Tumingin sa'kin si Saturn. Ginulo-gulo niya ang aking buhok. "See you."

Nag-init ang aking pisngi sa simpleng gestures niya.

Ilang buwan na rin akong nililigawan ni Saturn. While he's busy drawing and managing his account, I'm busy making outlines for my upcoming story. Kahit gano'n, hindi pa rin namin napapabayaan ang pag-aaral.

Si Saturn ang may pinakamalaking improvement sa lahat. Hindi pumapalya ang scores niya sa mga quizzes at exams namin. Our teachers are seeing him in a new light. Hindi na sila masyadong takot lumapit kay Saturn.

Syempre hindi ako magpapahuli. I balance my schedule by studying business in the morning and studying how to write novels at night.

Humalumbaba ako sa coffee table habang nakaupo sa sahig. "Bakit palagi tayong dito sa bahay namin? 'Di ba pwede sa bahay niyo o sa condo mo?"

Tumabi siya sa'kin. "Your brothers won't like it."

I chuckle. I love how he respects my brothers so much. Kapag hindi pwede, hindi pwede. 

Nagsimula na lang akong maggawa ng outline sa'king cellphone. Siya naman ay ipinagpatuloy ang kanyang ginagawang bagong art.

He's gaining followers. For the past few months, he already gained thousands of them. Madaming nagcocomment sa mga gawa niya at dahil sa tumataas na demand, open na rin siya for commission kaya abala siya ngayon.

"Writing is really not easy." sabi ko habang nagreresearch sa Moogle ng magandang design para sa susuotin na gown ng aking main character.

Inilapag niya sa lamesa ang kanyang tablet. "Everything is not easy at first. All you have to do is have faith in yourself and don't listen to everyone that will say you're not good enough."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Kahit sa ganitong simpleng pagkakataon kami nagkakasama, napapatunayan niya sa'kin kung gaano siya kasincere pagdating sa'kin.

Habang nakatingin ako sa kanya'y biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Ito na ba ang sign na dapat ko na siyang sagutin? Hindi naman kailangang patagalin. Alam ko na sasarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ibinuka ko ang aking bibig upang sabihin sa kanyang handa na ako ngunit hindi ko naituloy nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello?" Kumunot ang kanyang noo. "Yes, that's right." He paused. "What? Damn it! Ok, I'll be there." Inilagay niya ang kanyang cellphone sa bulsa nang matapos ang tawag.

Nagmamadali niyang inilagay ang kanyang tablet sa kanyang sling bag.

"Emergency?"

"Yes." sagot niya habang hindi nakatingin sa'kin.

Gusto ko man siyang pigilan ay hindi ko magagawa. Makapaghihintay naman itong sasabihin ko.

Mabilis niyang hinalikan ang aking noo na palagi niyang ginagawa kapag dadating at aalis siya.

"I'll call you later."

He didn't call.

Is everything ok?

I sent him a text and I waited for his reply but an hour has passed already. Napabuntong-hininga ako. If it's about his dad then I won't be able to do anything about it.

Pinalipas ko na lang ang gabing 'yon na wala akong nadinig mula sa kanya ngunit lumipas ang ilang mga araw na paulit-ulit ang kanyang routine. Nakakapunta man siya sa bahay ngunit maya-maya'y aalis din naman kaagad.

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Where stories live. Discover now