Pero ang sakit pala talagang maramdaman na noong nahimatay ako sa harapan mo, e siya pa rin ang inuna mo. Dinala ako ng mga kaklase natin sa clinic pero ikaw, iniwan mo ako kasi sabi mo, mas kailangan ka ng girlfriend mo. Hindi mo nga alam na may sakit ako sa puso at habang tumatagal ay lumalala ito. Mas alam pa ng mga kaklase natin ang kalagayan ko na hindi ko naman close 'yung iba sa kanila.

Kapag inaatake ako ng sakit ko, nakaalalay na agad sila sa'kin pati 'yung mga teacher natin pero ikaw? Nandoon ka lang sa sulok habang nakikipaglandian sa kanya. Mas lalo yatang masakit na makita kitang walang pakialam sa'kin kaysa sa karamdaman ko.

Habang tumatagal, mas lalong lumalala ang sakit ko at sabi pa no'ng doctor, e lumalaki na raw 'yung butas sa puso ko at kahit ipaopera o magpaheart transplant ako ay hindi na kakayanin. Hindi man lang ako nakarinig sa'yo ng 'Okay ka lang ba?', 'Ayos ka lang?', o kaya naman 'Lumaban ka! Kakayanin mo 'yan.' Umasa pa nga ako na sasabihin mong 'Nandito lang ako, hindi kita iiwan' na lagi kong sinasabi kapag down na down ka na.

Isang araw, nagulat ako nang biglang may tumawag sa phone ko kaya halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita ko ang pangalan mo sa screen. Agad-agad ko itong sinagot pero nawala ang ngiti sa aking mga labi nang marinig ko ang sinabi ng hindi pamilyar na boses ng isang tao sa kabilang linya.

Patakbo akong pumasok sa loob ng hospital hanggang sa makarating ako sa kwarto mo. Napatakbo ako sa kinaroroonan mo atsaka kita niyakap nang mahigpit habang walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. Pero lalo pa akong naiyak nang marinig ko ang pangalan niya na tinawag mo.

Ako ang nandito sa harapan mo pero siya pa rin ang nasa isip mo! Ang sarap mong sigawan at sabihing gumising ka na sa kahibangan mo sa kanya. Hindi ka niya mahal pero ako, mahal kita.

Umiyak lang ako nang umiyak sa harapan mo habang hindi ko pa rin tinatanggal ang mga kamay ko na nakayakap sa'yo hanggang sa wakas ay nasambit mo na rin ang pangalan ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa'yo atsaka kita nginitian kahit hindi mo ito nakikita. Pero hindi ko napigilan na sermonan ka na ginagawa ko sa'yo dati.

"Baliw ka na ba?! Handa ka talagang magpakamatay para sa kanya? Hindi porket iniwan ka niya ay tatapusin mo na 'yang buhay mo! Tignan mo 'yang sarili mo ngayon! Paano na 'yan? Paano ka na makikita? Wala ka ng paningin. 'Di ba sabi mo, takot ka sa motor pero bakit ka pa rin sumakay doon? Ang engot mo talaga!"

Sermon lang ako nang sermon sa'yo pero hindi ka umiimik. Tahimik ka lang at 'di ko alam kung nakikinig ka ba talaga? O siya pa rin ang iniisip mo?

Napahinto ako sa kakasermon sa'yo nang bigla kang lumuhod at umiyak sa harapan ko na dahilan para kumawala nanaman ang mga luha ko. Lagi ka na lang ganyan. Ako nanaman ang ginawa mong comforter pero kahit paulit-ulit ay hindi ako nagsasawa na gawin iyon sa'yo. Mahal nga kasi kita.

Pero mas lalo akong nagulat nang marinig ko ang sinabi mo at the same time, nasaktan ako.

"Please.. Tulungan mo akong ibalik siya sa'kin. Mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko kaya nagmamakaawa ako sa'yo! Mamamatay ako kapag nawala siya!"

Paulit-ulit ka lang sa pagmamakaawa sa'kin habang ako ay umiiyak lang sa harapan mo. Hindi ko alam ang gagawin ko sa'yo. Hindi ko alam kung paano kita gigisingin sa kahibangan mo? At hindi ko alam kung bakit hindi mo ako kayang mahalin?

Ang hilig mong magmahal ng taong hindi ka naman mahal samantalang 'yung nagmamahal sa'yo ay hindi mo kayang mahalin. Ang unfair mo! Sa sobrang unfair mo, nakakasakit ka na! 'Yung tipong akala mo, ikaw lang 'yung nasasaktan pero meron pa pala. Hindi ko alam kung manhid ka lang o sadyang tanga ka lang talaga?

At kung usapang tanga ang pag-uusapan, ako yata ang pinakatanga sa'tin dahil pumayag ako na tulungan kang ibalik siya sa'yo kahit ang kapalit no'n ay masaktan ako.

Pumunta ako sa bahay niya. Sinabi ko ang nangyari sa'yo pero dinedma lang niya ako kaya ako na mismo ang lumuhod sa harapan niya at nagmakaawa na balikan ka niya. Kahit masakit ay binaba ko ang pride ko para sa'yo na alam kong sasayangin mo lang.

Sa halip na maawa siya ay pinagtabuyan niya lang ako paalis sa bahay niya at nagsabi ng masasakit na salita patungkol sa'yo at sa akin. Ayos lang kung ako lang ang sinabihan niya pero hindi ko matatanggap na pati ikaw ay sinabihan niya kaya sana huwag kang magagalit sa'kin kung nasampal ko siya dahil sa sinabi niya.

Bumalik ako sa hospital at nang maibalita ko sa'yo ang nangyari ay nagalit ka. Hindi sa kanya kun'di sa'kin. Sinabihan mo ako ng masasakit na salita na hindi ko inakalang masasabi mo sa'kin. Ako na kaibigan mo ay sinabihan mo na walang kwenta. Ako na laging nandyan ay wala palang kwenta. Ako na ginawa mong comforter ay kahit kailan ay hindi nakatulong sa'yo.

Tama ka nga naman dahil kung may kwenta nga ako, e bakit hinahayaan kitang masaktan? At bakit ko hinayaang mabulag ka? Nakakatawang isipin na ako 'yung kaibigan mo pero wala akong nagawa para sa'yo. Puro na lang ako iyak! Ano bang magagawa ng iyak ko? Mapapagaling ka ba nito?

Kaya naman napag-isip isip ko na tapusin na lang ang buhay ko. Tutal, mawawala na rin naman ako sa mundong ito kaya ano pa bang silbi na magtagal kung may isa namang taong nahihirapan nang dahil sa akin?

Hinihintay ko na lang na mag green light para makatawid na ako.

Ginagawa ko ito para kahit papaano ay makatulong ako sa'yo. Para kahit papaano ay magkaroon ako ng kwenta.

Ibibigay ko na sa'yo itong mga mata ko. Hindi lang para makakita ka kung hindi para hindi ka na mabulag pagdating sa pag-ibig. Sana ay matagpuan mo ang isang babaeng mamahalin ka ng tunay at makakasama mo habang buhay.

Hindi ako mamamaalam sa'yo dahil hindi naman ako mawawala. Hindi ako katulad ng mga naging girlfriend mo na iniwan ka lang sa ere. Tandaan mo na hindi kita iiwan at lagi lang akong nandito sa tabi mo at handang maging comforter at handkerchief mo.

Kung nababasa mo man ito ngayon, alam kong masaya ka na. Hindi mo man na ako makikita pero alam kong nag-eexist pa rin ako sa mga mata mo. Kahit sa ganoon lang ay masaya na ako.

Mahal na mahal kita, Clarence. Hanggang sa muli!

-Jodie

Ever EnoughWhere stories live. Discover now