2 years na! It's been 2 years, mas mataas na self-confidence ko, mas maganda na ako, mas talented, mas matapang, mas hindi clumsy, mas hindi forgetful, and basta, mas hindi na yung dating Rylie. Ibang iba na ko pero hindi ko pa din makalimutan yung pesteng lines na yun! Hindi ko pa din makalimutan na pinagpustahan ako ng best friend ko at ng lalaking minahal ko.

Love? The hell!

You know what's wrong with love? 

All of it.

"Katy, let's not talk about my life. Okay okay?" I smiled. Nag sigh lang siya as usual. 

What happened to my life? Well, I'm now bitter and better. Sabi nila, don't get bitter, be better! Bawal ba pagsabayin parehas? I can get bitter and be better at the same time, people! Ha! Multi-tasking at its best. Ugh, what am I saying?!

Natapos na ang klase at nag silabasan na lahat. 

"Ry, labas tayo mamaya ah." Ang dora talaga ni Katy kahit kailan. Everyday yan lumalabas e. Pareho pareho lang naman ng pinupuntahan. 



"Sorry-

"Sorry ka diyan. Pupunta ka sa ayaw or sa gusto mo. Rylie, please? Ngayoooon lang? Ngayon lang ako magrerequest oh. Sige naaa! Maganda ka naman e. Don't worry, di ko kasama si Danny.

Ngayon lang daw? Lagi nga siyang nagrerequest sa akin e pero dahil ayoko makita puppy face niya, napapapayag niya ko. By the way, Si Danny yung sunod ng sunod sa akin. Pare pareho lang naman silang mga lalaki e. Sa umpisa lang sweet tapos pag nainlove ka na, wala na, sawa na sila. Nakakaloka no? Ginawang chewing gum ang mga girls.

Before ako umalis, chineck ko muna mga gamit ko if ever may naiwan ako o wala. Fine! Ulyanin, careless, and clumsy pa din ako pero minsan na lang. Iba na ko, ibang iba na ko, sawang sawa na ko maging under sa mga tao. Kaya ko ng ipaglaban sarili ko. Hindi na ko weak.

"Hindi naman sa ganun pero-" Bigla siyang nag puppy face. Err, ayan na naman siya.

I sighed, "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.



"YAY! Basta after ng next class punta na tayo ah. Ako bahala! Promise?"



"Wag mo ko dadalin sa bar," I raised my left eyebrow.



"Of course not. Basta kasi, trust me."



"Okay promise, I won't ditch you," I sighed again.


Ayoko talaga lumabas.

I wanna go home.








After our next class...

"Leggo Rylie." Excited na excited na aya ni Katy sa akin habang sinusuot yung black na bagpack niya sa likod niya. 

"Saan ba kasi tayo pupunta?

"Kila Dylan."

"Whaaaaaaaaaaaat?! Are you kidding me?"

"Bakit naman kita ijojoke. Alam mo, matagal ng may gusto sayo yun. Gwapo naman siya tapos captain pa ng swimming team,"

"Diba sabi ko naman sayo na ayoko ng kahit sinong lalaki. Ayo-"

Biglang may dumaang lalaki. Parang familiar?

"Omgsh! Wag mong sabihin na siya ang type mo?" Tanong ni Katy dahil napatingin ako sa dumaang lalaki kaya as usual, napataas naman kilay ko. 

"Of course not psh," I rolled my eyes at her. 

"Ewwwwww Rylieeee."

What the hell?! Parang familiar lang naman kasi yung guy no. Excuse meee? Oo nga nagagwapuhan pa ko sa ibang lalaki diyan pero hanggang doon lang. Wala na kong tiwala sakanila. WA-LA!!!

"Tara na nga. Don't worry, di ka nila liligawan or kung ano pa man. Basta ako bahala sayo! Ipapakilala lang naman kita sa suitor ko no!"

"Sa bahay ni Dylan? Sure!" *insert sarcasm here*

"ANO KA BA RYLIE, HOUSEMATES SILA NG SUITOR KO!!!"

"Haaay okay fine. Let's go."

"Taray mo ever hmp!" She pouted tapos biglang sumaya na naman, "Leggo?"

I smiled. 


Oh well, as you can see...

This is just the beginning! Never na ko magpapaunder sa kahit na sino kahit lalaki pa. Sabi nga ng professor namin sa kaspil, superior ang women sa men. I won't let them hurt me... AGAIN! Never na ko magiging clumsy, careless, ulyanin, weak, and ugly duckling. Hinding hindi ako magpapatalo sakanila. NEVER AGAIN! Masyado na kong nasaktan! Ayoko na.

Anyway, nandito na kami sa LRT station. Habang nag-aabang ng train...


"Hi, Miss!" Sabi ng lalaking nasa likod ko sabay kiss sa cheeks ko

*SAMPAL*

Who the heck is he?!

Hinawakan niya yung sinampal ko.

"You don't know me? Srsly?

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now