"Ang ganda nga naman talaga ng tips mo noh? nakakatanggal kaba." sarkastikong wika ko pero tumawa lang siya.

"Hindi ka ba excited? makikita mo mamaya sobrang gwapo." sabat ni Victoria.

"Magtigil ka Victoria, may Raven ka na. basta Raini pag nakita mo siya mamaya pakisunggaban para sakin, kahit hindi na para sayo kahit para sa akin nalang." nakikiusap na sabi niya pa habang hawak ang dalawang kamay ko.

"Magtigil ka Hydra, may Marcus ka na." pang-gagaya ko pa sa boses niya.

"Possessive, huh?" she smirked.

"Pinagsasabi mo." nakangiwing sabi ko pa.

"Hoy, bilisan niyo na at malapit na mag 7 pm." nagmamadali wika ni Victoria.

Nakita ko kung paano siya maglakad habang suot ang heels niya mukhang hindi siya sanay dahil paika-ika ang lakad niya.

"Victoria, kung hindi ka komportable sa suot mo pwede ka naman mag flat na sandals." suhestiyon ko. kawawa naman siya kung naka-heels siya sa haba ng oras baka magkasugat pa paa niya.

"Hindi. okey lang." nakangiting sagot nito.

"Hayaan mo siya. ayaw talaga niyan nalalamangan pagdating sa height." sabat ni Hydra na hanggang ngayon nagli-lipstick parin.

"Nakailang patong ka na ng lipstick. para ka ng sinapak ng bente katao sa itsura ng labi mo." inirapan niya naman ako.

"Inggit ka. kinapalan ko lang baka mabura ni Marcus and 99 others." napanganga ako sa isinagot niya. so, anong balak niya sa Mystic Ball? magpabura ng lipstick?

Napailing nalang ako sa pagiging sanay sa kanya. hindi siya sa Hydra kung hindi ganyan ang ugali niya.

Ilang saglit pa nang makarinig ako ng katok sa pinto. nagpresinta na lang ako na ako ang magbubukas dahil busy ang dalawa sa pag-aayos.

Pagbukas ko bumungad sa akin si Airlys at sa likuran naman niya si Viorica.

"Ow. you look more extra beautiful tonight, Raini. anong sekreto mo?" wala sa sariling wika ni Airlys habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Chalter lang." nakangising sagot ni Viorica ka kaya tumawa si Airlys.

Trip talaga nila akong ipagtulakan kay Chalter. hindi nalang ako nagrereklamo dahil nakakasawa na hindi ko naman sila masaway kakaasar. kung gusto nila mang-asar, sobrang free nila bahala sila sa buhay nila.

"Pasok." binuksan ko pa ng malaki ang pintuan para makapasok silang dalawa.

"Anong ginagawa niyo dito?" mataray na tanong ni Hydra sa kanila.

"Sabay-sabay na tayo pumunta doon." walang ganang sagot ni Viorica.

"Nasaan na pala mga date niyo?" tanong naman ni Victoria.

"Nandito na yata sila, hindi ko alam doon nalang magkikita-kita. si Chalter?" biglang baling sa akin ni Airlys.

"Hindi ko rin alam." ano naman pakialam ko sa isang iyon.

Sabay-sabay na kaming bumaba nang matapos ang dalawa sa pag-aayos. mabuti nga at napilit ko si Victoria na mag flat sandals dahil hindi niya talaga kaya. buti nalang marunong akong magdala ng heels.

Nang makarating kami sa mismong place kung nasaan ang venue ng ball. napanganga kami habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng venue.

Mystic ball lang ba ito? bakit parang debut ng anak ng hari at reyna ang tema. pati ang mga naglalakihang chandelier hindi nakatakas sa nag uumapaw na dekorasyon. sobrang ganda ng paligid kung uso lang ang technology dito baka puno ng pictures ang facebook at instagram ko. hinding hindi ako magsasawa na kumuha ng litrato dito. kahit pa hindi na ako makipagsayaw sa kung sino makakuha lang ako ng maraming litrato masaya na ako.

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireWhere stories live. Discover now