya. Nawawalan siya ng mata kapag ngumingiti, cute.


Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now