Kaya ganoon na din ang ginawa ng dalawa, nakangiti sila habang pinapana ang mga tiktik na papalusob sa kanila, napapahiyaw pa sila kapag nakakatama sila at nakakapatay ng tiktik

Napapailing nalang ang tatlo sa nadidinig nila habang si Yuri naman ay patawa tawa nalang habang nakikipaglaban sa mga kamagrang na nasa harapan niya

Umikot siya at sabay taga sa leeg ng mga kamagrang na kaagad naman ay napuputol at gumugulong sa harapan niya

Umikot siya ng umikot na walang humapay habang nakaunat ang mga braso niya habang pasugod ang mga kamagrang sa kanya

Yuyuko at sabay gugulong, tinutusok naman niya sa tiyan ang ilang kamagrang na nakadagan sa kanya kapag naabutan siya ng mga ito at gusto siyang sakmalin

"Mga p.g kayo ah!," sabi niya,"Heto ang kainin mo!," sabay saksak ng patalim na gawa din sa pilak at tanso ang talim noon

Natawa naman sina Aira dahil sa sinabi niya kaya napapangiti nalang siya sa sarili

"Hindi ako masarap!," sigaw niya,"Ang payat ko at hindi ako masarap!,"

"Ang seksi mo kaya, Yuri," ani ni Kevin,"Nakita ko noong iaalay ka ni Father Joseph,"

"Kaya nga halos mamula at mahiya sayo si Khael ng makita niya ang katawan mo!," dagdag pa ni Bryan,"Kaya halos hindi ka niya kinausap kasi nahihiya siya," sabay tawa ulet

"Naiinggit nga ako sayo," dagdag ni Aira,"Kasi nga hindi ka tumataba, tama lang ang katawan mo,"

Natawa lang siya sa mga nadinig sa mga kaibigan nila, napapailing siya na bumangon at pinutulan ng ulo ang kamagrang

Tumakbo siya papalapit sa mga kaibigan at tinulungan niya ang mga iyon sa pagpatay ng mga tiktik na lumapag na sa lupa kasama ang mg kamagrang

Nang wala ng makitang tiktik na lumilipad ang tatlo ay kaagad naman silang tumakbo papunta sa lima para matulungan ang mga iyon dahil napapaikutan na ang mga iyon ng mga aswang

Talikuran silang lahat habang panay ang kanilang taga ng dala nilang armas at hampas ng buntot pagi sa mga tiktik

Umuungol ang mga natatamaan nila ng buntot ng pagi at natataga nila ng kanilang armas

Napakarami na ng mga tiktik na napatay nila at ang tanging mga kamagrang nalang ang natitira nilang mga kalaban

Sa mga kabahayan naman na malapit sa kanilang kinatatayuan kung saan nila nilalaban ang mga kamagrang ay may mga nakasilip sa mga awang ng bintana

Nanlaki din ang mga mata ng ilan dahil sa nakita nilang pakikipaglaban sa mga aswang

Hinangaan sila ng lahat ng makita ang kanilang pakikipaglaban sa mga aswang at tiktik

Bumilib sila sa tapang ng magkakaibigan at sa lakas ng loob ng mga iyon para labanan ang mga aswang sa kanilang lugar lalo na ang mga kamagrang na halos walang kinatatakutan at wala gaanong panlaban sa mga iyon maliban sa sandata na binabad sa dagta ng alugbati

Sa may bahay naman nila Mang Oca ay nagpapasiga naman si Lola Luciana sa may kusina

Nilagyan ni Lola Luciana ng goma at asin ang siga para lalong umamoy sa buong kapaligiran ang amoy ng asin at goma

Lumalayo naman ang mga tiktik at kamagrang sa naamoy na mga usok, lalo pa at may ensenso at kamangyan na hinahalo ang matanda at umuusal ng orasyon

"Pagkatapos ng gabing ito ay lulubayan na kayo ng mga kamagrang at tiktik," ani ni Lola Luciana,"Madadala na sila dahil sa pausok ko at dahil sa mga batang lumaban sa kanila,"

"Tama po kayo, Lola," ani ni Oca,"Napakatapang nila, kung sino pa ang mga dayo ay sila pa ang nagkalakas ng loob para labanan ang salot ng ating Baryo,"

"Tama ka, Oca," pag sang ayon naman ni Lola Luciana,"Malakas ang loob nila at napakatapang, nakakabilib na mga kabataan," sabay ngiti sa kanila

"Kaya nga po hinahangaan ko sila eh," ani ni Tonton,"Lalo na po si Ate Yuri, napakaganda nito at napakatapang talaga," sabay kinilig pa ang bata

Pero tinahulan lang iyon ni Khael na mga sandaling iyon ay nagising dahil sa nakaramdam iyon ng gutom

Natawa naman si Lola Luciana dahil sa ginawa ni Khael na pagkahol, lumapit kay Lola Luciana at ikiniskis ang balahibo sa mga binti nito

"Nagugutom kana ba?," tanong ni Lola Luciana sabay kuha kay Khael at inilapag sa lamesa,"Sandali at ikukuha kita ng gatas,"

Kaagad naman na nilapitan ni Lola Luciana ang gatas na nasa di kalayuan at nilagyan ang isang maliit na lagayan bago inilapag sa harapan ng gutom na si Khael

Agad naman iyong nilantakan ni Khael habang panay ang tingin kay Tonton na laging bukambibig ang pangalan ni Yuri

Kaya natatawa nalang si Lola Luciana dahil alam nito na nagseselos iyon, natutuwa ang matanda dahil sa dalisay at malinis ang pagmamahal nito para sa matapang na dalaga

Sa labas naman ay halos pagod na ang pito dahil sa pakikipaglaban sa mga kamagrang at tiktik

Halos alas dos na ng madaling araw iyon ng makita nilang umaatras na ang iilang kamagrang dahil sa madaling araw na iyon

"Mag uumaga na," anas ni Kevin,"Kaya magsisipag atrasan na silang lahat,"

"Pero di ba dapat doon sila papunta sa mga kabahayan ng mga tiktik?," may pagtatakang tanong naman ni Trina,"Bakit papunta sila doon at palabas ng Baryong ito?,"

"Pupunta sila sa Baryo Argua," sagot ni Yuri,"Doon na sila mananatili hanggang sa pagsapit mg pulang buwan,"

"Marami pala tayo makakalaban," ani ni Nena,"Lahat sila doon papunta," nakatingala sila sa bawat bubungan ng bahay, doon dumadaan ang mga kamagrang

Hindi na sila pinapansin ng mga iyon, pero nakahanda pa din sila kung sakali man na lundagan sila

"Kailan tayo aalis?," tanong ni Sister Janelle sa kanila

"Baka ngayon araw din po," sagot niya,"May limang araw nalang tayo para makarating doon,"

"Pahinga muna tayo," ani ni Bryan,"Wala na tayong lakas para makipaglaban sa susunod pang dalawang bayan,"

"Sige, bukas nalang," sabi niya sabay talikod sa kanila

Sumunod nalang sila sa kanya dahil wala ng mga aswang na dumadaan sa harapan nila

Pero nandoon pa din na nakikiramdam sila sa kapaligiran baka kung may aswang pa na darating at bigla nalang sila ng mga iti na lundagan at lusubin

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now