["Sino ka ba?"]

[Lumabas ka kasi] txt nito ulit.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba nasa sala silang apat si kuya brayden naman ay nakabusangot lang sa tabi.

"Saan ka pupunta?" tanong agad ni kuya nathan.

"Sa labas." sagot ko.

"Gabi na. lalabas kapa?" ang daming tanong ng baklang to.

"Edi sundan mo ako kung gusto mo?" irap ko dito. Hindi na ito nagsalita kaya lumabas na ako. Lumabas ako ng gate at hinanap kong sino man ang hinayupak na nagpalabas sakin.

May nakita akong naka hoodie sa malayo, nakatalikod ito sakin.

["Saan kana?"] txt nito.

[Sa likod mo] balik kong txt, agad itong pumihit paharap sakin.

"Sino ka?!" sigaw na tanong ko dahil malayo siya sakin, Inalis nito ang mask niya.

"it's me, drick." anong ginagawa niya rito?

"Anong kailangan mo?" poker face kong tanong dito. Hindi ito nagsalita ngunit meron itong tina type sa phone niya kaya tiningnan ko ang phone ko baka mag txt ito. Ang daming arte.

[Lapit ka sakin] txt niya. Kunot noo ko itong tiningnan.

[Bakit?]

[Basta] namulsa itong naghintay sakin.

Walang buhay akong pumunta sa kanya papalapit na papalapit ako sa pwesto niya ngunit huminto rin ako.

"Sagutin mo nga ako, bakit nga?" taas kilay kong tanong.

Naiinis naman ito, hanep siya pa talagang may gana mainis, ako itong inabala ng mukong nato.

"Sasabihin ko kong lalapit ka." saad nito.

"Kong ayaw ko?" pang iinis ko sa kanya.

"Hayst!. Lumapit ka nalang, ok?" HAHA! ang cute niyang mainis.

"Importante ba yan?" napaisip naman ito, tssk!

"Oo" tipid na sagot nito kaya lumapit na ako sa kanya. Nakatayo na ako ngayon sa harapan niya.

"Ok, anong sasa-.." hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla ako nitong itulak ng paikot sa pader at walang sabing siniil ako ng halik. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya hindi ka agad ako nakagalaw..unting unting bumalik ako sa huwesyo ay tinulak ko ito at sinapak ng malakas kaya napa upo ito."GAGO ka?!" galit kong sigaw. Ngunit nginisihan lang ako ng ugok na to. Tumayo  ito na parang wala lang at nilapitan ako kaya napa atras ako.

"Ang lakas mong manuntok" iling nito"
" last" hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin ng bigla ako nitong hinalikan ngunit smack lang iyun. Sabay ang pagtakbo nito palayo sakin. "Thanks sa good night kiss!" sigaw pa nito.

"Masagasaan ka sanang hayop ka!" inis kong sigaw at dumura. Pinahid ko ang bibig ko sa T-shirt ko. "Kadiri!" nangdidiring saad ko. Walang hiya yun, yun ba ang importante sa kanya? Nakakailan na yun sakin? Gago siya, humanda siya sakin bukas. Hayop!.

Sa inis ko ay padabog kong sinara ang gate, magkasubong ang kilay kong pumasok ng bahay. At padabog ring sinara ang pinto.

"Napano ka?" bungad sakin ni kuya aiden.

"Wala." matigas kong tugon. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig. Mabuti nalang merong lollipop sa ref. Kinain ko yung isa...

Kinabukasan ay na late ako nagising kaya napag iwanan nila kuya.

"Ikaw nanaman?" ito nanaman tayo kay kalbo.

"Ano ba sa tingin mo?"

"Ayaw ko nang makipagtalo sayo." irap niya sakin.

"Sino ba nagsabi sayo na makipagtalo ka?" tanga nito, nanahimik akong pumasok sa gate. "Tika? Bakla ka?" taas kilay na ngisi ko sa kanya.

"Hindi." nanindigan pa talaga.

"Talaga?" pang uusisa ko sa kanya." Sayang reto ko sana sayo si nathan, ang kaso bakla rin yon e." ani ko at umalis na don.

"Sorry po ms. Shasha." napatingin ako kay kalbo. "Hindi ko sinasadya." bakas sa mukha niya ang pagkatakot.

"Do you think na ok lang sakin ang paghingi mo ng tawad?" galit na sabi ni shasha.

Sorry po hindi na po mauulit.

"Talaga dahil pasisibak kita sa trabaho mo" si kalbo naman nagkan luhod luhod ng  hingi ng tawad kay shasha

"Don't touch me!!". Naiinis ako sa pagsampal na ginawa niya kaya nilapitan ko ito.

"Tumayo ka, hindi bagay sayo ang humingi ng tawad jan." seryoso kong utos Ngunit hindi ito nakinig sakin kaya tinulak ko ito ng malakas. Titigil ka o tatadyakan kita jan?"

"Tss! May kasalan siya kaya dapat lang yan sa kanya!" shasha

"Anong bang kasalanan niya?"

"Natapunan niya ng maduming kape ang unipurme ko." Shasha

"Narinig mo ang sinabi niya kanina na hindi iyun sadya."

"I know! Pero ang pabaya niya kaya niya ako natapunan, sa tingin mo makakapasok ako sa lagay nato?"

"Wala kabang extra? Siguro naman meron dahil ang yaman mo."

"meron."

"Yun naman pala e, Bakit kailangan mo pang mag iskandalo kong may pamalit ka naman? Hindi porke estudyante ka dito, ganyan kanang umasta sa nakakatanda sayo, mas matanda sayo ang kalbong to. Inuulit ko, hindi niya sinasadya yun." hindi makapagsalita si shasha kaya inis itong tumingin sakin pati rin sa kalbong guard.

"You will pay for this!" inis na sigaw nito at umalis. Binalingan ko ng tingin si kalbo na umiiyak..

"Yak, bakla ka umiiyak." asar ko sa kanya.

".Salamat." napangisi ako sa kanyang sinabi.

"HAHAHA!!" nagulat ito sa pag tawa ko.
". May kapalit yun."

"H-ha?" tumango ako sa kanya.

"Kapag late ako, huwag mo akong aawayin."

"Sige! Payag ako, Salamat talaga sayo." pinanlakihan ko ito ng mata ng hawakan niya ang palad ko.

"Tanggalin mo yan, kung ayaw mong mawalan ng braso." agad naman nitong inalis ang kanyang kamay. Umalis na ako doon at nag tungo sa rooftop.

Pagdating nang rooftop, tila na walan ako ng gana pumasok, masama kong tinitigan si drick na kasalukuyan itong nakatayo at nakatingin lang sakin.

"Morning?" hindi ko ito pinansin..ayaw ko nang lumapit sa kanya.."galit ka?" gusto kong matawa sa kanyang tanong, sinong hindi magagalit pagkatapos ng ginagawa niya kahapon sakin?,...ano ba akala niya sakin katulad ng ibang babae na titili kapag anjan siya? Masisiyahan kapag hinalikan?...

"Wag kanang lumapit sakin." inunahan ko na ito ng mapansin kong humakbang ito palapit sakin.

"B-bakit?" kunot noong tanong niya sakin.

"Ano ba sa tingin mo?" cold kong tanong sa kanya na hindi ito tinitingnan.

"Dahil ba kagabi?" napangisi ako sa kanyang sinabi, mabuti naman at alam niya yun.

"Alam mo drick? Nung una pinabayaan pa kita dahil hindi naman iyun sadya dahil si blake ang may kasalan nun." seryosong sabi ko at binaling ang tingin sa kanya. "pero ang kahapon? Hindi ko gusto ang ginawa mo, sana naman inisip mo muna ang kalalabasan bago mo ginawa." hindi ito umimik at iniwas ang tingin sakin. "Sana hindi na yun maulit pa, ayaw kong masira ang sinimulan nating anim, kaibigan ko kayo sana ay ganun din ang turing mo sakin."  umalis na ako doon at pumasok sa next subject.

"Bakit ngayon kalang?" bungad sakin ni lorie ng makapasok at upo sa upuan ko.

"Late ng gising." bagot kong tugon.
.......

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FALLOW!! Thanks^_^

The Sadistic boyish Where stories live. Discover now