Simula

30 3 0
                                    

"Solene, pinapabigay nga pala sa'yo." sabi ni Yna sabay abot sa'kin ng kahon na kanina niya pa hawak-hawak.

Isinara ko ang locker ko bago tumingin sa kanya. I raised a brow at her bago isinukbit sa balikat ang bag ko.

"Kanino naman galing 'yan?" mataray na tanong ko.

Nagkibit-bakikat siya. "Malay ko. Inabot lang din sa akin 'yan kanina tapos ang sabi ay ibigay ko raw sa'yo."

Tamad na kinuha ko sa kanya ang maliit na kahon at 'saka binuksan iyon. I saw some expensive chocolates inside, meron ding letter na kasabay na hindi ko na pinagkaabalahang tignan. Muli kong binigay kay Yna ang box.

"Sa'yo nalang. Hindi ako kumakain ng chocolates, e."

Naglakad na ako papunta sa building namin habang masama ang loob. Pa'no ba naman kasi, ilang beses na akong nakatanggap ng chocolates ngayon araw. Hindi ba talaga alam ng mga manliligaw ko na ayaw ko sa matamis? Baka mamaya, magka diabetes pa ako.

"SOLENE." napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang pangalan. Nakita kong tumatakbo si Vera papunta sa direksyon ko habang kumakaway.

Habol-habol niya ang hininga nang tumigil sa harapan ko. She breathed heavily bago ngumiti sa akin.

"Isa itong himala." sabi niya. "Ang aga mo yata ngayon? First time mo 'atang hindi na late papunta dito sa school."

I rolled my eyes at her. "Nagising lang ako ng maaga kanina dahil sa kapitbahay naming mag-asawa. Ang ingay-ingay. Ke aga-aga nag-aaway agad. Ang sarap nilang buhusan ng maiinit na tubig para timahimik." reklamo ko.

Humalakhak si Vera. "Sinong kapit bahay ba?"

"Sino pa, edi yung kapit bahay naming matabang masungit at 'saka yung asawa niyang babaero."

Humalakhak siya. "Parang araw-araw naman yata ay nag-aaway ang kapit bahay niyong 'yon. Ano pa ba ang bago?"

Umiling nalang ako at 'saka naglakad na. Naka-akbay sa'kin si Vera habang naglalakad kami. Paakyat na sana kami sa building namin when someone suddenly block our way.

Nakataas ang kilay na nilingon ko si Kier. He smiled at me that makes me irritated. Kung makangiti parang akala mo naman model ng toothpaste.

"Good morning Sol." sabi niya. "Para s'yo nga pala." ibinigay niya sa'kin ang hawak-hawak niyang teddy bear. Tunitigan ko lang 'yon habang nakataas ang kilay.

"Ano naman ang gagawin ko diyan? Didn't I told you na ayaw ko nga ng mga ganyang bagay?!" I asked, irritatedly.

Napansin ko na karamihan sa mga studyanteng napapadaanan sa hallway ay napapatingin sa amin. 'Yung iba ay tumitigil pa para makiusyuso.

Naramdaman kong siniko ako ni Vera kaya agad akong napatingin sa kanya. "What?"

"We're going to be late. Tanggapin mo nalang 'yan kung ayaw mong mapagalitan tayo mamaya ni Ms. Sarah." bulong niya sa'kin.

Labag sa kalooban kong tinanggap ang teddy bear na iniaabot sa'kin ni Kier. Peke akong ngumiti dito at 'saka nagpatuloy na sa paglalakad. Narinig ko pang nagpaalam si Vera sa lalaki bago sumunod sa akin.

To Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon