Ngumisi lamang si Apollo. Ako naman ay tumango lang.

Mayamaya pa ay umakyat naman ang pinsan ko si kuya Elvin.

"Good evening everyone honestly ayoko talaga sa planong ito na ipakasal ang nag-iisang babae sa aming magpipinsan. But I have no choice it's her decision so I'll just support her. Apollo don't hurt my cousin, cause she's precious to us. Kapag nalaman ko na sinaktan mo siya hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sayo at ilayo. And for you Daphne my princess kapag sinaktan ka niya huwag kang magdalawang isip na sabihin sakin. Dahil kukunin at ilalayo kita sa kaniya. Hindi mo deserve ang masaktan. You've been through a lot. You deserve to be happy, you deserve to be loved. Best wishes sa inyong dalawa."

Marami pa ang nagmessage na hindi ko na naalala kung sino-sino ang mga iyon.

Pagkatapos ng reception ay agad akong umakyat sa kwarto para magpahinga na. Hindi ko na hinintay si Apollo dahil andoon pa siya sa mga kaibigan niya. Nagiinuman sila sa may garden. Hindi niya naman ako pinapansin kaya might as well hindi ko na lang din siya papansinin.

Ayoko na kase makita sa mga mata niya ang pagka-disgusto niya sakin. Kase honestly pagod na pagod na ako na ipagsiksikan ang sarili ko sa kaniya.

Hindi ko naman kasalanan na pumayag siyang pakasalan ako. Hindi ko siya pinilit pero bakit parang pinapakita niya sakin ngayon na parang nagmakaawa ako sa kaniya na pakasalan niya ko.

Tahimik na lamang akong lumuha habang iniisip kung hanggang saan ang kaya kong tiisin para sa kaniya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pag-iisip.

Gumising ako ng maaga dahil alam kong ngayon ang alis namin patungo sa aming bahay na regalo ng mga magulang namin.

Tulog na tulog pa si Apollo ng tignan ko siya sa aking tabi. Paniguradong may hangover siya pagkagising.

Tinitigan ko muna siya ng ilang minuto bago ko naisipan na bumangon na at lutuan siya ng umagahan.

I just want to fullfil my wifely duties. Kahit naman na mayaman kami ay tinuruan pa rin ako ni mommy at daddy ng mga gawain sa bahay lalo na ang pagluluto.

Saktong pagpunta ko sa kusina ay naghahanda pa lang naman ang mga kasambahay nila ng lulutuin.

"Pwede po bang ako na jan", I asked them.

"Hala mam gising na po pala kayo, maupo po muna kayo jan hindi pa kami nakakapagluto", sabi ng isang kasambahay nila Apollo.

"Let me help you na lang po", I said to them. "Pero mam baka po kase mapagalitan kami", ate Lala said isa siya sa mga kasambahay na kaclose ko dito.

Napatingin kami sa may pintuan ng kusina ng magsalita si Apollo mula doon.

"Let her cook then, leave us here first", he said.

Isa-isang nagalisan ang mga katulong sa kusina kaya kaming dalawa na lang ang naiwan.

Naupo siya sa may kitchen island counter. Kinuha ko na rin ang mga ingredients na gagamitin ko para sa lulutuin ko.

I'll cook fried rice with egg, bacon, pancakes and hotdog.

Habang nagluluto ako ay ramdam ko ang tingin niya sakin.

Mayamaya pa ay natapos na rin akong magluto, sakto naman na nagising na ang mga magulang ni Apollo.

Agad silang naupo sa dining table, habang tumulong naman ako sa mga katulong nila na ihain sa lamesa ang mga pagkain na niluto ko.

Naiilang ako sa mga tingin nila sakin kaya pilit akong umiiwas. Pagkatapos kong tumulong sa mga katulong nila ay naupo na rin ako sa katabing upuan ni Apollo.

Hiding The Billionaire's Daughter (Hiding Series #2) [completed]Where stories live. Discover now