[ 37 ] Square of Threat

Começar do início
                                    

It's strange that she wasn't angry that I touched her belogings. I mean, gano'n naman talaga siya noon pa man but the thing I touched was pretty confidential.

Merielle Nicolaine Secosa. Who is she?

Ano ba talaga ang trabaho ni ate?

"Rosella, hindi mo ba uubusin ang fries mo?" Napabalik ako sa reyalidad. Napatingin ako kay Tyrone sabay tingin sa fries kong hindi ko nahipo. Kinuha ko ito sabay kain. Gusto ko ay habang malalim ang iniisip ko ay may nginunguya ako.

"Akala ko pa naman ay hindi niya kakain."

"I was about to take it without her noticing it tho,"

"Patay gutom, bumuli ka ng fries mo gamit ang sarili mong pera."

After that incident, normal pa rin ang pakikitungo namin ni ate sa isa't isa na parang walang may nangyari. Ayaw kong ibahin ang pagptrato ko sa kanya dahil baka mahalata niya.

Napayukom ako ng kamao. Ayaw kong magalit sa kanya, pinipigilan ko lang pero ano pa't naging kapatid niya ako? We're sisters at nakatira kami sa iisang bubong. We didn't grew up in a family keeping secrets from each other.

Napalagok ako saking coke in can. Minsan ay hindi ko malaman kung ano ang iniisip ni ate, parang ang hirap niyang hulaan. Ang isa't isa na nga lang ang meron kami pero nagagawa niya pang magtago ng sekreto mula sakin.

I want to understand her, I know we have our own privacy that we should keep too. Pero dapat ba pati trabaho niya ay ipagkakait niya sakin?

Tanda ko pa nung namatay si papa ay doon na siya nagsimulang magtrabaho. That time, she was very distant to me which is I don't know what's the cause of it pero hinayaan ko nalang. Thinking that maybe it caused a major affect on her when dad died. But then, time changes every minute, hour and day.

One day, she's all happy ang smiling again. I guess I was just paranoid, being worried about her and all. I mean, both of our parents are now gone so it's normal to feel that way and that's so why I changed too.

"Hey, are you feeling alright?" Habang ngumunguya ay tumingin ako saking katabi. Si Maya pala.

"Kanina pa 'yang fries mo Ro ah, kung hindi mo mauubos ay nandito lang ako."

"Fries talaga ang tinitnira niyo eh 'no?"

"Siya nalang kasi dito ay may dalang pagkain, parang nagutom ulit ako habang tinitignan siya."

"Kapag inggit, pikit."

Pinipilit kong makinig sa klase pero minsan ay lumilipad sa ibang dimensyon ang isip ko. Kapag nakikita ko ang folder ni ma'am na nasa teacher's table ay pumapasok agad sa isip ko ang araw na 'yon. Minsan pumupunta do'n ang isip ko tapos ay babalik ulit ako sa reyalidad na umiiling.

Ayaw mawala sa isip ko si Merielle Nicolaine Secosa. The picture of her I saw from the document, parang same age lang kaming dalawa. I can't seem to find the purpose of that file, does ate is involve? Malamang dahil sa kanya nanggaling but it's also possible na baka pinadala lang ng co-worker niya sa kanya.

Ang daming possibleng sanhi ang pumapasok sa isip ko at alam kong isa lang do'n sa kanila ang tama.

Nung uwian na ay nauna ako sa kanila, gagala pa kasi raw sila. Gusto ko sanang sumama pero wala ako sa mood. At isa pa maa-out of place lang ako dahil alam kong magiging tahimik lang ako sa tabi.

Nang makarating ako sa bahay ay pagtahol agad ni Spot ang narinig ko. Lumupasay ako and patted his head. He's still as energetic from the day I adopted him. Hindi talaga ako nagsisi na dinala ko siya dito sa bahay.

Peculiarity In Her Eyes Onde histórias criam vida. Descubra agora