Chapter 8: Our Honeymoon

Magsimula sa umpisa
                                    

Naglakad lakad lang kami ni Blake, tapos umupo sa may pool side, hindi nya rin binitiwan ang kamay ko simula ng hilahin nya ako at ang sarap ng feeling ko, ahaha maka rebisco lang. syempre ang tagal kong hinintay to.

“Mariez”

 

 

“hmnn” napalingon ako sa kanya

“I’m sorry kung iniiwasan kita dati” pinakinggan ko lang sya “I’m sorry kasi naging cold ako sayo, hindi na kita napagtatanggol tulad ng dati, nawalan ako ng pakiaalam sayo, naging babaero ako, naging arogante……but right now I want to change gusto kong ibalik yung dati, gusto kong ipakita sayo na worth ang pagmamahal mo saken”

 

 

“Blake”

 

 

“alam ko naman dati pang mahal mo ako eh, pero natakot ako, kasi noon pa lang tinuring na kitang kapatid at kapag nagpatuloy ang pagmamahal mo saken more than a brother natatakot akong suklian yun, ayokong sa bandang huli kamuhian mo lang ako”

 

 

Napaiyak ako

 

 

“No Blake, wala naman akong pakialam sa kung anong tingin mo sakin eh, ang mahalaga lang naman mahal kita” niyakap nya ako

 

 

“No Mariez, hindi lang sapat na mahal mo ako, kailangan ko ring masuklian yun at simula ngayon susubukan kong mahalin ka more than a sister”

 

 

Lalo akong napahagulhol, hindi ko alam kong malulungkot ako dahil alam kong hanggang ngayon kapatid pa rin ang turing nya saken o magiging masaya dahil sa sinabi nyang susubukan nyang mahalin ako sobra pa sa kung ano ang turing nya

Pinahid nya ang luha ko

“Ssshhh, tahan na” at hinalikan ang parte ng mukha ko kung saan dumaloy yung luha “halika na di pa pala tayo nagdidinner”

 

Pagkapasok namin sa villa nagpa order lang sya ng dinner, after kumain bagsak  agad kami, haaay nakakapagod then ng ganito. Natulog kaming magkayakap, sya yung yumakap saken malamig daw kasi syempre ako pakipot pa ba? of course hindi na asawa ko naman eh.

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon