Chapter 6

5 1 0
                                    

Dumiretso ako sa library pagkalabas ng cafeteria. Plano ko sanang sa students' greenspace magpalipas ng oras ngunit iniisip ko na posibleng naroon si Timea at Egon kaya wala na akong nagawa kundi ang piliin ang pangalawang tahimik na lugar sa university.

Don't get me wrong, hindi ko ito ginagawa dahil sa sinabi ni Maverick, yes he has a point. Ngunit pinili ko 'tong gawin dahil hindi ko na kayang dagdagan pa ang mga tumatakbo sa isip ko. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.

Simula no'ng pumasok ako sa university at nakilala si Alexa, sumunod si Timea at ang sagutan hanggang sa ang pag-iwas na kailangan kong gawin sa hindi malamang dahilan, si Papa na hindi ko rin mahulaan bakit narito, ang pag-iyak ni Mama, at ngayon ay dumagdag pa ang resulta ng long quiz. Pakiramdam ko unti-unting nagugulo ang dating tahimik kong buhay.

I went straight to my usual spot where the somewhat hidden part is 'tsaka naupo at inilabas ang bagong binabasang novel.

Books became my sanctuary every time I feel exhausted, confused, or have any out-of-control emotions. I found a lot in books, in addition to enjoyment and pleasure, I found lessons and new challenges that only books can provide, of course maliban na lamang sa totoong buhay. Ngunit hindi naman kasi lahat ng pangyayari ay nararanasan sa totong buhay. Sa libro kasi we no longer have to experience to learn dahil sa mga characters pa lang ay labis na ang aral na mapupulot.

I was close to the next page when my phone beeped and Mama's message popped up.

Mama:

Dinner later kasama ang Papa mo. Susunduin ka ni Anton.

My forehead wrinkled as I stared at my phone. Binitawan ko rin muna ang librong hawak dahil sa nabasang mensahe. So, he's not busy? Kaya ba siya narito kanina? Pero anong ginagawa niya sa office ng mga prof?

Agad akong nagtipa ng reply kay Mama.

Tria:

He's free? 

Mama:

Yes, be home before seven. Take care!

Sumandal ako sa upuan habang iniisip kung paano ko tatanungin si Papa mamaya. Sigurado ako na siya ang nakita ko kaninang umaga pero paano kung gaya no'ng nakaraan ay gano'n pa rin ang isasagot niya? That he's tied up with new cases? 

I heave a sigh and shake my head. Bakit naman siya magsisinungaling? Sigurado akong may dahilan ang pagpunta niya at siguro alam din 'yon ni Mama.

Tahimik lamang akong bumalik sa building at hinanap ang room number nang malapit na ang oras ng afternoon class. Pumasok ako sa classroom at hindi gaya kanina na tila binagsakan ng langit at lupa ang kalahati ng klase, ngayon ay mukhang bumalik na sa normal ang lahat. Maririnig na muli ang tawanan sa loob at ang iba't ibang kwento ng bawat isa na tila walang bumagsak sa long quiz. Kaya sa halip na magmukmok at isipin ang nangyari ay hinayaan ko na lang din ang sarili na makipagkwentuhan sa mga katabi.

Siguro ganito nga talaga. Sa college, hindi pwedeng buong araw mong isipin ang nangyari dahil may mga susunod pa rito at maaaring mas komplikado at mas mahirap, at nakumpirma ko nga 'yon dahil pagkapasok pa lamang ng prof at pagkatapos niya kaming batiin ay agad itong bumunot ng index card na hindi namin napansing hawak niya pala.

I bit my lower lip when the first name he called was mine. Shit! Sinusumpa ko talaga ang nag-imbento ng index card!

"Noong panahon ng katutubo, ilang titik, patinig, at katinig ang mayroon?"

I blinked. Alam ko 'to pero hindi ko sigurado kung tama. Napalunok muna ako bago sumagot. "Labing-pitong titik, tatlong patinig, at labing-apat na katinig."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Afraid of Everyone's EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon