Nauna akong maglakad papunta sa kotse niya. Nandoon kasi ang ibang gamit ko. Umuwi na din kami pagkatapos para makapag pahinga na. Ilang linggo bago lumabas ang result noon, kaya ilang linggo akong hindi makakatulog ng maayos.

Habang lumilipas ang araw ay lalo akong kinakabahan dahil wala pang nag eemail sa akin. Kung hindi ako doon matatanggap ay mahihirapan akong makahanap ng school dahil ang iba ay hindi tumatanggap ng scholar.

"Uno, wala pa rin ba?" tanong ko sa kaniya habang nakatutok siya sa laptop niya at kanina pa nagrerefresh doon. Nakiopen kasi ako sa kaniya ng email, siya din naman ang gumawa noon para sa akin dahil wala naman akong maayos na gadget para magamit. Nahihiya pa nga ako dahil halatang bago iyong laptop niya halos wala pang nakasave na Google account kundi iyong akin.

"Wala pa rin e!" kahit siya ay nakasimangot na din at parang nawawalan na ng pag asa, kaya naman unti unting pinanghihinaan na din ako ng loob. "Ayos lang yan. Wag ka na malungkot jan"

Hinampas ko ng mahina ang kamay niya nang kurutin niya ako sa pisngi.

"Ano ba yan ang sakit sakit eh" reklamo ko sa kaniya.

"Tara?"

"Ha? Saan?" tanong ko pabalik dahil bigla na lamang siyang nag aaya.

"Basta" hinila niya ako patayo at lumabas ng cafe, kung saan siya nag akit tumambay. Nakakagulat pa ang mga pagkain doon, parang ginto.

Sumakay kami sa kotse niya at nagdrive siya papunta kung saan. Napansin kong ibang kotse ang dala niya ngayon. Hindi na lamang ako nagreklamo dahil sa tingin ko ay kailangan ko din magpahangin. Kailangan kong huminga.

Nakarating kami sa pamilyar na lugar, dito niya ako dinala noon. Kahit ilang beses na akong nakapunta dito ay hindi pa rin maalis sa akin ang humanga sa ganda ng lugar. Papalubog na din ang araw nang nakarating kami doon. Napakaganda.

"Bakit palagi mo akong dinadala rito?" tanong ko sa kaniya pagkababa ng sasakyan. Naglakad siya palapit sa likurang bahagi ng sasakyan niya kaya sumunod ako.

"Sabi mo gusto mo ang matataas na lugar dahil pakiramdam mo malapit ka sa ulap kung saan masarap magpahinga, hindi ba?" napaawang ang labi ko dahil natatandaan niya pa pala iyon.

"Natatandaan mo pa?"

"Lahat ng tungkol sayo natatandaan ko ..." tumingin siya sa akin ng seryoso at unti unti sumilay ang isang malungkot na ngiti, "...kahit iyong mahahalagang bagay tungkol sayo, na kahit ikaw nakakalimutan mo"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bagay na mahalaga? Tungkol sa akin?

"A-anong ibig mong sabihin?"

Lumapit siya sa likuran ng sasakyan niya at unti unti ay binuksan iyon.

Napaawang ang labi ko at parang may luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko. Paanong nakalimutan ko ito?

Paanong ang mahalagang bagay na ito ay nakalimutan ko at siya pa ang nagpaalala sa akin.

Napako ang tingin ko sa mga lobong itim at pink, pati sa banner na nandoon. Mayroon ding pink na teddy bear sa gilid at isang cake sa gitna. Pinaganda pa iyon ng mga maliliit na pusong umiilaw na siyang nagbibigay liwanag sa lahat.

Tiningnan ko ang cellphone ko para tingnan ang petsa. 24th of September. My birthday.

"Happy 18th birthday Meisha" iniabot niya sa akin ang kumpol ng pulang rosas.

"P-paano mo nalaman?"

"Kasi ganoon ka kahalaga" nagkibit balikat pa siya na para bang iyon ang pinaka tamang sagot sa tanong ko.

Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kaniya kasabay noon ay ang pagyakap ko sa kaniya. Naramdaman kong nanigas siya sa kinakatayuan niya dahil sa gulat, pero agad naman siyang nakabawi at niyakap ako pabalik.

"Maraming salamat Uno sa pagpapaalala kung gaano ako kahalaga."

Totoo ngang sa gitna ng pagod may darating na pahinga. May taong darating para ipaalala sa atin kung gaano tayo kahalaga, na kahit tayo mismo ay hindi makita. Iyong handa kang samahan sa lahat at iparamdam sayong ikaw ay sapat.

"Nandito lang ako Meisha, para alalahanin ka sa mga panahong pati sarili mo nalilimutan mo na"

Pero nakakatakot na mawala ang taong iyon. Lalo na kapag nasanay ka sa presensya niya. Hindi natin alam kung hanggang kailan sila mananatili, kaya habang nandito pa susulitin ko na.

"Mahal kita Uno, handa akong mahalin ka sa tuwing nakakalimutan mong mahalin ang sarili mo"

Napabitaw siya sa pagkakayakap at nanlalaki ang mga matang tumingin sakin.  Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"M-meisha wag mo nga akong pinapakilig" parang bata siyang nag iwas ng tingin.

"Ayaw mo ba? Yung gusto mong girlfriend, ready nang magka boyfriend"

"P-putang Ina" bulong niya sa sarili niya at parang hindi alam ang gagawin. "Naengkanto na ata ako, nakakarinig ako ng matatamis na salita mula kay Meisha"

Natatawa lang akong nakatingin sa kaniya.

"Seryoso ako Uno" nakangusong sabi ko sa kaniya dahil akala niya ata ay pinag titripan ko siya.

"Lord, tulungan niyo po akong labanan ang tukso na halikan ang babaeng nasa harap ko" nagdasal pa talaga ang gago.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Minsan ko lang naman pag bigyan ang sarili ko, susulitin ko na.

"Teka!" Akala ko ay kung ano ang sasabihin niya kaya talagang inabangan ko pero, "...saglit kinikilig ako, iiihi ko lang 'to"

Tumakbo siya palayo sa akin. Hindi ko maiwasang matawa sa kaniya at mapatanong na lang kung bakit siya ang minahal ko. Pero bakit hindi? Baka si Uno yon.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now