KABANATA 9

86.1K 2.3K 544
                                    

KABANATA 9:

Aeliana Hiraya's

          ANO ang gagawin ko? Pakshet naman kasi eh! Iiwasan ko ba silang tatlo o huwag na lang? Pero bakit nagtatalo ang kalooban ko kapag iniisip ko na iwasan silang tatlo? Parang may parte rin sa akin ang nagsasabi na hayaan ko lang ang sarili kong mapalapit sa kanila. Naguguluhan na talaga ako.

Ano na ang desisyon ko nito? Susundin ko ba 'yung mga sinabi ni Aubree sa akin? Dapat ba akong matakot dahil baka matulad lang ako sa mga nagdaan na mga babae sa buhay ng Hellion Triplets? Na kapag nakuha na nila ang gusto nila sa isang babae ay basta na lang nila itong iiwan sa ere? Ewan, hindi ko na alam.

Tumingin ako kay Lucian na katabi ko lang dito sa backseat at nasa labas pa rin ng bintana ang tingin niya habang kagat ko naman ang hinlalaki kong daliri sa kamay. Sa katunayan niyan ay mabait naman sila sa akin eh. As in sobrang bait nila at para bang hindi naman nila ako sasaktan at paglalaruan.

At saka anak sila nina Ninang Larlee at Ninong Lars. Tiyak na malilintikan sila sa magulang nila kapag isinama nila akong tatlo sa toys collection nila. Alam ko sa sarili ko na mahal ako ni ninang at ninong, hindi rin nila basta-basta ito-tolerate kung ano man na kalokohan ang gagawin nitong tatlong poging nilalang na 'to sa akin.

Gaya nga ng sabi ni Ninang Larlee, ako ang mahal at paborito nilang inaanak. Ibig sabihin ba nito ay kinakapatid ko na rin ang Hellion Triplets?

'Tama ba ako, self?' tanong ko sa aking isipan.

Napabuntong-hininga ako at idiniin ang ulo ko sa likod ng passenger seat kung saan nakaupo si Lycus. Pumikit ako para makapag-isip ako ng maayos. Pero anong klase ng utak meron ako? Bakit bumabalik sa aking alaala kung paano nila ako hinalikan at hinawakan, lalo na kung paano sila makitungo sa akin? Baliw na yata talaga ako. Dapat na ba akong magpatingin sa psychiatrist?

Gusto ko na ring makauwi para makalayo na ako sa Triplets. Para akong nabibingi sa sobrang pananahimik nila. Gustuhin ko man silang kausapin pero baka mapahiya pa ako at baka ako pa ang pagbuntunan nila ng galit, halata pa naman na mainit ang ulo nila at wala sila sa mood. Hindi katulad kanina nung inihatid nila ako sa school, baka sabihin pa nila na feeling close ako sa kanila.

Kung bakit ba kasi ang tagal umusad ng mga sasakyan sa unahan. At saka bakit ngayon pa kami naipit sa traffic? Inabot na tuloy kami ng dilim dito sa kalsada at idagdag pa na bumuhos na rin ang malakas na ulan.

"Ael." Napaayos agad ako ng upo nang marinig kong nagsalita si Lucian at tinatawag ang pangalan ko.

Tumingin ako sa kanya at mukhang nawala na yata ang init ng ulo niya. Hindi na kasi siya nakabusangot at malambot na ulit ang ekspresyon ng kanyang gwapong mukha habang nakatitig siya sa akin ng diretso sa mga mata ko. Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"Nagugutom ka na ba?" tanong niya bigla sa akin. Bakit naman niya naitanong kung nagugutom na ba ako? Kahit nagtataka ako ay umiling-iling ako sa kanya.

"Hindi pa naman." sagot ko. "Kayo? Nagugutom na ba kayo?" balik kong tanong.

Sabagay ay inabot na kami ng gabi rito sa ma-traffic na kalsada, baka kasi nagugutom na itong si Lucian kaya siguro nagtatanong siya sa akin kung nagugutom na ba ako.

"Nagugutom ako.." sagot ni Lucian sa paos na boses. Hindi ko alam kung bakit uminit bigla dito sa loob ng kotse habang nakabukas naman ang aircon. Nasa labi ko ang tingin niya at harap-harapan pa niyang pinakita sa akin kung paano niya dinilian ang ibabang labi niya.

"Come over here, Ael," utos niya sabay tapik sa upuan sa tabi niya. Hindi naman ako agad nakakilos dahil natulala ako sa ginawa niya kanina. Inaakit niya ba ako kaya niya dinilaan ang labi niya? Hindi naman niya kailangan na ipalandakan sa akin na hot at sexy siya.

IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS [PUBLISHED]Where stories live. Discover now