"Huy, tara na. Naghihintay sina Kris sa labas."

Sabay sabay nila akong nilingon, "Andito ka na pala, hehe."

Tinaasan ko ng kilay si Tris, "Tara na? Ano bang ginagawa niyo dito?"

Agad nilang tinakpan 'yung screen nung humakbang ako para makalapit sakanila. Anong tinatago ng mga ugok na 'to?

"Tara na," ani Ethel kaya naman nilingon siya ni Angelo.

"Hindi ko pa na-save.."

"Okay na 'yan pabayaan mo na," sagot naman ni Ethel.

"Ano ba 'yun?" kunot noong tanong ko.

"Wala! Tara na," hinablot ni Tris 'yung kamay ko at hinila papunta sa pinto. "Alis na tayo."

Umiling nalang ako at pinabayaan na sila sa kalokohan nila. Tumigil kami sa may counter kung saan nag uusap parin si Kiko at Kei. Well, si Kiko lang talaga ang nagsasalita habang si Kei ay nakamulala sakanya.

Kinalabit ko 'yung kaibigan ko, "Kei tara na daw."

"Ha?" gulat niya akong nilingon na para bang ngayon lang siya naibalik sa mundo at nasa fairyland siya. "Ah, okay."

"Wait," ani Kiko. "Kunin ko number mo, Kei."

Napa awang ang bibig ni Kei at hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Aba aba, mukhang may bagong loveteam ah?

"Really?" tanong ni Kei na parang kumikislap pa ang mata.

Awe cute, mukhang may crush na si Kei.

"Yes, really." sagot naman ni Kiko sakanya habang nakangiti ng pagkalawak lawak. At mukhang may crush din si Kiko.

Nilingon ko sina Tris, "Tara labas na tayo," tapos tinapik ko sa balikat si Kei. "Take your time, jan lang kami." Ini-slide ko pabukas 'yung pinto at agad na naramdaman ang mainit na hangin. Nandoon parin sina Henry kung saan namin sila iniwan, nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nila. Agad na nakihalubilo si Angelo sakanila habang kaming mga babae naman ay naghanap ng mauupuang monoblock.

Mga sampung minuto na ang nakalipas, hindi parin lumalabas si Kei. "Silipin mo nga 'yun," ani Tris. "Mamaya nakikipag-LP na."

Mahina kong tinampal 'yong noo niya, "Baliw."

"Hoy, hoy psst! Hindi tambayan 'to," sigaw nung bagong dating. Nakaturo si Hero doon sa mga lalaki tapos itinapon niya 'yung sigarilyo niya at hinubad 'yung isa niyang tsinelas para iamba 'to sakanila. "Magsi-layas kayo!"

Agad na nagsitayuan 'yung mga lalaki, maski sina Ethel ay napatayo dahil sa lakas ng boses ni Hero. Habang ako ay napairap lamang, "Para kang tanga."

Hinarap ako ni Hero, 'yung tsinelas niya nanatiling naka-amba. "Isa ka pa! Layas! Ihahampas ko sa'yo 'to!"

"Subukan mo," sabi ng isang boses. "Babangasan kita."

"P're," binitawan ni Hero 'yung tsinelas niya bago kamutin 'yung ulo niya. "Wag mo naman ako takutin kapag nananakot ako."

Humithit si Asher sa sigarilyo niya at tinaasan ng kilay si Hero, "Sinong matatakot sa'yo e ang liit liit mo?" Bago pa makasagot si Hero ay inilipat na niya 'yung atensyon niya sa mga lalaki. "Kayo, kung wala kayong hinihintay, 'wag kayo dito tumambay." 'Yun lamang ang sinabi niya at agad na nagsialisan na sila. Naiwan na lamang 'yung apat naming kasama.

"Kaya ko din naman 'yun e," sabi ni Hero sakanya. "Nakatayo na kaya sila."

Ngumisi si Asher at tinapik 'yung likod ni Hero, "Sige sabe mo e."

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now