Ever Enough

29 3 0
                                    

Ever Enough

Written by Sassygirljanel

Sa buhay ng isang tao, hindi talaga maiiwasang magkaroon ng pagkakamali. Pagkakamali ng taong minahal at pagkakamali ng pagmamahal na nararamdaman mo sa kanya.

Mahal kita, mahal mo siya, may mahal naman siyang iba.

Ang hirap ng ganitong buhay. 'Yung tipong kahit anong gawin ko, e hindi mo ako mapansin-pansin. Nasa tabi mo na ako pero sa iba ka pa rin nakatingin. Kinakausap kita pero nasa malayo naka-focus ang atensyon mo. 'Yung pakiramdam na nagmumukha akong tanga? Pero ano bang pakialam mo doon? 'Di ba wala naman? Sino ba naman kasi ako para sa'yo?

Naaalala mo pa ba noong makilala natin ang isa't isa? Noong unang kita ko palang sa'yo, alam kong ikaw na 'yung lalaking para sa'kin. 'Yung pakiramdam na naglanding palang sa'yo ang mga mata ko, e nakaramdam na ako ng kakaiba sa dibdib ko.

Hanggang sa lumapit ka sa'kin at nagulat ako nang bigyan mo ako ng ice cream. Sabi mo, akin talaga 'yun. Binili mo 'yun para magkaroon ka ng rason na kausapin ako at makilala. Ang bilis nga ng oras kasi no'ng araw na 'yun, naging magkaibigan na tayo.

Lagi tayong nagkwekwentuhan ng mga bagay-bagay. May sense man o wala. Lagi rin tayong magkasama na halos tuksuhin na nga tayo ng mga kaklase natin dahil parang higit pa sa magkaibigan ang turingan natin.

Ako lang 'yung taong nagtiyatiyagang makinig sa mga joke mo na hindi naman nakakatawa. Pinipilit ko lang tumawa para sa ganoon, e hindi ka madisappoint sa sarili mo.

Pero nagbago 'yun no'ng magkaroon ka ng girlfriend. Alam mo bang nalungkot ako no'n? Kasi umasa ako na gusto mo rin ako pero hindi pala. Masaya kitang binati dahil sa wakas, binata ka na pero pagkatalikod na pagkatalikod ko, bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ako pumasok kinabukasan pagkatapos no'n dahil ayokong makita kayong magkasama atsaka mugto kasi 'yung mata ko no'n sa kakaiyak. Ang sakit kasi talagang umasa.

Pero huwag kang mag-alala. Hindi naman kita sinisisi dahil sa una palang, ako na ang may mali.

Lumipas ang isang buwan at nabalitaan ko na break na pala kayo. Aaminin ko na natuwa ako sa balitang iyon pero bigla ka na lang pumasok sa isip ko at 'yung nararamdaman mo.

Nagulat ako nang bigla kang kumatok sa pintuan ng bahay namin at kusang kumawala ang aking mga luha nang makita kita. Niyakap mo ako habang umiiyak ka. Halos madurog ang puso ko sa kalagayan mo. Alam kong nasasaktan ka pero bakit parang ako ang mas lalong nasasaktan?

Lumipas ang tatlong buwan. Sa loob ng tatlong buwan na 'yun ay nagkaroon ka ng maraming girlfriend na tunay mo namang minahal. Katulad ng nauna mong girlfriend ay iniwan ka rin nila kaya ako naman si comforter na lagi mong nilalapitan kapag gusto mong umiyak at ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Hindi lang comforter, naging instant handkerchief na rin pala ako.

Pinangako mo sa sarili mo na hindi ka muna hahanap ng girlfriend at magpo-focus ka muna sa pag-aaral mo. I gave you a tap on your back para icongrats ka na sa wakas ay napagod ka rin. Ito ang time para magkaroon ka naman ng oras para sa sarili mo. But deep inside, masaya ako dahil sa wakas, magkakapag-focus ka na rin sa akin--este sa friendship natin. Noong nagkaroon ka kasi ng girlfriend, e lagi na lang akong naiiwan sa ere.

Pero sabi ko nga kanina, mahirap talagang umasa lalo na 'yung aasahan mo, e wala nang pag-asang tumino.

Dumating kasi 'yung araw na nakahanap ka nanaman ng panibagong girlfriend at naramdaman ko na iba 'yung pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya kaysa sa mga iba mong naging girlfriend at alam kong kahit kaibigan mo ako ay hindi mo siya ipagpapalit sa'kin.

Kung dati, e kahit papaano ay may oras ka pa rin sa'kin, ngayon wala na. Lagi kitang inaaya na kumain sa labas katulad ng nakasanayan natin o kaya mag-group study sa library kaya lang, lagi kang tumatanggi o kaya naman pumapayag ka nga pero hindi mo naman ako sinisipot. Lagi ko na lang sinasabi na 'Okay lang sa'kin' kasi kaibigan kita. Iniintindi kita kasi girlfriend mo siya at obligasyon mong unahin siya.

Ever EnoughWhere stories live. Discover now