"Baka naman ma-inlove ka d'yan ha? Naku, ingungudngod talaga kita sa pader" Natawa naman ako sa sinabi ni Camilla.


"Taga saan ba 'yan?" Si Jihan.


"Taga kabilang bayan" Tumango tango naman sila at napakalalapad ng mga ngiti.


"Sa pubg mo lang nakilala, ano?" Si Marie ang nagtanong. Tumango naman ako bilang sagot.


"Ang Internet love ay gawa gawa lamang ng mga illuminati" Halos mapanganga naman ako sa sinabi ni Camilla.


"Internet love? Ano bang pinagsasabi mo? Nakalaro lang may love na kaagad?" Nilapitan naman ako ni Camilla at inakbayan.


"Malay mo naman, bukas o next week magkukwento ka na saamin na nahulog ka na! Nako, Mercedes Taliya sinasabi ko sa'yo tatawanan kita" Itinulak ko naman palayo saakin si Camilla.



"Pero if ever na magkagusto ka nga sakaniya, Cedes" Nalipat ang paningin ko kay Cassandra. This time ay sumeryoso ang lahat.

"If ever na ma-fall ka sa lalaking 'yon, laging mong tatandaan na maging masaya lang." Hindi ko alam pero para saakin ay napaka lalim na ng ibig niyang sabihin. Isa si Cassandra sa pinaka magaling na taga advice sa aming magkakaibigan. Hindi dahil kaibigan ko siya, kung hindi dahil sa lahat ng mga sinasabi niya ay may sense at tatamaan ka talaga. Matututo ka pa.


"Oo naman, salamat" Tipid na ngumiti saakin si Cassandra.


"Oo nga pala, second quarter examination na natin next week" Pagpapa-alala ni Jihan.


"Oo nga pala" Si Marie.


"Cedes, may mga notes ka?" Tanong saakin ni Camilla.


"Meron, naki kopya ako ng notes kay Cassandra" Sagot ko. "Hiramin mo ba notes ko?" Tanong ko kay Camilla at kaagad naman itong tumango kaya inilabas ko ang notebook at ibinigay ito sa kaniya.


"Isesend ko nalang din sa mga email ninyo yung ibang notes ko" Si Cassandra ang nagsalita.


"Si Shean ba 'yon?" Tinanawan namin ang lugar kung saan nakatingin si Marie. At naroon nakita namin si Shean na naglalaro ng volleyball kasama yung crush niya.


"Naks, naka harot na naman ang ante ninyo" Natawa naman kami sa sinabi ni Camilla.


"Nasaan si Cheonsa?" Pag-iibang tanong ko.


"Malamang magkasama sila ni Aleina. Kaya mo pa mapaghiwalay yung dalawang 'yon" Natatawang sagot ni Camilla.


"Oo nga noh? Grabe, tagal na rin nila" Napabuntong hininga ako.


Iniisip ako, sa tagal na nila, buti hindi sila nagsasawa sa isa't isa?



"Tara pasok na tayo" Nauna nang maglakad sila Jihan at Cassandra. Sumunod naman na kami sa kanila.


Nadatnan namin sa room si May na nagdo drawing sa sketch pad niya.


Grabe, galing talaga ni May mag drawing. Bakit kaya hindi ako biniyayaan ng talent sa pagdo drawing?


"Sana all, May" Rinig kong sabi ni Marie bago makaupo sa tabi ko. Katabi ko sila Marie at May sa seating arrangement namin.


"Siguro kung magiging architect ka sa future, May, magagandang bahay magagawa mo. Galing mo mag drawing e" Manghang sabi ni Marie. Tumango naman ako at nagpatuloy lang sa panonood kay May habang nagdo-drawing.


Sa Hindi Pag-AlalaWhere stories live. Discover now