Chona's POV
'Transferee'
Yan ang laging topic na naririnig ko sa mga nakakasalubong kong estudyante dito sa hallway.
Nakakailang lang dahil transferee ako sa school na ito at baka ako ang pinag- uusapan nila.
Pero imposible dahil mukhang wala pa naman nakakapansin sa akin dahil sa gilid ako ng hallway naglalakad. Ayaw ko kasi ng maeksena.
At sigurado akong di lang naman ako ang transferee dito. Sa sobrang sikat ba naman ng school na ito.
Nakayuko akong naglalakad papunta sa office ng principal upang maasikaso daw nila ako sa first day ko.
Kakaiba din itong school na ito, imbes na ibigay na lang sa akin ang section at schedule ko, ang dami pa nilang pinaggagagawa. Pero baka naman ganun lang sila magpahalaga ng mga estudyante.
Binilisan ko na ang paglakad ko dahil baka malate ako sa orientation ng principal dito.
Ang sabi sa akin ng parents ko, mga transferee lang daw ang may student orientation tuwing first day of school kaya sa principal's office lang daw nag oorient.
Kasya kaya kaming mga transferee dun sa principal's office?
Habang naglalakad ay may nakabangga ako.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" ang lakas naman ng sigaw nitong babaeng ito. Pinagtinginan tuloy kami.
"Sana umiwas ka nung nakita mo ko." sabi ko at nilingon ang nakabangga ko.
Infairness maganda siya.
Nag- smile ako sa kanya pero nawala din ito nang makita kong parang gulat na gulat siya.
"Uy joke lang, sorry nagmamadali kasi ako eh" sabi ko ulit.
"Parang ngayon ko lang siya nakita, siya ba yun?"
"OMG! Siya ata yung transferee"
"May transferee? Himala!"
"Babae pala yung new student?"
"Chicks pare!"
"Naku! Binangga niya si Ian!"
Nilingon ko ang paligid ko at ganun na lamang ang pagtataka ko nang makita ko ang maraming estudyante sa paligid na gulat na gulat at ang iba naman ay nakangiti sa akin kaya ngumiti rin ako.
Pero sa isang gilid ay may grupo ng mga estudyanteng masasama ang tingin sa akin.
"Andyan na yung Class-1"
"Nakita ata nila yung nangyari"
"Naku! Lagot yang si ate girl! Student pa talaga sa class na iyon binangga niya."
Dahil sa mga narinig ko ay nailang ako. Tinignan ko yung babaeng nabangga ko at ngayon ko lang napansin na nakaalis na pala siya kaya umalis na rin agad ako at nagpatuloy pumunta sa principal's office.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng principal's office ay agad akong kumatok bago buksan ito.
Bumungad sa akin ang isang may ka-edarang babae na nakaupo.
Tumayo ito at ngumiti habang papalapit sa akin.
"Good Morning Ms. Solis. I am Mrs. Gaile Kenjiro, the principal of the Isolein Shien High" bati niya sa akin at kinamayan ako.
"You are late Ms. Solis" she added.
Napayuko na lamang ako at humingi ng paumanhin.
Kung hindi ko naman kasi nakabangga yung kanina ay hindi naman ako malalate.
![](https://img.wattpad.com/cover/278569875-288-k945964.jpg)
YOU ARE READING
Case Of The Missing Class [On Hold]
Mystery / Thriller[UNSOLVED CASE #1] Mga matatalino at talentadong estudyante na nakakaangat sa karamihan ay bigla na lamang sasablay sa tila perpektong pag- aaral nila. Imbes na proyekto ay misyon ang ibinigay sa kanila upang mabawi ang mga grado, kung saan ay kinak...