Chapt.1: Clouds

620 16 0
                                    

Enjoy! ;D

~ Ree.
---------------------------------

"Ang saya saya nila tingnan noh?"

Tanong ni Aimee.

Isa syang anghel. At matalik ko syang kaibigan. Sa totoo lang lahat kami dito sa ulap mag kakaibigan. Pumapasyal lang sya dito minsan para kamustahin ako at kung may misyon nako.

"Tama ka Aimee." Sagot ko sa kanya habang nakangiti.

Pinapanood namin ang mga taga lupa ngayon. Kahit may mga makasalanan sa kanila, mas marami parin ang mabubuti sa mundo. At yun ang kinatutuwa namin.

"Hatch, pag may misyon ka na, sama ako ha? Yieee! " nakangiting sabi nya.

"HAHA! Ayoko nga, magagalit satin si Ama dahil sinama ko ang anghel na katulad mo!"

Tumakbo ako palayo sa kanya dahil alam kong hahabulin nya ako.

Ay mali, lumipad pala ako palayo.

Nakapag pakilala na ba ako? Hindi pa ata? Ako nga pala si Hatch. :)

"Anghel ka rin naman ah! Atsaka, mahal na mahal tayo ni Ama, di tayo papagalitan noh"

Natatawa ako habang sinasabi niya iyon dahil ginagaya nya ang mga taga lupa mag salita.

Pero tama siya, Anghel din ako. Iba nga lang ang tungkulin namin.

At yun ang ipalaganap ang pag-ibig sa bawat puso ng tao. Isa ako sa mga Cupid, dahil babae ako, Cupida ang tawag samin.

Nakatira kami dito sa ulap. Dito kami nilagay ni Ama upang masubaybayan namin ang mga taga lupa.

"Hatch, tawag ako ni Gurung Gabriel, paalam muna ha? May klase pala kami ngayon"

"Oh sige, paalam! :)"

Si Aimee madalas sa langit dahil dun sila nag aaral. At nakatira ang mga anghel na katulad nila sa ulap na malapit sa langit.

Nag aaral sila bilang maging gabay ng bawat tao sa lupa. Oo, sila ang mga Guardian Angel. :)

Malapit na ako mag tapos ng pag aaral. Ilang araw nalang at ipadadala nako sa lupa upang gawin ang mission ko.

Pero.. ayoko sa lupa.

Natatakot ako sa mga tao dun na walang ginawa kundi manakit ng damdamin ng kapwa nila, manghusga, mang abuso ng pag mamahal ng iba, at mang gamit ng iba para lamang sa sariling kasiyahan nila ..

At yun ang dapat naming pigilang mangyari..

_____________________________

HAHAHA! Medyo boring po ba? Sorry na. Babawi ako pramis. Intro. Palang yan eh xD pero ginawa ko ng chapter 1. K. Whatever xD
Thanks for reading!! Follow nyo po ko ;3

~ Ree.

Cupida: The fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon