Napakapit ako sa balikat ni Chalter nang biglang yumanig ang lupang tinatapakan namin. Naging malikot ang mata ko habang tumitingin sa paligid. Naging alisto ang katawan ko sa kung ano man ang pwedeng mangyari.

"Shit, ito na naman ba?" Wala sa sariling bulong ni Lennox sa sarili habang binabalanse ang katawan na hindi matumba.

"Chalter." Kinakabahan na tawag ko sa pangalan ng katabi ko.

"Tsk. Brace yourself." Seryosong saad nito.

Nakita ko sa kalangitan ang mga ibon na nagliliparan paalis sa gubat. Pati ang mga ito ay nakakaramdam na may masamang mangyayari. Ang pagyanig ng lupa, malakas na hangin at huni ng mga nagliliparang ibon ang naririnig namin. Kinakabahan ako para kay Airlys dahil hindi namin siya kasama at hindi namin alam ang dahilan ng biglaang pagkawala niya.

Laking gulat namin nang biglang may tumalon mula sa puno. Hindi namin maaninang ang mukha niya dahil may suot siyang black cloak. Akala namin isa lang siya ngunit nagsilitawan ang mga kasamahan nya mula sa ilalim ng lupa. Kung bibilangin sa tingin ko nasa mahigit bente sila.

Ganoon karami! tapos tatlong lang kami!

"Sa likod lang kita Raini, naiintindihan mo ba?!" Sigaw ni Chalter.

"M–Masyado silang marami, Chalter. Kaya ba natin sila?" Kinakabahan na tanong ko.

"Kaya niyo na bang dalawa dito?" Seryosong tanong ni Lennox kaya napalingon ako sa kanila.

"Bakit? Iiwan mo kami?" Gulat na tanong ko.

Baka naman iiwan niya kami dito kasi natatakot siya sa dami ng kalaban.

"Kailangan ko hanapin si, Airlys." Sagot niya.

"Pero–"

"Go, Lennox." Pagputol ni Chalter sa sasabihin ko.

"Ingat kayo." Sinabi ni Lennox iyon habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

Gusto ko sana siyang awatin ngunit nakatakbo na siya palayo. Ibinalik ko ang tingin sa mga kalaban namin. Mukha silang mga kulto sa mundo namin dahil nakasuot sila ng black cloak at tanging labi lang nila ang nakikita ko. Kaya nila makipaglaban ng ganyan? may nakikita pa kaya sila?

Mas lalo kong idinikit ang sarili kay Chalter. I know I'm safe because I'm with him. Alam kong poprotektahan niya ako sa abot ng makakaya niya at ganoon din dapat ako sa kaniya.

"That one looks familliar." Rinig kong bulong ni Chalter.

"Huh? Saan diyan?" Bulong ko sa kaniya.

"Ikaw ba si Raini Zalana Evanescent?" Sabat ng nasa gitnang kalaban. Malalim ang boses nito akala mo naririnig mo sa ilalim ng lupa.

Napalunok ako at naguguluhan na sumagot. "Ako nga."

"Sumama ka nalang sa amin ng payapa para hindi na masaktan ang kasama mo." Sagot nito.

Kinikilabutan ako sa tono ng boses niya sa sobrang lalim.

"Ang tanga ko naman kung sasama ako sa inyo. Eh, hindi ko naman kayo kilala at anong sasaktan mo kasama ko? baka ikaw pa saktan nito." Pagyayabang ko.

"Mga tauhan kayo ng god of darkness if I'm not mistaken." Nagkatinginan ang mga ito dahil sa sinabi ni Chalter.

"Kunin niyo si Raini." Utos ng lalaking nasa gitna nila.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon