CHAPTER 1

10 1 0
                                    


CHAPTER 1

 

[ALTHEYA]

SUNOD-SUNOD na mga yabag ni tatay ang narinig ko mula sa labas ng banyo. Mula sa mabibigat niyang yabag ay ramdam ko ang galit niya habang hinahanap ako.

Napaigtad ako nang marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto sa kusina na katabi lamang nitong banyo.

Mahigpit kong niyakap ang aking mga tuhod habang nakaupo ako sa lapag at nakasiksik sa gilid ng banyo.

"Altheya! Nasaan ka!" punong-puno ng galit na sigaw ni tatay at saka naglakad ulit.

Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa takot. Galit na naman sa akin si tatay, lasing siya at may balak na naman akong saktan. 'Nakakatakot siya...'

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paghinto ng mga yabag ni tatay sa may pintuan.

Narinig ko ang sunod-sunod na pagpihit ni tatay ng busol para sana buksan ang pinto ng banyo pero dahil naka-lock iyon ay hindi niya nabuksan.

"P*ste ka talagang bata ka! Nandito ka lang pala, pinaghanap mo pa ako! Lumabas ka riyan!" malakas niyang sigaw habang kumakatok sa pinto, kulang na lamang ay masira ang ito dahil sa lakas ng kaniyang pagkalampag.

Nanginginig na isiniksik ko ang sarili sa sulok habang mariing tinatakpan ang tainga upang hindi ko mapakinggan ang mga sigaw at kalampag ni tatay sa labas.

"Ginagalit mo talaga akong bata ka! Buksan mo 'to!"

Umiiyak na umiiling-iling ako, sa sobrang takot ng nararamdaman ko ay tanging pag-iyak sa sulok ang aking nagagawa. Galit na galit na si tatay. Hindi ko man nakikita ang kaniyang reaksyon ay ramdam ko ang galit niya dahil sa mariing pagsabi niya ng mga katagang iyon.

Nanlaki ang aking mga mata nang makarinig ako ng malakas na pagbukas ng pinto sa sala. Narinig ko ang mahinang pagmura ni tatay nang marinig niya ang kalabog.

"P*tang*na! N-Nasaan na ba kasi 'yong dokumentong hinahanap nila!" wika niya. Naramdaman ko mula sa kaniyang boses ang panginginig habang binabanggit iyon.

'Si tatay na nakakatakot, ngayon ay natatakot? Sino kaya ang tinutukoy ni tatay na 'nila'?'

"Mamaya ka sa akin, p*ste ka!" bulong niya sa may pintuan na tanging ako lamang ang makakarinig.

Dahil sa sinabing iyon ni tatay ay mas lalo pa akong natakot. Sana naman ay mayroong tumulong sa akin dahil hindi ko na kaya ang pagmamaltratong ginagawa sa akin ni tatay kapag lasing siya.

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang papalayong mga yabag ni tatay na papunta sa sala.

Tinanggal ko na ang aking mga kamay na nakatakip sa aking tainga at saka sinandal ang aking likod sa dingding. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko para ikalma ang sarili.

"Tresspassing ang ginagawa niyo!" sigaw ni tatay sa mga pumasok sa bahay ang narinig ko hanggang dito sa banyo.

Hindi ko narinig ang sagot ng mga kausap ni tatay kaya naman naiwan akong naguguluhan dito sa loob ng banyo.

"'Di ba, sinabi ko na sa inyo na hahanapin ko ang dokumento na tinutukoy niyo? Kinakausap ko na ang anak ko dahil baka alam niya kung nasaan iyon."

Narinig kong sabi ni tatay sa kaniyang kausap.

"Binigyan ka na namin ng tatlong araw para hanapin iyon pero hanggang ngayon ay wala pa rin? Hindi na makapaghintay si Boss!"

"Pagbigyan niyo ulit ako! M-Maawa kayo sa akin, may anak pa akong pinapalaki!"

Secret of Maddison [ON DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon