Joker din pala ang isang ito, hindi halata.

"Solohin mo. ayaw ko masugatan ang makinis ko'ng balat." hinaplos ko pa ang balikat ko pababa sa braso.

Nahuli ko ang paglunok niya bago siya mag-iwas ng tingin. kinagat ko ang ibabang labi para pigilang matawa sa reaksyon na ipinakita niya. tsk, naku Chalter delikado ka na!

"Kamusta naman ang anim na araw mo habang wala ako?" saglit akong natigilan sa tanong niya.

"Okay naman?" hindi pa yata ako sure sa sagot ko ah. pwede mo bang sagutin ang tanong ng patanong?

Ha? Geh.

"Not sure?" umangat ang sulok ng labi niya.

"Medyo." kuno't noo na sagot ko.

"What?" halatang naguguluhan na siya sa mga sagot ko.

Ano ba kasing pinagsasabi ko? gusto kong sabunutan sarili ko dahil kung saan na naman yata lumipad ang utak ko. napahawak ako sa ulo ko habang malakas na umiling baka sakali na magising ang natutulog ko'ng utak.

Narinig ko siyang napabuntong hininga. nawiwerduhan narin siguro siya sa akin. baka isipin niya anim na araw lang siya nawala pero nabaliw na agad ako.

"Paanong medyo ba?" Hinarap ko ulit siya nang medyo umayos na pag-iisip ko.

"Half hindi kasi iniiwasan ko sila Lennox." hindi na siya kumurap sa dahil sa gulat. "Tapos half happy kasi may new friend ako. si Draco Castemont!" masayang wika ko.

"Draco?" naningkit ang mata niya nang ulitin niya ang pangalang binanggit ko.

"Oo, sa Class C? yung animal manipulator?" masayang wika ko.

"Tss. kaya naman pala naging close kayo, animal manipulator naman pala." nawala ang saya sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Anong pinapalabas mo?" galit na tanong ko pero nag-iwas lang siya ng tingin. "Mukha ba akong hayop?" Napangiwi siya sa sakit nang mahampas ko ang braso niya na nakabalot ng benda.

Nakonsensya ako agad dahil hindi ko naman sinasadya. hindi ko talaga intensyon na hampasin yung sugat niya. kusa lang gumalaw ang kamay ko para hampasin siya.

"That's hurt." daing niya habang hawak ang braso. napasandal ang ulo niya sa sandalan ng sofa habang napapikit ng mariin.

"E-eh hindi ko sinasadya! Ikaw naman kasi e, dino-dogshow mo ako!" nagpapanic na wika ko. iniisip ko pa kung hahawakan ko ba braso niya o hindi.

Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya.

"Why are you avoiding them?" napayuko ako sa tanong niya. "Kung iniiwasan mo sila, ako rin ba balak mong iwasan?" tinignan ko siya pailalim, sumalubong sa akin ang malamig niyang emosyon.

"Oo." pag-amin ko.

"As if you can avoid me." panatag na sagot niya habang nakapatong ang dalawang braso sa sandalan ng sofa.

"Yabang, kung makasagot ka akala mo sure na sure ka na hindi kita kayang iwasan." saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha? kaya ko siyang iwasan, gusto niya pa simulan ko ngayon.

"Hindi ka magiging ligtas kung ilalayo mo ang sarili mo sa akin."  huminga siya ng malalim pagkatapos niyang magsalita.

Wala sa sariling tumango ako biglang pagsang-ayon. "I agree."

"Hindi ka aangal?" gulat na tanong niya akala, niya siguro aangal ako sa part na iyon.

"I would not argue with that." marahan akong ngumiti sa kaniya.

"Why?" hindi makapaniwalang tanong niya habang sinusuri ang mukha ko. tinitignan kung may katotohanan ba sa sinabi ko.

"Oo, iyon din naman ang nararamdaman ko. I feel safe when I'm with you." napakibit balikat ako pagkatapos.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon