“daddy!!!” masayang isinaad iyun ni Zein

Mabilis na lumuhod si Zeus upang magpantay sila ng bata at sinalubong ang yakap nito.

I saw how his eyes watered.

I know his happy. I'm glad he is. I look away because of the pain I am feeling.

“d-daddy? you're really my daddy?” tanong ni Zein kay Zeus

“y-yes baby,I am” sagot ni Zeus

Niyakap syang muli ni Zein at sa pagkakataong iyun umiiyak na ang bata.

“I-I really miss you daddy. Kuya and I looked for you.” humihikbing sumbong ni Zein

Nuong kumalma na si Zein ay marahang ibinuhat ni Zeus si Zein bago bumaling kay Iceus na kanina pa tahimik sa aking tabi.

Tumingin ako kay Iceus kita ko ang nagbabadyang luha sa mga mata nya.

“s-son..” tawag ni Zeus rito

“don't called me that! You're not our father! Wala akong ama!” Iceus shouted those words angrily.

I was shocked when Iceus shouted that in pure anger.

“Iceus!” galit kong suway

Bumaling lang sya sa akin bago sya galit na umalis at lumabas nang silid.

Naluluha akong tumingin kay Zeus. I saw how hurt he is when Iceus shouted at him and left.

Pinigilan nito ang nagbabadyang luha ngunit hindi nakatakas ang isang butil ng luhang tumulo rito.

Tumingin sya  sa akin.

“I-Im sorry, I didn't expect that to happened.”mahinang saad ko

“I-It’s okay I understand him.” mahinang saad nya bago binalingan si Zein na tahimik na naka yakap lamang sa kanya.

“U-Uh hindi ka ba na papagod na?” tanong ko habang naka tingin kay Zein

“no. It’s ok.” saad nya at umupo sa sofa.

Mahabang katahimikan ang namayani sa silid nang basagin iyun ni Zein.

“daddy?”

“yes?”

“I love you daddy. I am sorry about kuya po, nag tatampo lang iyun sa inyo.” mahinang saad ni Zein.

Nakita ko ang saya sa mukha ni Zeus habang naka tingin sa anak namin.

“I love you too baby. I understand your kuya baby.” mayroong saya sa mukha ni Zeus habang kinaka usap ang anak.

TAHIMIK ako habang naka masid lang kay Zeus at Zein na nagtatawanan halatang masaya si Zein na nakilala nya ang ama gayundin si Zeus.

Bumaling ako sa kabilang sofa kung saan naruroon si Iceus habang tahimik na nag babasa ng libro. Kailangan ko syang kausapin tungkol sa inasal nito kanina. Mabigat sa loob ko na alam kong mayroon syang galit para sa ama nito.

Mahina akong bumuntong hininga at tiningnan ang wall clock, ala sais na ng gabi.

Ipinikit ko ang mga mata ko at humugot ulit ng hininga.

Hindi ko alam at maintindihan ang sarili ko. Alam kong galit pa ako kay Zeus ramdam ko iyun ngunit hindi ko maipagkakailang masaya akong malaman na dahil sa kanya masaya ang anak ko pati na rin sya.

Nabawasan na rin ang bigat sa dibdib ko nang sabihin ko sa mga bata ang tungkol sa ama nila.

Bumalik sa isipan ko ang isinaad sa akin ni Zeus bago ako ma aksidente.

can’t you get it?! I love you Zian! Damn it!”

He loves me.

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko sa nalaman kung iyun sa kanya. Ngayon lang nag sisink in sa utak ko ang lahat ng sinabi nya sa akin nung araw na iyun.

Galit na galit ako sa bruhang Sarah na iyun dahil sa nalaman ko. Kapag nakita ko talaga ang babaeng iyun ay baka makalbo ko sya. I can't believe her, she's literally crazy. A memory flashed in my eyes, Sarah hurting me and treating me like a trash in my own house. It angered me.

Tinatanong at pinakikiramdaman ko ang puso  at ang sarili ko kung may pagmamahal pa ba akong natitira para kay Zeus? mahal ko pa rin ba sya? Masusuklian ko ba ang pagmamahal nya?

Ang sagot ko?

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung mahal ko pa ba sya. Kung masusuklian ko ba ang pagmamahal na mayroon sya para sa akin.

Dahil kahit ako nalilito sa sarili kong nararamdaman. Kahit ako hindi alam kung hanggang ngayon ba ay tinitibok pa rin ng puso ko ang pangalan nya.

All I want is for my kids to be happy and I think I'll be okay with that.

My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now