. . . ⇢ 25 ˎˊ˗

Magsimula sa umpisa
                                    

sunoo
unless may mabigat na dahilan kung bakit siya umuwi kaagad

joy
baka may emergency?

jungwon
kung meron man dapat nagpaalam si hyung

jake
i think..

jake
something happened between heeseung hyung and julie

julie
i told you guys, wala nga

julie
wala akong ideya kung bakit siya umuwi kaagad

-♡️-

lies.

nagsinungaling si julie sa sinabi niyang wala siyang ideya kung bakit biglang umuwi si heeseung at hindi man lang nagpapaalam sa kanila o sa kahit sa kanya dahil ang totoo ay may ideya na siya.

ngayon ay mag-isang nakaupo si julie sa kama niya, nasa malayo ang tingin. balisa siya at hindi alam ang gagawin. kinakabahan siya dahil baka may nalalaman na si heeseung sa kanya.

"fvck it!"

napasabunot na lang si julie sa kanyang buhok nang biglang mag-ring ang phone niya. kinuha niya 'yon at nang makita kung sino ang tumatawag ay hindi niya na maiwasang makaramdam ng galit.

"tangina mo!" bungad niya dito matapos niya sagutin ang tawag.

natawa lang ito sa kabilang linya. "umalis na pala siya, huh?"

dahil sa narinig ni julie ay hindi niya na napansing humigpit ang pagkakahawak niya sa phone niya na para bang gusto niya na lang ito ibato sa labas ng bintana- ay hindi, ibato pala sa pagmumukha ng lalaking 'to.

"pabayaan mo na 'ko, bakit ba ang kulit mo!?" nanginginig na sa galit si julie.

"i told you, i love you julie kim. hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin pero na-love at first sight na agad ako sa'yo pagtungtong mo pa lang sa isla na 'to-"

"tinatawag mo palang pagmamahal ang ginagawa mo sa akin ngayon?! sinet-up mo 'ko!" putol ni julie, nanggigigil sa ka-bullshit-an na naririnig niya sa lalaking 'to.

"sa tingin ko hindi mo pa talaga naiintindihan ang sinabi ko sa'yo noong nakaraan." tumawa pa ito na parang isang demonyo. "kung anong gusto ko, nakukuha ko at isa ka na doon julie kim."

sa labis na galit na nararamdaman ni julie sa mga oras na 'to ay hindi niya na napigilan pa at agad binato ang phone sa labas ng bintana. napayakap na lang siya sa kanyang sarili, mga luha'y sunod-sunod na nagsisibagsakan.

napapikit na lang siya at madiin na kinagat ang ibabang labi. "sana hindi ito ang dahilan kung bakit umalis si heeseung."

sana hindi.

-♡️-

charlotte
@chrlttcakes

charlotte
something's strange cupcake

charlotte
akala ko si julie lang ang umaaktong weird pero pati na rin si heeseung mula noong dinner at eto na nga, umuwi na lang siya bigla

charlotte
cupcake, sa tingin mo nag-away sila julie at hee?

sunghoon
yan din ang naiisip ko

sunghoon
pero sa totoo lang hindi ko alam kung anong nangyayari

charlotte
hindi pa siya nag-oopen sayo?

sunghoon
hindi basta-basta nag-oopen si julie kahit pa sa kadugo niya, masyado siyang malihim at hindi madaling basahin

sunghoon
ilang beses ko na nga rin siyang kinakausap pero ayaw niya magsalita, matigas siya

charlotte
nagw-worry ako pero ayoko naman panghimasukan kung ano mang meron sa kanila kaya hindi ko rin masubukang kausapin si julie

sunghoon
sa tingin ko hindi pa siya handa

sunghoon
at hindi ko alam kung kailan siya magiging handa, ni-hindi ko nga rin alam kung magsasabi pa ba siya sa atin

sunghoon
pero sa ngayon hayaan na muna natin sila ni heeseung hyung

-♡️-

heeseung
@heeheehee

julie
hee?

julie
umuwi ka daw agad?

julie
bakit?

heeseung
bakit?

heeseung
bakit di mo agad sinabi?

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon