CHAPTER 32 - Trouble With The Best Friend

Magsimula sa umpisa
                                    

“Andrea?” Napaismid pa ako ng bahagya nang tumaas pa ang kilay niya after ko siya tawagin sa pangalan niya.



“Oo, bakit? Gusto ko Andrea itawag sa'yo eh. May reklamo?”




Lakas ng loob ko dun. Sigurado mag tataray na naman ito. Pero, taliwas pa nga sa inaasahan ay mahinang pagtawa niya ang narinig ko.



“You're cute.” Ginawa pa akong aso eh.



"Hindi ako cute ha." Kinuha ko na yung binigay kong kumot niya dapat na hinagis niya pala sa bandang paahan namin. Ayun nalang gagamitin ko kesa naman makipag buno sa pakikipag share sa kaniya.



"What are you doing?" Ibinato niya ulit yung kumot na hawak ko na sana at pinilit pa ulit ako maki share sa ginagamit niya ngayon. "Kasya naman tayo dito."



Hindi na ako pumalag dahil hindi naman ako mananalo. Pinikit ko na ulit ang mga mata ko at natulog. Ewan ko pa at parang saglit palang ako nakaidlip eh, may nang gigising na.



“Aba, ang batang 'to talaga. Gising na at mahuhuli na kayo sa misa.” narinig ko na sabi pa ni Tatay sa gitna ng marahang pag katok sa pinto ng kwarto ko. Napabalikwas ako ng kama.


“Opo, gising na po.” sabi ko sabay hagilap ng orasan. Pasado alas kwatro na pala ng umaga. Ginising ko na si Andrea na parang bata pa na umuungot dahil inaantok pa siya. Dito ko na siya pinaligo sa banyo namin sa taas at doon naman ako sa may malapit sa kusina. Double time na. Baka hindi namin abutan ang homily.

 










Lorenzo

 

 

 

 

“Pasensiya ka na, Hija." Inihain ni Tito Virgilio sa lamesa ang niluto niyang breakfast. Sunny side up eggs, corned beef, fried rice, dried fish at may tinapay pa."Mahirap talaga paganahin yun sa umaga. Mabagal kumilos." Tinulungan ko na siya sa hawak na mga plates at utensils. Nag timpla naman si Tito ng coffee para sa aming dalawa. Hindi niya daw pinagkakape si Chase para iwas palpitation.


Pinauna na ako ni Chase na kumain habang nag bibihis pa siya sa taas. To save time. Nag madali na nga lang ako sa paliligo. Wala silang heater pero pinag init niya ako ng tubig pang ligo. Inignore kasi yung alarm niya, ayan tuloy. Tinanghali kami ng gising. Not entirely her fault. Tinamad din kasi ako bumangon kanina. Oh well.

 

“It’s okay, Tito. Antok na antok pa po kasi kami kanina." nginitian ko pa si Tito. Ang bait ko ngayon, in fairness. Well, I can’t help it. Kapag ka ganito naman kasi ka bait yung makakasalamuha mo, mababawasan talaga ang pagiging bitchy mo eh.



“Matakaw sa tulog yung batang na yun eh. Mahirap pang gisingin.” sabi pa niya. True that, Tito. I even managed to kiss her once nang hindi niya namamalayan. I mentally smiled when I remembered the time when she was sick and had to stay the night. I quickly dismissed the thought. Inaapropriate, Andrea. Even if that kiss was meant as a payback. Pero payback nga ba talaga? Omg, syempre naman. Wala ng ibang dahilan yun. Wala na. As in. Promise!

 

 

“True, Tito." I sipped the coffee that Tito Virgilio made for the both of us. Ang relaxing dito sa bahay nila. It's nowhere near the size of our house pero, at least, magkakasama sila. I felt the warmth that I've been craving for so long. I suddenly felt envious. I didn't need a big house. I want a home. "Si Maicy po pala?"



QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon