Noong sinabi ni Kuro Mesha na kailangan namin magsiping para lang matanggal ang singsing sa akin ay hindi ko na kayang maatim naisipin. Tapos ito siya ngayon sa harapan ko sasabihin ang bagay na iyon?

Ibinalik niya ang tingin sa akin. "I was just kidding, namumutla ka." 

Mabilis na napalitan ng inis ang gulat kong reaksyon. Lumakad ako papalapit sa kaniya at galit na kinuwelyuhan siya bakas ang pagkamangha sa reaksyon niya dahil sa aking ginawa. Dahil matangkad siya nakatingala ako sa kaniya habang tinititigan siya ng masama.

"Masama akong biruin." Hinigit ko ang kwelyo niya dahilan para mapayuko siya at mapalapit ang mukha niya sa akin.

"I-I was just kidding." Bumaba ang mata niya sa aking labi.

"Raini! Chalter!" 

Nang may marinig kaming boses mabilis ko siyang tinulak palayo sa akin. Inayos niya ang kwelyo niya at tinignan ako nang may ngisi sa kaniyang mga labi. Nag-iwas ako ng tingin at hinawi ang buhok nang biglang dumating si Lennox. Hinihingal pa ito nang dumating akala mo tumakbo ng ilang kilometro. 

Hinarap niya si Chalter at humihingi ng tawad ang mga mata nito habang nakitingin sa lalaki. Bumaling sa akin ang pawisang si Lennox.

"Hindi ka dapat lumalabas ng Academy, Raini. Mabuti sana kung si Chalter ang kasama mo lumabas." Natataranta nitong saad na ikinataka ko.

"Bakit naman? Si Chalter lang ba ang pwedeng lumabas dahil kinakaya kaya niya yung mga teachers?" 

Nahuli ko ang pang-iirap ni Chalter sa akin.

"Hindi sa ganoon. Alam mo naman na delikado lumabas ng Academy ngayon dahil sa nangyari kay Suryeon." Paliwanag ni Lennox.

"Sa Alsorer naman kami pupunta ni Hydra, hindi naman sa Alkemi."

Lumaki ang mata ni Lennox. "S-Sinabi niya talaga iyon?" Aniya sa gulat na tono at saglit na sumulyap kay Chalter.

"Oo?" Naguguluhan kong sagot.

"Sa Alsorer namatay si Suryeon." Malamig na sagot ni Chalter na siyang nagpagulat sa akin.

"Pero ang sabi ni Hydra... " Baka naman nakasagap ng fake news itong si Hydra kaya mali ang nalaman niya.

"Baka nalito lang ang kaibigan mo." Tumango ako at sumang-ayon sa sinabi ni Chalter samantalang si Lennox nakatingin sa kaniya, may kung ano sa mga mata nito na hindi ko mabasa.

"Gusto ko lang naman gumala dahil sawa na ako libutin ang Academy, Hindi pa ako nakakapunta ng Alsorer kaya ko rin naisipan na sumama kay Hydra. Hindi ko naman alam na doon pala namatay si Suryeon." Malungkot na wika ko.

Binalingan ni Chalter si Lennox. "Ipagpaalam mo kay Themis ang puti niyang kabayo. Sabihin mo hihiramin ko at may pag gagamitan." 

"Pwede ba kami sumama ni Viorica?"

Hindi pa ako nakakabawi sa sinabi ni Chalter nang dumagdag pa sa iniisip ko ang sinabi ni Lennox. Nakataas ang isang kilay ni Chalter habang nakatingin sa namumulang si Lennox.

"Eh kasi birthday niya ngayon, gusto ko rin siya i-gala. Masaya naman yung double date." Pagdadahila niya pa.

Birthday pala ni Viorica kung ganoon hindi ko siya nabati kanina dahil hindi ko naman alam. Bakit ba kasi hindi ko alam ang birthday ng mga kaibigan ko? Pero patas lang hindi rin naman nila kung kailan ang kaarawan ko.

"Lalabas tayo ng Academy?" Nakaramdam ako ng excitement nang tanungin ko si Chalter.

"Yea. 'di ba gusto mo?"

Tumango ako na parang excited na bata. "Oo naman. Pero bawal iyon papayagan ka kaya ni Mr. Themis?"

"Syempre naman! Baka si Chalter yata iyan." Pabiro na binangga ni Lennox ang balikat ni Chalter.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon