Chapter 1

10 2 3
                                    











Living as the Vampire's Fiancee
Written by: Kit_Heavens












"Argh, shit." I woke up with an aching head and my back still screaming with pain. Kasalanan to ng lalaking tinamaan ako ng bola, sumakit pa tuloy ang ulo ko at mas lumala ang sa likod ko.

"Young Mistress!" I heard someone exclaimed, followed be a multiple whispers that I can't clearly comprehend. Teka...

Bigla akong napamulat ng mata nang ma-realize na may nagsalita, sa pagkakatanda ko ay mag-isa lamang ako sa bahay, at hindi rin boses lalaki ang ina ko.

Bumungad sa akin ang napakataas na ceiling, may chandelier pa ito at halatang hindi ito ang bahay ko at hindi rin ito hospital. Bumangon ako at kaagad na may dumalo sa akin at tinulungan akong makaupo ng maayos.

"S-sino-" di ko na natuloy ang sasabihin ng mapaubo ako. Tila ba may bumabara sa lalamunan ko.

"Inumin mo muna itong tea, young mistress. Makakatulong ito sa pag-aayos ng lalamunan mo." I took the teacup from the woman and slowly drank the liquid. 'Di ko na pinansin ang pagsabi niya na naman ng Young Mistress. "Galing po sa bundok ng Devou ang mga sangkap niyan." 'di ko man masyadong maintindihan ang sinasabi niya ay inubos ko parin ang laman. Matamis ang lasa nito at medyo gumaan nga ang pakiramdam ko.

"Sino ka?" 'di ko napigilang tanong sa unang taong nakita ko sa aking pagmulat, katabi nito ang babaeng nag-abot sa akin ng inumin kanina. He is approaching me as if he know me.

Sinenyas nito ang kamay sa likod, and in a few seconds, kaming dalawa nalang ang naiwan sa loob. "Young Mistress, I'm Luthre. Your servant." nakayukong pahayag nito.

"What happened to me? Why am I here?" my voice is soft which makes me wonder why.

"According to the healer, you are suffering from amnesia." panimula nito.

"What? How can I have amnesia when I can still remember that I was hit by a ball." 'di ko napigilang magsalita ang bibig ko, napapasabak rin akong gumamit ng English dahil mukhang medyo englishero itong kausap ko.

"I apologize Young Mistress, but I can't get what you are trying to say. Nabaril ka ilang araw na ang nakakalipas at sinasabing may lason ang balang iyon. At iyon ang rason kaya nawala ang memorya mo." nakayukong pahayag nito.

I eyed him like he is a weird or a creep. Mabuti nalang at hindi siya nakatingin sa akin. Lason? Nabaril? Sumasakit nga ang likod ko ngunit hindi ko maalalang nabaril ako. "Nasaan ako?" I asked my next question. The room is beautiful but too spacious.

"Nandito tayo sa bahay ng iyong ama."

"Ama?" what does he mean 'ama'? My father was long dead.

"Yes, Young Mistress." Buhay pa ang ama ko?

"Buhay pa siya?" nagtataka naman itong tumingin sa akin saka tumango. "And my mother?"

"She was long gone." wtf?!

"What? Are you kidding me?" gulat kong tanong sa kanya. Pinipigilan ko rin ang sariling magmura. Napahawak naman ako sa aking ulo ng maramdaman ang pagkirot nito.

Living as the Vampire's FianceeWhere stories live. Discover now