"Sorry pero hindi pwede. nakita mo naman siguro kung gaano kagalit si Mr. Themis? masamang magalit ang isang iyon. pag pinayagan ka namin makalabas pati kami madadamay sa galit niya." napayuko nalang ako sa sinabi ni Viorica.

Wala na ba talaga akong choice? hindi ko kaya na tumunganga lang dito habang si Chalter naghihirap dahil sa kasalanan na ako naman ang may gawa. kapag pinilit ko naman lumabas madadamay sila at baka lahat kami mag stay sa jail room magdamag.

"Hintayin nalang natin si Chalter makalabas tapos pwede mo na siya kausapin." Umiling ako sa sinabi ni Airlys.

"Kakausapin pa kaya ako nun? baka sobrang galit narin iyon sa akin ngayon." halos bumaon ang ngipin ko sa pagkagat sa ibabang labi ko.

"Hindi iyon." tumataas pa ang dalawang kilay na sabi ni Lennox.

"Wala na yata akong mukhang maihaharap kay Chalter." nahihiyang wika ko.

"Pwede ba namin malaman kung bakit nagawa ni Chalter iyon? ano ba yung nangyari para makasunog siya ng ganoon? aware naman tayo na delikado ang ability na meron si Chalter, kaya masama sa kaniya ang sumabog sa galit." mahabang litanya ni Hydra.

Natahimik ako at para akong nawalan ng boses para ikwento ang nangyari kahapon. dahil nabalitaan ko na kahit si Chalter ay hindi ikinwento kay Mr. Themis ang dahilan kung bakit niya nagawa iyon. nagpadagdag iyon sa galit ni Mr. Themis.

Nakatingin silang lahat sa akin at hinihintay akong magsalita. ayoko ikwento sa kanila ang nangyari hanggat hindi pa namin napag-uusapan ni Chalter tungkol doon. kahit ako naguguluhan sa sinabi nung manghuhula.

"Hindi ko rin alam." halos hindi ko na marinig ang boses ko sa sobrang hina.

"Weh?" sinamaan ko ng tingin si Lennox.

"Kailangan ko makita si Chalter." pagpupumilit ko.

"Maiwan ka na namin, Raini may class pa kasi kami kay Mr. Styx eh." pagpapaalam ni Airlys.

Napatayo ako sa pagkakaupo sa kama. "Papasok rin ako." nagmamadaling wika ko.

Mabilis na nasilabasan sila Lennox sa pintuan. nagkasiksikan pa sila sa pagmamadali na lumabas. hahabol sana ako sa pinto nang harangin ako ni Viorica.

"No. magpahinga ka nalang daw muna sabi ni Mr. Themis." malamig ang tingin na ibinigay sa akin ni Viorica.

"Viorica." mahinang sambit ko sa pangalan niya.

"Huwag ka ng makulit Raini." mariin niyang wika sa akin bago tuluyan na lumabas ng kwarto.

Nakatulala lang ako sa pinto na nilabasan nila. ngayon mag-isa nalang ako sa kwarto, naiiyak na naman ako sa isipin na wala akong magawa para kay Chalter.

Pumunta ako sa pinakadulo ng kama ko. nakatungo lang ang ulo ko sa tuhod habang patuloy ako sa pag-iyak. puro hikbi ko lang ang naririnig ko sa apat na sulok ng kwarto. ilang oras pa akong umiyak at hinihintay nalang na maubos ang luha ko.

Daig ko pa broken hearted kung makaiyak. naiyak lalo ako sa kabaliwan na naisip ko. maraming katanungan ang pumapasok sa isip ko katulad ng 'kamusta na kaya si Chalter? ayos lang kaya siya?'

Umangat ang ulo ko sa pagkakatungo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon si Ms. Vanedey na may dalang tray ng pagkain. napabalikwas ako ng bangon para lapitan siya.

"Ms. Vanedey." Marahan niya akong nginitian.

"Huwag mong tangkain na tumakas ha?" tumawa pa siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Umiling naman ako. "Si Chalter po?"

Panandalian nawala ang ngiti sa labi niya pero agad din na bumalik. "May 30 mins pa siya para makalabas."

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now