[4] SO ZONED

82 1 0
                                    

Unedited! Sorry for typos and grammatical errors! :)) 1 year na mahigit to kaya medyo I mean sobrang cliché haha. :) Di ko na din inalis yung emoticons Lol katamad kaya! Haha

*

~*~

Na SO?!-zoned ako!

**♥**

"Jess, wag mo na kayang ituloy yung binabalak mo? Baka ma-SO-zoned ka nanaman niyan e!" Sabi ng aking pinakamamahal na bestfriend na si Lyn.

Andito kasi kami sa cafeteria nakaupo sa pinakamalapit na table kung nasan si Brylle. Aamin na kasi ako 'ULIT' sa lalaking gusto ko

Yung una chinat ko siya na gusto ko siya ang ni-reply niya lang sakin 'SO?!'

Yung pangalawa nung mag-isa lang siya sa court habang nag ba-basketball at ang tanging sinabi niya 'SO?!'

Parang tanga lang eh ano! Na SO-zoned ako sa kanya!

"Okay lang lyn na ma-SO-zoned ulit ako sa kanya! Atleast pang tatlong beses ko ng nasabi sa kanya na gusto ko siya! At ma-realize niya na gusto din niya ako!"

"Hayyyy. Bahala ka nga sa buhay mo. Kapag ikaw na-SO-zoned nanaman wag kang iiyak iyak!"

"oo na! O siya! Jan ka lang muna a."

Pumunta na nga ako kung asan yung table ni brylle kasama niya din kasi yung team mates niya sa basketball.

Bago nga ako malapit mismo sa table nila, ay alam kong ako na ang pinag-uusapan nila =_=

I'm feeling popular and I love it! ^__^

"Umm. Brylle pwede ba kitang makausap?" sabi ko kay brylle habang nag-kwekwentuhan sila ng mga barkada niya.

"Okay."

"umm. pwedeng tayong dalawa lang? Importante talaga to!"

"Ikaw na nga tong makikipag-usap. ikaw pa ang choosy. kung ayaw mo dito tayo mag-usap bahala ka sa buhay mo! Tara na nga mga tol" sabi niya sabay poker face. 

bago nga sila ay umalis ay nag-salita na ako kahit andaming tao sa cafeteria.

"Brylle Gusto kita— Mahal na pala! Simula first year college at ngayong 3rd year college na tayo!"

pag-katapos kong sabihin Yun ay yumuko ako kaagad dahil sa kahihiyan! Napalakas yata ang pagka-amin ko kasi, halos lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin sa amin!

At ang pinaka-masakit Don ay ang tanging sinabi niya sakin habang naka-smirk ay

"SO?!" ouchhh lang! Na-SO-zoned nanaman ako!

"Pagkatapos kong Umamin sayo ng tatlong beses, talagang SO lang ang sasabihin mo?! napaka-walang Hiya mo!  Akala mo ganun kadali ang pag amin? Dapat nga ang lalaki ang mga umamin hindi ang babae! walangya! " napasigaw at napahagulhol na lang ako sa harap niyä at pinaghahampas siya sa dibdib. (para libreng tsantsing din.)

"Aray ko Jess. Arayy! Teka nga muna kasi! Di pa naman tapos ang sasabihin ko eh"

Pagkasabi niya nga non ay napatigil na ako kakahampas sa kanya. At sinabing

"Tanga ka ba? Edi tapusin mo!"

"Pero pwedeng umamin ka muna ulit?" aba! Siya naman tong choosy ngayon!

Ano siya, ni su-suswerte?! Pero no choice.

"Brylle Gusto kita!" 

"Eh, hindi naman yan yung pag amin mo sakin kanina e! Dali na kasii!" 

Wow huh! choosy pa siya! Pero wala akong magawa kundin sinabi ding

"Brylle Mahal Kita." 

"SO?!

Ha-ha-ha.... na so-zoned nanaman ako. bat pa kasi ako nagpapaloko sa isang to? Aalis na sana ako ng sinabi niya

"SO?! mahal din kita, matagal na. SO?! ano Tayo na?" 

•-END-•

Kapag may Crush or Mahal ka. Umamin ka na lang din kahit babae ka man or lalaki. Dahil baka magsisi ka lang din sa huli. Tignan niyo ko sa pag-amin ko sa kanya, naging kami din pala sa huli ="> Madami kasing mga Torpeng lalaki sa panahon ngayon kaya dapat ang babae marunong na din umamin! =")) 

Jane ♔ : 

Bitin ba??? SO?! Echos lang. HAHAHA. De seryoso na. Sorry kung pangit, Baliw lang talaga ako at nagawa ko to! HAHAHA. Matagal ko na tong naiisip at Ngayon ko lang tinapos.

Actually may lagnat ako ngayon, kaso wala akong magawa kaya eto natapos tong one shot na to. HAHAHA. 

Inspired kasi ako! echos. HAHAHA. Nag fieldtrip kasi kami kahapon kahit sobrang lakas ng ulan pero masaya! Sasakay ng rides sa EK habang umuulan ng malakas!

Sorry kung may Typo. Sa Tablet lang kasi ako gumawa eh, atchaka nakakatamad mag edit -__

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now