"Bakit mo naman sinigawan si Aaron?" hindi nakatakas sa akin ang inis sa boses ni Silver.

"Inis ka sa akin?" tanong ko at inalis ang kamay ko sa braso niya.

"Hindi." simpleng sagot niya.

"Hindi raw..."

"Hindi mo ba napansin si Aaron? Para siyang may problema."

Sa sinabing 'yon ni Silver napaisip ako. Binalikan 'yong mga araw na hindi niya ginagawa 'yong mga kasanayan niyang gawin kada araw. Hindi siya minsan mag salita, bihira niya akong kulitin, hindi rin siya maingay at magulo sa klase at lagi siyang seryoso sa tabi ko at nag aaral. Pero muka naman siyang maayos nitong mga nakaraan. Naging mabuting estudyanti lang siya.

"Sa inyong dalawa... ikaw 'yong mas may mukang problema." hindi ko napansin na 'yan na pala ang nasabi ko.

He scratched his head. "Halata ba?"

"May problema ka? Ano 'yon? Pwede kang magkwento sa akin,"

"School problem. Graduating student na kaya ako."

Hindi na kami nakapag usap pa matapos niyang sabihin 'yon dahil hindi ko alam kung ano na ang sasabihin ko. At hindi ako naniniwala. Pero mas pinili ko na ring manahimik dahil baka magaya na naman ang nangyari noon sa bahay nila na nasaktan ko siya nang hindi ko sadya dahil sa pagtatanong ko tungkol sa mama niya.

"Sabi ni Papa kailangan ko raw mag aral nang mabuti para maging worth it daw 'yong paghihirap niya sa pagtratrabaho..."

Napatingin ako sa kaniya nang magsimula siyang magkwento. Nakatingin siya sa harap kaya maganda ang view ko rito sa kaniya. Kitang kita ko kung paano kaganda ang hubog ng ilong niya, ang magandang hugis ng panga niya. Ang gwapo niya talaga kahit na side view!

"Dati pa niya 'yang sinasabi sa akin but now that I'm graduating, turning college... I, somehow, feel the pressure."

"Uhm.. it's natural." sabi ko na lang. Lumingon naman siya sa akin dahil sa sinabi ko. Umiwas ako ng tingin dahil nahuli niya akong nakatingin sa kaniya kahit na naglalakad kami. "to feel the pressure. Papasok ka uli sa panibagong yugto, ,e, mag-aaral ka pero bago na uli." sabi ko.

"Alam mo Nicole... I love this..." maya maya ay aniya at tumingin saakin. Nagulat pa ako nang bigla siyang lumapit! Magkadikit na ang mga braso namin!

"A-Ang alin?" utal kong usal at pilit ko mang lumayo ng kaunti ay hindi ako makahakbang. Nagugustuhan 'ata ng katawan ko dahil sabi ng utak ko layo pero traydor ang katawan ko at ayaw nitong gumalaw.

Yumuko ako at kinagat ang pang ibabang labi. Nararamdaman ko rin ang mga pisngi kong nag iinit.

"I love walking with... you and talking like this. It's calming and peaceful."

Nag angat ako nang tingin dahil sa sinabi niyang 'yon at sumikdo ng mabilis ang puso ko dahil nakangiti siya nang matamis sa akin at ang mga mata niya ay may kislap.

Nakarating kami sa kalenderia namin. Agad akong napaupo sa isang upuan doon dahil pakiramdam ko naging jelly 'yong mga binti ko sa sobrang kilig kanina.

"Oh? Okay ka lang, anak?" tanong ni Mama sa akin at wala sa sarili naman akong tumango bilang sagot at kumuha ng malamig na tubig at ininom 'yon. Ginulo ko ang buhok pero inayos ko rin agad at nag ipit ng messy bon.

Napatingin ako kay Silver nang matapos mag ipit at nag taka ako nang makita ko na at may naglalarong ngisi sa mga labi niya.

"Nakangisi ka diyan?" tanong ko nang makalapit. Na-i-kalma ko na ang sistema ko kaya naman maayos ko na siyang makakausap.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now