Kitang-kita ko ang gulat na reaksyon ng mga estudyanteng nadadaanan namin sa hallway . Siguro napansin rin nila ang pagiging good mood ni Chalter dahil nakangiti ito. Kalma, ako kang 'to!

"Ako na ang magbibitbit ng bag mo." Aagawin niya sana sa akin ang bag nang bigla ko itong ilayo.

"Di na kailangan. Magaan lang naman 'to!" Sagot ko at hindi na siya nakipagtalo pa.

Grabe, sobrang nirerespeto niya talaga ang mga desisyon ko.

Nakarating kami sa pintuan ng classroom at bumaling sa amin ang atensyon ng lahat nang naroon. Deretso lang kaming pumasok at hindi na binigyan pang pansin ang reaksyon ng mga kaklase.

Bago ako umupo sa tabi ng dalawa kong kaibigan. Nilingon ko ang mga ito na nakaawang ang mga labi.

"Ano iyon, Raini?" Tanong ni Hydra bago ako naupo sa tabi niya. "Ano? tell me, late ba kami sa update? Anong nangyayari at bakit minumulto kami ng dating Chalter?"

"Naibalik mo siya sa dati?" Bulong pa ng isa kong katabi na si Victoria.

Nginitian ko lang sila pareho. "Ako lang 'to."

Suminghap si Hydra at napatakip pa ng bibig. "Omy!—kayo na ba?"

Dahil sa lakas ng boses ni Hydra napasinghap lang nang nakarinig at agad na nakipag bulungan sa mga katabi nito. Napairap nalang ako at saglit na nilingon si Chalter sa likuran. Halatang kinukulit ito ni Reeci at Lennox mukhang tungkol din sa amin ang mga gusto nilang itanong.

Dumako ang tingin niya sa akin at ngumiti kaya naman nginitian ko rin siya pabalik.

Ibinalik ko ang tingin kay Hydra na nakatingin ngayon sa direksyon ni Chalter.

"Nakita mo iyon Victoria? nag ngitian sila!" Paulit-ulit niyang hinampas ang braso ni Victoria.

"Oo nakita ko, hindi na kailangan manakit Hydra!"  Iritadong wika ni Victoria habang hinihimas ang kaniyang namumulang braso.

"Wah is daht?" Maarteng tanong ni HydRA.

"Its nothin'." Pang gagaya ko pa sa tono niya.

Bumuka ang bibig niya at handa na sanang magsalita nang biglang dumating si Mr. Styx. May kasama itong magandang babae na sa tingin ko ay ka-edad lang namin. Nakasuot rin ito ng kapareho naming uniporme. Habang naglilibot ang tingin niya sa kabuuan ng silid namin, pinagmasdan ko.

Maputi siya at chinita. Hindi maitatanggi na maganda siya. Bumagay pa sa kaniya ang mahaba at maitim niyang buhok.  Itatanong ko sana kay Hydra kung kilala niya ang babae ngunit nakayuko lamang ito habang nakakunot ang noo.

"Class, you have a new classmate." Bumaling si Mr. Styx sa babae. "Will you please kindly introduce yourself, Miss?"

Naputol ang paglilibot ng mata niya at maayos na humarap sa amin. Sa pagngiti niya nakarinig ako ng mga pag-ubo mula sa mga kalalakihan. Magiging crush ng lahat ito panigurado.

"I'm Treise Dormer your new classmate and I possess the power of Animal Transmutation." Masayang pagpapakilala niya.

"Pag ginawa mo ba akong aso, maghahabol ba ako sayo?"

Napangiwi ako sa ginawang banat ng isang kaklase namin na lalaki. Natawa ang iba doon kasama si Mr. Styx na napapailing pa.

Mahinhin na natawa si Treise saka niya inilagay ang buhok sa likuran ng tainga.

"Siguro." Sagot niya na nagpahiyaw sa mga kalalakihan.

"You may now sit, Miss Dormer." Naglahad si Mr. Styx ng kamay sa aming harapan.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon