- No Experience -

496 6 0
                                    

- No Experience -

Fatima's POV

"Runner UP." Yung bruhong Jake yan pustahan.

"Wag mo nga akong tawagin na runner up."

"Whatever. Kapag kinasal naman na tayo, ako ang masusunod." Arghhh... Ano ba kasing kailangan nito.

"Whatever ka din! Ano bang kailangan mo?!"

 

"Saturday, lunch. We'll have a date at our restau. Understand? Don't be late." Sa tinagal-tagal na naming lumalabas, never pa kaming nagkaroon ng ibang date. Laging parents namin ang nagpaplano at madalas na sa restau nila kami nagdedate. Bakit hindi siya ang gumawa ng date namin hindi ba? Wala ba siyang ibang alam na pagdedate kundi ang kumain lang sa labas?

********Saturday********

Nandito na ako sa restau nila. May orchestra na nagpeplay ng classical music. Disenyo pa lang ng kurtina at ng buong lugar, alam mo ng five star hotel ang pinasukan mo. Sa Gitna nitong buong restau, may malaking chandelier. Meron din naman mga room room. Nasa 2nd floor siya. Private rooms yun para sa mga couples na gusto ng private date. Unang date namin, nasa private room kami at ang boring lang. Wala sa amin ang nagsasalita.

Sa pangalawa naming date dati, sa private room pa rin may nagsalita na, ako pero siya wala pa ring kaimik-imik. Pinagalitan pa ako, bawal daw magsalita habang nakain. Ang ewan talaga nun, kaya nga kami pinagseset ng date para mas magkakilala tapos ayaw akong pagsalitain. Ganun lang lagi nangyayari sa mga date namin sa L.A. Kakain lang tapos uuwi na. And now, since nasa Philippines kami, I want a change. Mas marami akong alam gawin sa date kapag dito. Mas pamilyar kasi ako sa mga places.

"Ms. Evangelista, this way mademoiselle." Dinala ako ng waiter sa table namin ni Jake at iniwan. He's sitting already while reading a book. Malapit kami sa mini stage for the orchestra kaya damang dama mo talaga yung classic tone with a combination of sweet harmony. Tumingin siya sa akin sabay tingin sa relo niya.

"Muntik ka ng malate. Have a seat." Tumayo siya sa upuan niya at ipinaghila ako ng upuan ko. Ganyan siya kapag nagdedate kami. Gentleman. Psh.... Umupo na ako.

"Just order what you want."

 

"Ahmmm... Jake, I don't want anything." Medyo nag-aalangan kong sabi sa kanya.

Runner Up's Promise *Season 1 Completed*Where stories live. Discover now