Tumaas ang isang kilay ni Raki sa sinabi ni Styx.

"Paano mo naman nalaman na si Demus ang pumunta dito kanina?"

"It's not Demus but one of his people. pakiramdam ko warning lang ni Demus iyon."

"Paano mo nga nalaman na si Demus?"

Pigil ang inis na nararamdaman ni Styx dahil sa kakulitan ni Rakki. mababaliw talaga ang kahit sinong kumausap sa babae. kung makipag-usap ito parang nasa debate lahat nilalagyan ng tanong at ayaw na ayaw magpatalo.

"Kung si Achylus iyon, baka magulo na sa academy ngayon. walang warning sa lalaking iyon si Demus ang nagbibigay ng warning bago manggulo." pagpapaliwanag ni Styx na agad naman sinang-ayunan ni Themis.

"Bisitahin kaya natin ang parents ni Raini?" suhestiyon ni Vanadey.

Tahimik lamang si Themis habang nakikinig sa sinasabi ng mga kasama.

"Themis?" Kuno't noo na tawag sa kaniya ni Thompson. kailangan nila ang opinyon ni Themis dahil siya ang head teacher, siya ang may hawak ng desisyon at sila ang taga suhestiyon.

"Gusto niyong i-background check ko siya?" hindi makapaniwalang wika ni Themis.

"Yes! I mean, why not? di'ba nung nakaraan ayaw niya umuwi? hindi naman talaga natin alam kung ano ang tunay niyang dahilan. ang sagot niya lang dahil ilang araw pa lang siya sa academy."

Napaisip silang lahat sa sinabi ni Rakki. naisip nila na tama nga ang babae kaya naman napatingin sila kay Themis. mukhang naguguluhan pa ito dahil nakatulala lang ito.

Nang makabawi si Themis, nakapagdesisyon na siya. hindi siya nag background check kay Raini bukod sa papel na ipinasa nito sa kaniya na naglalaman ng kaonting impormasiyon tungkol kay Raini. bukod doon ay wala na siyang alam.

"Okay, I'll talk to her about that." sagot ni Themis.

Ngiting tagumpay si Rakki dahil pumayag ito. minsan lang kasi ito sumang-ayon sa mga suhestiyon niya, madalas ay hindi siya pinakikinggan ng lalaki.

"What are you planning to do?" Puno ng kuryusidad na tanong ni Vanedey.

"Bibisita ako sa bahay ni Raini."

Nagulat silang lahat dahil sa biglaang pag tayo ni Thompson.

"Kasama ba kami diyan?" bakas ang excitement sa boses ni Thompson.

Hindi sila lumalabas ng academy, matagal na panahon na simula ng lumabas sila ng academy ng magkakasama. iyon ay ang panahon na kompleto pa silang magkakaibigan. noong mga panahon na wala pa silang pinapasan ng katungkulan at problema.

"No. It's just me, Raini and Chalter."

Bumagsak ang balikat ng apat sa pagkadismaya na hindi sila kasama. pabagsak na bumalik si Thompson sa upuan.

"Why Chalter? pwede naman kami?" hindi makapaniwalang tinignan ni Rakki si Themis.

"Siya ang gusto kong kasama." masungit na sagot niya. para silang mga bata na nagmumukmok dahil hindi isinama ng magulang.

"Nakakatampo ka, Themis." umiiling na wika ni Vanedey.

Tinignan niya ang mga ito na para bang mga hindi nag-iisip.

"Hindi na tayo mga bata. may mga tungkulin tayo na dapat gampanan sa Academy. kung sasama kayo sino ang maiiwan para sa mga estudyante? may mga klase kayo di'ba?"

Sumeryoso ang mga itsura nito dahil natamaan sa sinabi ni Themis. nagising sila sa reyalidad na hindi na nga sila bata at hindi na katulad nang dati. masyado lang silang nasabik na balikan ang madalas nilang ginagawa noon. ang tumakas sa academy at mag gala sa mga syudad.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now