"I mean, hindi ko alam kung ano ang tunay nilang ugali dahil hindi ko naman talaga sila close para masabi kong kilalang-kilala ko 'yung tatlong magkakambal na 'yon, pero alam ng lahat kung gaano sila katindi pagdating sa babae. Pati nga mga lalaki ay kilala sila at naiinggit sa kanila. They are notorious playboy and fuck boys! Kaya dapat lang na mag-doble ingat ka sa kanila kung ayaw mong mawala ang pinakamamahal mong Bataan, aber!" mahaba pang turan ni Aubree at muli niya akong inirapan.

"Pero what if may dumating na babae para baguhin sila? Paano kung matutunan din nilang tumino at magseryoso?" I asked, but she shook her head at me.

"Iyan ang hindi mangyayari, and that will never happen. Kahit itaga mo pa sa bato ay malabo na mangyari 'yan. They are walking red flags, Ael. Trust me, sila 'yung tipo ng mga lalaki na hindi marunong mag-seryoso kaya dapat iwasan mo sila kung ayaw mong masaktan. Maganda ka at ayoko naman na masaktan at makitang umiiyak ang best friend ko, 'no!" sagot niya kaya hindi na ako nakaimik pa.

Malalim akong bumuga ng hangin. Napa-cross arms pa ako at sinandal ang likod ko sa malaking puno habang iniisip ko ang mga sinabi niya. Nasabi rin ni Aubree sa akin na mag-doble ingat ako at iwasan ko raw 'yung Hellion Triplets. Bakit? Dahil sa delikado ang triplets na 'yon sa akin.

Sigurado na magiging kabilang lang daw ako sa koleksyon nila kapag lumapit pa ako sa kanilang tatlo at nakipag-kaibigan. Baka nga hindi pa ako umoo ay naisuko ko na raw agad ang Bataan ko sa kanila. Mga playboy raw kasi sila at fuck boys na hindi sineseryoso ang mga babae. Marami na rin daw silang babae na naikama at pinaiyak.

Pero bakit ganoon? Parang may tumututol sa kalooban ko na huwag kong iwasan o layuan sina Lorcan, Lucian at Lycus? I mean, oo. Siguro nga mga fuck boys sila at kung sino-sinong babae na lang ang pinapatos nilang tikman. Katulad na lamang ni ate froggy na nakita ko noon, pero bakit parang may umuudyok yata sa akin na kilalanin ko pa rin silang tatlo at maging kaibigan?

I sighed deeply. Ayon kay Aubree, ang Hellion Triplets ay mayaman at sikat sa kanilang school na Osiris Hellion Academy, pati na rin dito sa eskwelahan namin. Hindi lang sa mga school sila sikat, kundi pati na rin sa business world ay kilala ang tatlong 'yon. Sila lang naman daw kasi ang tagapagmana ng parents nila, which is sina Larlee Hellion at Lars Hellion na godparents ko.

Ayon pa sa kwento nitong best friend ko, walang sinuman ang nagtatangka na banggain o kalabanin ang Hellion Triplets. Lahat daw kasi ng mga nakakakilala sa kanila ay kinakatakutan sila. Ang sabi pa nga nitong si Aubree, matalino ang Hellion Triplets at kahit na graduating students na rin sila katulad namin ay nakapagpundar na raw ang mga ito ng kanya-kanyang business. Walang labis, walang kulang ang mga ikinuwento ng magaling kong kaibigan sa akin. Pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

Unang-una sa lahat, si Lorcan Hellion. Ang panganay sa triplets. Palagi raw malamig ang pakikitungo niya sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na sa mga taong hindi naman niya ka-close. Sabi nitong si Aubree sa akin, si Lorcan daw ang tinaguriang isnabero at hindi man lang marunong ngumiti.

May pagka-cold at serious type kasi siya. Parang yelo kung tumingin at hindi pa siya nakitaan ng kahit na anong emosyon dahil nga cold-hearted daw si Lorcan. Parang malamig at matigas na bato raw ang puso niya. Seryoso lang palagi ang kanyang gwapong mukha kaya isa siya sa mga kinakatakutan ng nakakakilala sa kanila. Si Lorcan din daw ang unang nakapag-pundar ng negosyo sa kanilang magkakambal at may sarili na siyang kumpanya na siya mismo ang CEO.

Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon samantalang estudyante pa lang naman siya, pero hindi na ako magtataka dahil halata namang matalino si Lorcan. Biruin mo iyon, kayang-kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral niya at ang pagiging CEO niya. Ang cool naman niya kung ganoon. Pero sadyang nagdadalawang isip ako kung paniniwalaan ko ba si Aubree. Dahil ilang beses ko nang nakitang ngumiti si Lorcan sa akin.

IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS [PUBLISHED]Where stories live. Discover now