Nanlaki ang mata ko at mabilis na lumingon kay Airlys. halos pareho kami ng reaksyon sa gulat. gusto ko magdabog bakit lagi nalang ako ang nauuna pag may ganitong activity. kaya ko bang saktan si Airlys? susko!

Napalunok ako nang mahuli ko ang masamang tingin ni Reeci sa akin. Tignan mo ang isang ito, wala pa nga akong ginagawa kay Airlys pero kung tignan niya ako parang ang laki ng kasalanan ko!

"Goodluck." Madrama na tinapik ni Hydra ang balikat ko.

"Ako na ang magpapaliwanag sa mama at papa mo." wika ni Victoria.

"Alam ko masasaktan ang mama mo pero makaka move on din naman siya sa pangyayari." gatong ni Lennox mula sa likuran at nakikitapik narin sa likod ko.

"Alam naman namin na masaya ka na kung nasaan ka ngayon." Doon na ako napalingon kay Hydra.

"Kung makapag salita kayo ah, parang patay na ako. si Airlys lang iyan, di ako mamamatay diyan!" Confident na wika ko habang tinuturo ang direksyon ni  Airlys.

"Be ready. Sumunod na agad kayo sa akin paglabas ko." Lumabas na ng Classroom si Mr. Themis.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at walang paligoy ligoy na dumeretso sa kinauupuan ni Chalter. nakita ko siyang naka dekwatro sa pinakadulo ng classroom. may sariling mundo at walang pakialam sa paligid.

Umupo ako sa isang bakanteng silya na nasa tabi niya. walang emosyon ang mukha nang harapin niya ako.

"Ano gagawin ko?" naaaligaga na ako at hindi na mapakali.

Nakita ko'ng isa-isa ng lumalabas ang mga kaklase ko para pumunta sa battle field. magkausap si Viorica at Airlys habang palabas sila ng Classroom. pinagchichismisan kaya nila ako? overthink malala.

"Labanan mo." Tumingala ako nang tumayo si Chalter.

"Chalter, alam mo naman diba?" mahinang wika ko habang nakatingin sa paligid dahil mahirap na baka may makarinig ng sitwasyon ko.

"Yeah. tingin ko naman hindi mangyayari iyon." malamig ang boses na sambit niya.

"Paano ka naman nakakasigurado?" kabado na tanong ko.

Natatakot ako baka kung ano ang magawa ko kay Airlys. Pagkatapos nung nangyari noong gabing iyon medyo naiintindihan ko na. hindi ko makontrol ang sarili ko'ng ability kapag nasa kapahamakan ako. hindi ko rin naman masabi na ability ko ang komukontrol sa akin. malakas ang kutob ko na sa likod niyon ay may iba pa na komukontrol sa akin.

"Let's go." Tipid na sagot niya saka nagsimula ng maglakad papunta sa pinto.

Tignan mo itong lalaki na ito! napakamot nalang ako sa noo sa sobrang pagkayamot. Mabilis akong tumayo at humabol sa lumabas na si Chalter. nakapasok ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya habang naglalakad.

Mukha siyang siga sa hallway!

"Nagsisimula ng lumabas yung tubig sa kamay ko." Nakatingin ako sa dalawang palad ko habang sumasabay ng lakad sa kaniya.

"Tss. pasmado ka lang." nakatanggap siya ng hampas sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Hindi ako pasmado ah! kahit mag holding hands pa tayo ngayon!" paghahamon ko kahit wala naman talaga akong lakas ng loob para gawin iyon.

Huminto siya sa paglalakad at nagbaba ng tingin sa akin. gusto ko sana mag-iwas ng tingin dahil sa pagtititigan namin, mabuti nalang at nauna siya. napatingin ako sa adams apple niya na bahagyang bumaba.

"Bakit ba ibinabahagi mo pa sa akin ang problema mo?" Humarap siya ulit sa akin. "Solohin mo iyan mag-isa mo." masungit na wika niya bago nagpatuloy sa paglalakad.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now