"Bakit mo ginawa iyon? Ayaw mo bang makatabi si Athaliah? "

"Bakit mo naman nasabing gusto ko siyang makatabi? "

"Diba nga gusto mo siya? "

"May sinabi ba akong gusto ko siya? "

"Huwag mo ngang sagutin ng tanong ang tanong ko! "

"Edi sagutin mo ako. "

"Nanligaw ka ba? "

"What? "

"What mo mukha mo. I want to sleep. Don't disturb me please. "

Pumikit na ako at pinasakan ng earphones ang tenga ko para umiwas na makipag-usap sa kaniya.

Mga tatlong oras nga ang naging biyahe namin bago nakarating sa paanan ng Mt. Samat.

Kasalukuyang nakikinig kami ng mabuti sa instructions ng mga tour guide namin hanggang sa pinaghiwalay na ang mga section. Dibale every section may nakalaang dalawang tour guide.

Nagsimula na kaming umakyat ng bundok at nakikinig din kami sa mga impormasyong ibinibigay ng tour guide. May mga natuklasan kaming mga tanim at bulaklak na tanging dito lang sa Mt. Samat makikita. Medyo mabato ang daan pero may part din na madulas kaya need talaga mag-ingat.

"Aesthe? Paano nasabi ni #futuremo na malapit ang bahay niya rito kung wala naman mga bahay na makikita rito? " Ava

"Hindi ko alam. Baka di naman 'yon seryoso. "

"Malay natin bigla-bigla na lang susulpot iyon. Anong gagawin mo 'pag nangyari nga 'yon, Aesthe? "

I shrugged my shoulders.

"I don't even know. Siguro kikilalanin ko muna siya. "

"You think may pag-asa ba siya sayo? " Neptune

"Hmm... Maybe. "

Nakarinig kami ng tikhim kaya sabay kaming lumingon  kaya Khirro na salubong na ang kilay. May tinuro siya sa unahan namin at don lang namin nalaman na malayo na pala ang agwat sa'min ng mga nauna. Masyadong nawili kami sa pag-uusap.

Forty-five minutes at nakaakyat na kami sa taas ng bundok. Nagsihanap na kami ng mga pwesto namin at inayos na rin ang tent namin. Kasama ko pala sa tent si Anne at Neptune habang magkasama naman si Ava at Waffle.

After naming itayo ang mga tent namin sabay na kumain kami para na rin makapaghanda at di agad gugutumin sa gaganaping challenges at games.

First game namin ang paramihan ng alam tungkol sa mga nadaanan naming mga puno, bulaklak, at halaman. May prizes namang binibigay at every winner may matatanggao na 5 points sa grades.

2nd challenge naman yung paglampas sa mga easy obstacles na hinanda.

Sobrang nakaka-enjoy talaga ng mga games and challenges na pakulo ng mga teachers. During lunch time naman sa sapa kami lahat nakapwesto dahil may challenge na magaganap. Dapat manghuli nang isda para ipang-ulam.

Sobrang hirap manghuli ng isda, as in! Kaniya-kaniyang strategy pa naman kaya ginamit ko ang net ng orange at apple na nabili ko as trap at sa awa ng Maykapal nakahuli ako ng tatlo.

Alas kwatro ng hapon nang inutusan kami na bawat isa sa'min ay manguha ng tigsasampung tangkay ng kahoy para sa gagawing bonfire kinagabihan.

Napuno ng saya ang bonfire place namin dahil hindi nawala ang larong spin the bottle. Maybe luck is on my side dahil sa magkasunod na sixteen spin ng bottle ni hindi man lang ako natapatan ng bote. Ngayong pang seventeen spin na ng bottle at tumigil ito kaya Khirro habang ang pwet ng buti ay kaya Sef.

"Truth or Dare, Pres? "

"Dare"

Halos naghiyawan ang lahat kasi sa wakas may pumili ng Dare 😂.

"Mukhang hindi nga talaga kami nagkamaling pumili ng President. Anyways, since you chose Dare, I Dare you to count up to 10 starting from the person on your right then you must hold that person's left cheek and look at his/her eyes for 5 minutes. Deal or No Deal? "

"Deal"

"Okay Pres, but before that let's put a twist on it. Everyone must close their eyes para naman may surprise at shock moment kung kanino siya tatapat. "

Demanding nitong si Sef pero wala na kaming naging reklamo kaya sinunod na lang namin.

"Okay! Let's count! 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10! Open your eyes everyone! "

Pagmulat ko nang mga mata ko ay sinalubong ako ng nga matang may tanging kakayahan na patibukin ang puso ko sa abnormal na paraan.

Alam kong naghihiyawan ang lahat pero parang nahipnotismo na lang kaming dalawa. Inangat niya ang kanang kamay niya hanggang sa naramdaman ko ang init na bumalot sa kaliwang pisngi ko.

Posibleng bang tumigil sa pagtibok ang puso? Ang biglaang pamimingi at pagkapipi? Kasi lahat ng 'yan nararamdaman ko ngayon.

Mas nilapit niya ang mukha sa'kin at parang hinihigop ako ng mga mata niya.












"Breath, Aestherielle. You can't die because of me but I might die because of you. You're breathtaking. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now