"I'm willing to learn." mabilis kong sabi.

"Mag umpisa tayo sa basic kung gusto mo makarating doon. ngayon gagawa ka ng water ball, maglabas ka ulit ng powers mo." pagkatapos niya itong sabihin biglang may tatlong tao na gawa sa lupa ang lumitaw, nakapalibot ito sa akin kaya pinanlakihan ko ng mata si Kuro Mesha.

"Ano to? bibigyan mo agad ako ng kalaban hindi ko pa nga kaya?" iritadong wika ko.

"Kaya mo naman mag palabas ng kapangyarihan, technique nalang kulang sayo." seryosong wika nito habang ang mga kamay niya ay nanatiling nasa likuran niya.

Napatingin ako sa tatlong tao na gawa sa lupa, wala itong mga mukha parang lupa lang na nakahulmang tao. agad kong pinalabas ang enerhiya, sinimulan kong gisingin ang kapangyarihan sa katawan ko. nagtagumpay ako nang mailabas ito agad kong inihagis ang kamay ko sa gawing kanan ko naglabas ito ng water ball na tumama sa isa kaya sumabog ito, dumikit pa nga ang ibang putik sa mukha ko dahil sa pagsabog nito. ganun na rin ang ginawa ko sa dalawa pang natitira.

Matutuwa na sana ako dahil nagawa kong talunin ang mga ito pero laking gulat ko nang unti-unti silang mabuo ulit. nakita ko si Kuro Mesha na parang kinokontrol niya ang mga galaw nito. agad ako naalisto nang makita ko na babatuhin ako ng lupa ng isa sa mga kalaban. I flew so I could dodge his attack. while I was in the air I sudden threw a water ball to his direction which is he didn't avoided. mabuti nalang na-ituro ni Kuro Mesha kung paano lumipad.

Tuwang tuwa ako ng sumabog ito tumapak ulit ako sa lupa dahil ang hirap lumaban habang nasa ere. patakbo ang dalawa ng mabilis kong iniluhod ang isa kong tuhod at hinawakan ang lupa. Isang mataas na tubig ang lumabas sa lupa na nakapaligid sa akin at sumugod ito sa direksyon ng dalawa at sabay itong sumabog. pinagpagpag ko ang dalawa kong kamay, gumuhit ang isang malaking ngiti sa labi ko. taas noo kong hinarap si Kuro Mesha.

"We're not done yet. pero paano mo nagawa na magpalabas ng tubig sa lupa?" tanong nito.

"Duh? kahit papaano may alam pa naman ako na ang lupa na maraming puno't halaman ay nag co-contain ng water. plants absorb water through their entire surface roots, stems and leaves. " feeling ko tuloy ang talino ko dahil na-ipaliwanag ko ang bagay na yon samantalang ayoko sa science. talino yarn?

Tumango-tango ito. "Magsimula na ulit tayo."

"Hindi pa nga ako nakakapag-pahinga? simula ulit? wala man lang bang pa-meryenda diyan halos mangitim na ako sa init ng sinag ng araw oh." nakaturo pa ako sa taas. napabuntong hininga pa siya.

"Last. pag nagawa mo pwede ka na magpahinga." mabilis naman akong pumayag sa sinabi niya.

"Deal." tumatangong sabi ko.

May narinig akong kaluskos mula sa mga halaman. paglingon ko dito tatlong higanteng asong lobo ang lumabas mula sa halaman. lumipad ako sa sobrang takot dahil takot ako sa mga malaking aso.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Kuro Mesha ng maghagis ako ng water ball dito. kita ko kung paano ako abangan ng mga asong lobo sa baba parang gusto nila akong lapain.

"Try some other techniques Raini, water ball would not help for all battles." sabi nito sa baba.

I tried to create a water blades with bullets inside on it. pinakawalan ko ito sa mga asong lobo na nasa baba pero mabilis na nakailag ang dalawa at ang isa naman ay natamaan kaya bigla nalang itong naglaho na parang usok. kontrolado din ni Kuro Mesha ang mga ito kaya nahihirapan ako. ang nagpadagdag pa sa hirap ko ay nasa ere ako, natatakot ako lumapag dahil sa mga asong lobo na nagtatahulan.

"Subukan mong gumawa ng water dragon, Raini."

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. water dragon?

MYSTICAL ACADEMY: Play with FireTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang