"Para sa akin ba ang tanong na 'yan o kay Ms. Bella?" pilyo kong tugon sa kanya.

"Depende sa inyo kung sino na sasagot?"

"Siguro wala naman akong favoritism dito noh? Bakit ba namin pinili ang candy magazine? Simple lang! Gusto ko namang makahinga ang candy dahil sa pagkakasadlak nila sa lupa. Mas gusto kong mag charity sa ganitong kumpanya yung tipong hingal na. Oopss! Sorry? Nasobrahan na ba ako sa sagot ko?" natatawa niyang sambit sa interviewer.

Napatingin sa akin si Emily habang nag sasalita si Bella sa interview. Napapataray na ako kayu Bella dahil hindi ko nagustuhan ang sinasabi niya ngayon sa amin.

"The hell? so parang sinasabi mo na charity kami?" inis na sambit ko sa sarili ko.

"Napaka busilak pala ng puso ni Ms. Bella," , "Gusto po sana naming tanungin din ang co-founder ng company na ito na si Ms. Celine? Ok lang po ba?" tanong niya sa amin.

Napatingin ako sa lugar kung nasaan si Celine.

"Ms. Celine, balita namin na ikaw ang ex-fiancee ni Mr. Iglesias. kumusta naman po ang puso niyo noong kinasal na siya sa iba? at ngayo'y single na ulit?" 

Pangiti-ngiti si Celine sa interviewer sabay tugon sa tanong.

"Sobrang nasaktan ako nung ikinasal si Lucio sa iba at syempre ngayon hinihintay ko pa rin na mag heal siya at maramdaman niya na may isa pa ring tao na nag hihintay ng pagmamahal niya,"

"Wow! Sobrang mahal na mahal mo talaga si Mr. Iglesias,"

"Wala na ba kayong itatanong? Kung maaari ay wag na natin pag usapan ang kanya-kanya nating mga lovelife dito," asar na sabat ko sa kanila.

"Nandito din pala ang ace model ng candy magazine. Si Ms. Dimple," , "Ms. Dimple, isa kang napaka gandang babae at talagang pati ang puso ko ay napipisil mo. Maitanong ko lang? Ano ang mga ginawa mong paghahanda sa nagaganap na photoshoot sa pagitan niyo at ng Bella?"

"Pasensya na pero ito kasi ang unang interview ko kaya hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ko pero ang ginawa ko talaga ay nag balance diet ako dahil alam kong malaking pangalan ang ipo-promote ko. Nag papasalamat ako sa Bella dahil na-conquer ko na ang fear ko sa ahas,"

"Tatanggapin mo ba ang alok sayo ng isang modeling agency para doon ay mag trabaho sa kanila? Iiwan mo na ba ang candy magazine?"

"Wala po akong planong umalis sa kumpanyang ito dahil ito ang tumulong sa akin na umangat sa buhay. Malaki ang utang na loob ko sa bestfriend ko na nagpasok sa akin dito,"

"Sinong bestfriend mo? Si Ms. Celine?" 

"Sa mga hindi po nakakaalam ay ako po ang bestfriend ng asawa ni Sir Lucio."

Madaling nag susulat at nag ta-type ang mga interviewer sa mga sinasagot namin sa kanila.

"Huling tanong nalang po Mr. Iglesias," , "Anong paghahanda ang ginagawa niyo ngayon lalo pa't busy book na kayo dahil dumadagsa ang inyong mga kliyente?"

"Dahil sa dumadami at nagiging busy na muli ang aming kumpanya ay sinisigurado pa rin namin na maganda at kwalidad ang aming trabaho kahit pa pagod at puyat na ang mga tauhan ko."

Matalim ang tingin ko sa kanilang lahat habang kinakalkula ko ang mga sasabihin ko.

"Tulungan at bantayan niyo pa ang mga pasabog ng aming kumpanya dahil sinisigurado ko sa inyo na magiging maingay muli ang aming kumpanya ngayon."

Pumalakpak ang mga tauhan ko sa likod ng mga interviewer kaya napapalakpak nalang ako kasabay ng pag ngiti ko sa kanilang lahat.

Ito na tapos na ang interview namin nakahinga na ako ng maluwag. Pagkatapos na pagkatapos ng interview namin ay nauna na akong lumabas sa conference room upang tumungo sa opisina ko.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon