Confirmed, hindi nga ako ang gusto ni Asher. Pero bakit kasi ang sweet sweet niya?
Pinapaasa niya lang ba ako o ako talaga 'tong tanga na umasa? Kundi siguro ako binigyan ng ideya ng mga kaibigan ko, hindi ako mag a-assume ng mga bagay bagay. Bakit kasi kailangan mong bigyan ng malisya ang bawat kilos niya? Ayan tuloy, naiwan kang nganga.
Kung iisipin, matagal na ngang ganyan si Asher saakin. Sweet. Minsan pa nga naglalakad kami kasama ang barkada, magka holding-hands pa. Oo nga pala, bakit ngayon ko lang naisip? Matagal na siyang sweet, nabahidan lang ng malisya inisip ko na kaagad na baka may pag tingin siya sakin.
Hay! Napaka-assuming! Kaya nasasaktan e!
Oo, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa kahibangan ko, hindi ko napansing nahulog na pala ako.
Kaya ayun, plakda.
Kain ka bubog, Adrianna.
• • • • • • • • • •
ASHER: 'Di ako pumasok, tanga. Mamayang hapon na, half day ako.
ADRIANNA: Bakit naman?
ASHER: Wala ka na dun :) 'Wag mo ako masyadong mamiss ah?
ADRIANNA: Mukha mo
ASHER: Gwapo
ADRIANNA: Mukha kang tae
ASHER: Miss mo lang ako e :) Okay lang 'yan babe, miss din naman kita ;)
ADRIANNA: Malandi ka. May mahal ka na nga nilalandi mo pa ako
ASHER: Ano?
Patay ka dyan Adrian. Anong palusot mo? Ba't ka kasi nagpapadala sa emosyon mo! Mamaya kung ano isipin n'yan ni Asher e! Patay na. Magbigti ka na. Ay wait, 'wag. Mali 'yon. Nasa school ako, mamaya na sa bahay.
ASHER: Wala akong mahal na iba bukod sa'yo. Tsaka ikaw lang naman nilalandi ko, babe.
ADRIANNA: 'Wag ka ngang ganyan
ASHER: Ano?
ADRIANNA: 'Wag kang nagsasalita ng parang may gusto ko sakin.
Napakagat ako sa labi dahil medyo matagal siyang hindi nag-reply. Sumulyap ako sa wall clock at nakitang malapit na matapos ang recess. Agad akong napa balikwas nung mag-vibrate na ang cellphone ko.
ASHER: Gaga, 'yon ba iniisip mo?
ADRIANNA: Hindi
ASHER: Ano pala? Mag-usap nga tayo mamaya
ADRIANNA: Ayoko kitang kausapin
ASHER: Mag-uusap tayo.
ADRIANNA: Ayoko nga
ASHER: Tss, ano bang tumatakbo jan sa utak mo? 'Wag mo sabihing sineseryoso mo mga sinasabi ko, bes? Crush mo na ba ako? Kingina ka 'di tayo talo.
Napalunok ako at naramdaman kong nanginginig na pala ang mga kamay ko. Ni hindi ko napansin si Jared na umupo na sa tabi ko. 'Di tayo talo. Hindi pa nga nakaka amin, basted na. 'Di tayo talo. Napaka tanga mo talaga, Adrianna.
ADRIANNA: In your dreams! Sa pangit mong 'yan? Hindi talaga tayo talo! Ew. May standards ako noh.
ADRIANNA: Sinabi ko lang 'yun dahil sila Ethel, nag-a-assume na may gusto ka daw sakin.
ADRIANNA: Siguro meron noh?ASHER: Aah lol, asa.
ASHER: Sabihin mo iba ang gusto ko.ADRIANNA: Sino ba 'yan?
ASHER: Secret
ADRIANNA: Sabihin mo na! Gupitin ko 'yang pangalawang ulo mo.
ASHER: Lagi mo nalang hina-harrass talong ko
ADRIANNA: Maliit kase
ASHER: Nakita mo na ba? Baka magulat ka
ADRIANNA: Magugulat ako kasi kasing haba siya ng hinliliit ko?
ASHER: I feel so attacked
ADRIANNA: HAHAHAHAHA
ASHER: Makatawa wagas
ASHER: Sige na babe, tumatae ako e.
ASHER: Istorbo kaADRIANNA: Dugyot!
ASHER: Lamyutu
"Okay ka lang?" rinig kong tanong nung katabi ko matapong kong ibulsa 'yung cellphone ko at yumuko.
Ipinatong ko 'yung ulo ko sa braso ko bago tignan si Jared para ngitian, "Okay lang. Bakit?"
Nagkibit balikat siya, "You look like you're okay," aniya. "But your eyes tell a different story."
"Ha?"
"Mukhang kang okay dahil nakangiti ka," paliwanag niya. "Pero halata sa mata mong malungkot ka."
Napatawa ako sa sinabi niya, "Ano ka na ngayon? Si Madam Auring?"
Nangunot ang noo niya at ngumuso, "Sino 'yun?"
Tawa na lamang ang isinagot ko.
YOU ARE READING
STASG (Rewritten)
ChickLitSi Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information st...
Kabanata XII
Start from the beginning