Well, for me only. I find it attractive. It is just my opinion about seeing it from him.

"Ideal. Anyway, maayos ba ang lagay mo sa bahay na iyon? Walang kuryente do'n, ah?"  Napainom si ma'am sa baso ng tubig. Si lola Tasia naman ay hindi na nagsalita dahil sa patuloy pa rin itong kumakain.

"It's okay. Fresh air always comes at night so it's not that really hard to be there. I enjoy staying there."

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita. Nakakuha ako ng tyempo dahil kung sino ang kinakausap niya, naroon lang sng buo niyang atensyon, wala nang balak tumingin pa sa iba.

Grabe naman. Wala pa akong nakikitang kahit na anong kamalian sa kanya. He's too perfect. When it comes to his physical features, it's a bonus already. A big check for someone's who's dreaming for a guy like him.

Masyado niyang nasalo lahat ng kaperpektohan.

Nang natapos na kaming lahat ay ako na ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan. Pinilit ko pa si ma'am dahil sa gabi na raw kami pero sabi ko ay ayos lang.

I wiped their glass table and then helped lola Tasia to go to her bed to have some sleep. Pagkatapos no'n ay dumiretso na ako sa kusina kung nasaan ang lababo. Nakikipag-usap si ma'am kay Jaeden nang huli kong nakita.

I washed all the bowls and the plates. Kahit na kilala na ako ni ma'am ay kahit minsan hindi ko tinuring ang sariling parte ng pamamahay na ito kahit na dati ay halos narito na ako nakatira. I still see myself as the daughter of my parents. Kaya kahit malapit si ma'am sa akin ay nanatili akong tumutulong sa kanya.

My mother taught me to not let others clean what you've used when you're inside someone's house. Hindi naman sa obligadong ikaw ang maglinis dahil wala ka sa sarili mong bahay. It is a sign of respect and kindness. My mother will always have that good advice for me.

Napatingin ako sa orasan nang matapos na sa ginagawa. Alas siyete na ng gabi. Madilim na rin sa labas kung kaya't nanghiram ako ng flashlight kay ma'am.

I grabbed my bag after she handed me the flashlight. Nasa labas na rin si Jaeden na mukhang hinihintay akong makatapos. Ganoon ba ako katagal o baka nagmamadali siyang umuwi?

"Balik ko na lang bukas, ma'am. Uwi na po kami. Salamat po sa pagkain," pasasalamat ko kay ma'am habang lumalabas na ng pinto. I turned on the flashlight. Dumako pa ang ilaw sa nakatalikod na si Jaeden mula sa gawi ko kaya inilihis ko iyon ng mabilisan.

"Sige. Ingat kayo, ha? Mabait ang batang 'yan kaya huwag kang mag-alala," saad nito sa akin saka ako tinapik sa braso ng mahina. Tumungo na rin ako papunta kay Jaeden na hawak ang kanyang cellphone, naka-on na rin iyong flashlight niya.

Huminto ako sa likuran niya, nagpaplanong paunahin siya sa paglakad.

"Sir," tawag ko saka ito napalingon. "Mauna na kayo, susunod na lang ako sa likuran ninyo," suhestyon ko sa kanya.

He gave me a questioning look as if not agreeing to my decision. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya, nagtatanong rin.

"You'll go first. I'll follow you." Umiling kaagad ako, inayos ang pagkakalagay ng shoulder bag.

"Hindi na, sir. Kayo na lang mauna. Malayo pa naman ang bahay ninyo sa akin kaya ayos lang."

Ewan ko na kung bakit hindi man lang ito gumagalaw. Balak ko ngang mahuli sa paglalakad dahil sa gusto kong bagalan ang lakad ko. Ayoko pa naman iyong nakasunod siya sa akin.

Tumikhim ito saka sinuklay ng maayos ang buhok. He cleared his throat after and gave me a look again.

"For sure you don't have a problem about someone who's being gentleman?" he asked as he turned away the direction of the flashlight from his phone. Umiling naman kaagad ako. "Then walk first. I'll be watching you from the back for your safety. It's too dark already."

Fourth of October (Juntarsiego Series #1)Where stories live. Discover now