"Oo naman! Go ka ba?" halos kumislap ang mata ko dahil sa pinaghalong excitement at tuwa.

"Yeah. I heard there will be a theater performance on the plaza today. Do you want to come?" Tanong niya.

Napairap ako dahil sa tanong niya. "Ano ba naman klaseng tanong iyan? syempre, oo naman! anong oras ba yung theater?" kulang nalang mapunit ang labi ko sa lawak ng ngiti ko.

First time ko lang makakapanood ng theater kaya ganoon nalang ang excitement ko sa puso ko. Imagine that, first time tapos ang kasama ko pa manood ay si Chalter? how lucky I am? tell me!

"30 mins nalang mag-start na yung teatro." seryosong wika niya.

"Oh, ano pang hinhintay natin? Tara na!" nagpatianod lang siya sa paghila ko sa kaniya.

Good thing hindi siya nagalit pagkaladkad ko sa kaniya. mukhang bumabait na talaga sa akin si Chalter ah? pero medyo lang. dahil siya parin yung maattitude at walang respeto na nakilala ko.

Binitawan ko ang kamay niya at hinayaan siyang mauna maglakad dahil siya lang naman ang nakakaalam kung nasaan ang plaza. nakangiti ako habang nakatanaw sa mga batang nagtatakbuhan sa kalsada. free sila tumakbo dahil wala naman masyadong sasakyan dito, karamihan kalesa at kariton.

Napansin ko rin ang iba na tumitingin sa amin. halata sa mga mata nila na pinagtsi-tsismisan nila kami ni Chalter. Uso rin pala mga marites dito? akala ko sa mortal realm lang meron niyon. sa dinarami-rami nang pwedeng makaabot sa lugar na ito, mga marites pa.

"Kanina lang masaya ka." bigla nalang nagsalita si Chalter kaya naagaw nito ang atensyon ko.

"Ahh, masaya parin naman ako ngayon. nawewerduhan lang ako sa iba na kung makatingin sa atin akala mo may ginagawa tayong masama." Naku, mga marites talaga kahit sinong dumaan, pinag-uusapan.

Mema topic lang.

"Nagtataka lang sila kung bakit tayo nandito." Malamig ang boses na sagot niya.

"Normal na tao lang naman sila diba?" Wala naman kasi akong nakikitang kakaiba sa kanila. para lang silang mga normal na tao hindi katulad namin.

"No, they're not."

Napaatras ako nang may biglang lumipad na kariton sa harapan ko nawasak iyon nang lumapag sa semento. nanlalaki ang mata ko na tinignan kung sino ang may gawa niyon. nakita ko ang isang batang lalaki na sapu-sapo ang kaniyang tiyan habang tumatawa.

Okey, binabawi ko na.

Kakaiba pala maglaro ang mga bata dito nangbabato ng kariton.

"Ay, ate ganda! bili na po kayo nito!"

Nagbaba ako ng tingin nang may isang babaeng bata ang nagsalita sa harapan namin. may dala siyang mga garland flower, kwintas iyon na gawa lang sa bulaklak. yung mga nakikita ko sa Hawaiian na necklace tapos sasayaw ka ng waka waka.

"Sige na po, Ate Ganda bili ka na po! bagay po ito sa mga magagandang katulad niyo, mas lalo po kayong gaganda." nakangiti pa niya na sabi sa akin.

"Inuuto ka lang niya." napasimangot ako sa sinabi ni Chalter.

Takte to, hindi ba ako maganda?! hindi ba uso sa lalaking ito ang magsinungaling? aba, truth hurts. pero hindi naman ako nasaktan kasi hindi naman totoo. maganda talaga ako, base lang naman sa nakikita ko sa salamin.

"Magkano ba iyan?" nakangiting tanong ko sa batang babae.

Lumawak naman ang ngiti niya. "Bibili po ba kayo?" masaya nitong tanong.

Sasagot na sana ako kaso umextra si Chalter. "Hindi kami bibili, makakaalis kana."

Mabilis na nagreact ang kamay ko at malakas na hinampas siya sa braso.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now