"Good morning po ulit. Hehe." He ignored my last shy laugh until he nodded at me and went to his balcony outside to hang his shirt. Ako naman ay pumaroon na sa balon saka nagsandok ng tubig bago naligo ng tuluyan.

Maya't maya akong tumitingin sa kanya para lang masigurong hindi niya ako binobosohan. Wala sa mukha o sa estado ng buhay ang pagiging manyak. Lalaki siya. May posibilidad.

Hindi porque't gwapo siya ay iisipin kong wala siyang planong tignan ako habang naliligo rito. And to my surprise, he didn't look at me as he made his way inside his house and slammed the door.

Nakuntento na ako roon saka naalalang mature nga pala itong lalaking ito. The way he speaks, he moves and how he manage to be in a situation is way mature. Grabe.

Natapos lang ako sa paliligo ngunit hindi ko na ito napansin pang lumabas. Dali-dali lang akong nag-ayos saka ako dumiretso sa bayan dala iyong mga paintings ko.

Naroon pa rin ang kotse ni Jaeden sa bahay ni ma'am nang makadating ako sa sakayan. Maaga nga pala siyang aalis kaya maaga rin siyang naroon kanina sa balon.

"Salamat ho. Ingat. God bless, kuya." Ibinigay ko ang pamasahe sa driver saka kumaway rito. Bitbit ang malaking supot, tinahak ko ang daan patungo sa pupuntahan.

I am wearing a white staud sea skirt and an old shirt. Lagpas tuhod iyong skirt tapos dala ko rin ang shoulder bag dahil hindi naman ako magtatagal dito. Hinayaan kong nakalugay lang ang buhok dahil hindi naman masyadong mainit.

Sa bayan, tuwing ganitong panahon ay dagsa ang mga tao. Maraming mga paninda ang nagkalat tapos sabayan pa ng mga mamimiling galing sa ibang lugar.

Kaliwa't kanan ay nagsisikipan kaya sinikap kong makapunta ng mabilisan sa isang shop. Dahil kilala naman ako ng may-ari, pumasok ako ng diretso saka tumawag sa kanya upang maibenta na ang paintings. She quickly went out and then greeted me.

"Magandang umaga po." Bati ko rito sabay pakikipagkamay sa kanya.

Bitbit ang pamaypay, nilapitan ako nito saka tinitigan mula ulo hanggang paa. Nangingiti ako habang hawak pa rin iyong malaking supot.

Naglandas ang kanyang mga mata sa hawak ko saka lang ibinalik sa akin nang hindi nagtatagal doon ang tingin.

"Ibebenta mo ano?" Tumango ako. "Amin na nga. Talagang wais kang bata ka, ah? Alam na alam mo ang hinahanap ko." I gave her the paintings and she started looking at it. Naroon iyong paghimas niya sa tekstura saka iyong pagtitig na tila hindi nakukuntento sa paghawak sa iyon.

Matagal. Matagal niyang ineksamin ang mga iyon na parang may mali ba sa ginawa ko o ano. I know that she's familiar with the other paintings I've painted. Lalo na iyong kabahayan.

"Maganda ang mga gawa mo, hija. Pwede kong ibenta sa Manila para naman may makakita, lalo na iyong mga collector," she said as she placed the plastic on the sofa. Napapahiya akong ngumiti.

"Naku, hindi na po siguro. Mumurahin nga lang po ang mga pintang ginamit ko riyan. Hindi naman po siguro sila magkakainteres na bilhin dahil sa mga ginamit ko."

When collecting some paintings, I assume that the collectors will still choose the simple but has a good quality. Iyong akin ay kailangan pa ng ilang improvement, lalo na sa pintang ginagamit. Hindi nababagay iyon sa Manila, lalo na rin sa may mga balak bilhin ng mahal iyon.

She laughed at my statement. Itinago niya ang pagtawa sa likod ng kanyang pamaypay na tila gawain ng dalaga noong unang panahon.

"Patawa ka, hija! Susubukan kong ibenta iyan at kapag nagkaroon ako ng customers na nagkainteres sa mga gawa mo, mas lalo kang makikilala. Makakabili ka na rin ng ibang gamit na maganda ang kalidad! Ayaw mo ba no'n?"

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Where stories live. Discover now