PROLOGUE

20 0 0
                                    

Kung alam ko lang na iyon na ang huling beses na makakasama ko siya, na mahahawakan ko ang malambot niyang kamay, at maririnig ang malambing niyang tinig. Sana hindi na ako nag-alinlangan pang sabihin sa kaniya ang katotohanan.

"Skye." Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng nasa isipan ng kaharap kong si Justin na pinsan ko ng tawagin niya ang aking pangalan.

Pero, iisa lang ang aking nababasa sa kulay kayumanggi niyang mga mata. Iyon ay... Kalungkutan at simpatya. Bakit kaya?

May kung anong mabigat na pakiramdam akong nadama sa aking dibdib. 'Ano ba ito?' Kinakabahan ako at tila ba may nawala sa akin na napakaimportante.

"Justin? Ano iyon?" Habang tumatagal siyang hindi kumikibo, lalong bumibilis at bumibigat ang paghinga ko.

"Skye. S-si ano kasi..." Tumigil ito na lalong nagbigay ng dobleng bigat sa dibdib ko.

Gustuhin ko mang mapamura sa pinsan ko, hindi ko iyon magawa dahil bilin ito ni...

Tila tumigil ang mundo ko ng may maalala akong tao na napakaimportante sa akin maliban sa aking pamilya.

Si...

Tumingin akong muli sa mga mata ng kaharap ko. Ang kalungkutan sa mga mata nito ay nagbibigay sa akin ng kasagutan na pikit-mata at hirap kong lunukin at paniwalaan.

Tumawa ako ng pagak. Pilit kong nilalagyan ng saya iyon na para bang nahuli ko na ang pinsan ko sa pangpa-prank niya. Pilit kong nilalagyan ng buhay ang mga mata ko na unti-unti ng dumidilim at lumalabo dahil sa luha na namumuo na.

Pero hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapasigaw at magmura ng sabihin ni Justin ang gusto niyang sabihin kanina pa. Tinulak ko ito at pinatama ang mukha niya ng kanina pang nakakuyom kong kamao. Bumagsak ito sa lupa na naging dahilan para lapitan kami ng mga kaeskwela namin para pigilan at paghiwalayin. Pero tila ba isang talon ang aking mga luha na patuloy na umaagos habang inaalala ang magandang alaala naming dalawa.

'Hindi maaari ito! Hindi! Hindi!' Sigaw ng isipan ko.

Para akong mababaliw sa mga panahong iyon. Para akong tatakasan na ng huwisyo sa mga nangyayari.

Kaya ba hindi siya nag-online kaninang umaga? Kaya ba wala akong text message na nakuha? Kaya ba walang MyDay sa social media account niya? Kaya ba... Wala siya?

Kung alam ko lang na ang huling laro namin sa Different Worlds ay nang nakaraang gabi, sana hindi na ako nag-alinlangan na siya ay tanungin. Sana nakahingi na ako ng kapatawaran sa aking mga nasabi noon.

Ang dami kong katanungan at sana lalo na ng makita ko siya sa loob ng isang kahon na napapalibutan ng mga paborito niyang bulaklak.

Hindi pa ako nakakapasok ay nanghina na ako. Tinulungan ako ng aking mga kaklase na makatayo, pero hindi pa ako lubusang nakakalapit ng tuluyan ng bumigay ang tuhod ko.

Alam ko na ang lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin pero wala akong pakialam. Ang tanging nakikita ko lamang ay kaming dalawa. Siya na nasa loob ng mamahaling urn at ako na nakaluhod sa kaniyang harapan.

"A-Azure. Hindi ko pa ba nasasabi sa iyo na mahal na kita? Hindi ko pa ba nasasabi sa iyo na napakaganda mong talaga?" Napahinto ako ng sumikip na ang dibdib ko at umubo ng dugo na ikinaalerto ng iba.

Pilit nila akong pinatatayo pero hindi ako nagpatinag. Inilabas ko ang isang mamahaling lotus na tinanim at pinangalagaan pa ng aking ina.

Alam kong magagalit iyon dahil pinitas ko iyon ng walang paalam at inilagay sa isang mamahalin at matibay na salamin na puno ng likido na tutulong sa bulaklak na mabuhay ng matagal, na pinag-ipunan kong talaga sa pamamasko sa mga ninong at ninang ko noong bata pa lamang ako.

Nangako ako noon na bibilhan ko ng mamahaling regalo ang babaeng sigurado ako na magiging asawa ko. Nangako rin ako noon na pipitasin ko lahat ng mga bulaklak ng nanay ko kahit pa magalit ito para lang ibigay sa mapapangasawa ko.

At ang babaeng iyon ay nakita ko na. Nahanap ko na siya pero...

"P-plano ko sanang alukin ka na agad ng kasal para wala ng poporma sa iyo na iba. T-tapos magpapakasal tayo pagkatapos nating mag-aral. A-ang d-dami kong p-plano at p-pangarap para sa ating d-dalawa--"

Lalong lumakas ang pag-ubo ko na naging dahilan para lapitan ako ng nanay at ng kaniyang tatay. Pilit nila akong pinatatayo pero... Hindi ko na din kaya.

Nanginginig ang duguan kong kamay na may hawak ng aking regalo para kay Azure. Pilit akong ngumiti sa kanila habang lumuluha.

"M-mahal ko po siya. P-papayagan niyo p-po ba kami n-na magkasama?" Tanong ko sa mga magulang niya.

Pareho silang nagulat sa aking tinanong. Narinig ko ang yabag at tawag sa aking pangalan ng mga magulang ko pero sa halip na lingunin ay mahigpit kong hinawakan ang kamay ng mga magulang ni Azure habang inaabot sa kanila ang aking handog sa kanilang anak.

Pilit na rin akong pinatatayo ng mga magulang ko pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung sa pagsagot ng magulang ni Azure sa katanungan ko ng oo ay ang pagkalagot nang hininga ko.

Kung alam ko lang talaga na ang mga araw naming dalawa ay bilang ng talaga. Sana mas napagtuunan ko pa ng pansin ang ireregalo ko sa kaniya.

Pero, kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makasama siya at makabawi sa aking pagkukulang. Saan man itong lugar o panahon. Hahanapin ko siya.

Through Space And Time (CLP's I Love You Series #23)Where stories live. Discover now