"Trending ang ating company ngayon sa media at gusto ka nilang ma-interview!" masayang sambit niya sa akin.

"Really?" sabik na sambit ko sa kanya. , "Ok! Mag set ka ng date for my interview," masayang tugon ko sa kanya.

"Ok! Ok! Ok!" masayang tugon niya sa akin.

Madali kong pinatay ang cellphone ko at sumakay na ako sa kotse ko. Madilim-dilim na ang kapaligiran nito ngunit may gusto lang akong puntahan na lugar ngayon dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko.

Lumipas ang ilang oras ay nakarating na din ako sa paroroonan ko.

Tahimik ang lugar ngunit may maririnig ka paring mga kulisap na maingay sa lugar at mga mangilan-ngilan na tunog ng mga palaka.

"Wala akong dalang kahit ano ngayon pero may isa akong magandang balita para sayo." masaya kong sambit habang nakatingin sa litrato ni Gianna.

"Unti-unti na muli tayong bumabangon Gianna! At ang lahat ng ito ay dahil sayo!" mangiyak-ngiyak na sambit ko habang nakatingin sa kanyang urn.

Kahit na masaya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa magandang balita na narinig ko kay Emily ay hindi pa din ito mapapalitan ng lungkot at pagkalumbay ko dahil sa pagkawala ni Gianna.

Umupo ako sa tabi ng urn ni Gianna at mangiyak-ngiyak ko siyang kinausap. Kahit sobrang tagal ng nawala ni Gianna hindi pa din talaga ako nakaka move on sa kanya lalo na't madaming nag lalaro sa isipan ko ngayon dahil sa rebelasyon na sinabi ni Marco at ng nobya niyang si Alice.

"Bigyan mo naman ako ng sign Gianna kung buhay ka pa." sambit ko habang lumuluha.

Kinilabutan akong bigla ng biglang nagpatay sindi ang mga ilaw sa buong cremation cemetery.

"Gianna? Wag naman sa ganitong paraan ooh? Mag isa lang ako dito." takot na sambit ko.

Palinga-linga ako sa paligid ng mag patay sindi ang mga ilaw dito sa sementeryo dahil ako lang ang nag iisang tao dito bukod sa mga trabahador sa bungad ng sementeryo.

"Babalik nalang ako ulit Gianna kapag maaga pa ang oras." sambit ko habang nag mamadaling umalis sa harapan ni Gianna.

Mabilis at patakbo akong sumakay sa kotse ko ng mga oras na ito at sa pag sakay ko ng kotse ko ay bigla nalang akong kinabahan at kinilabutan sapagkat bukas ang compartment ng kotse ko sa loob at lumabas ang wedding photo namin ni Gianna.

"Wag mo naman akong takutin ng ganito Love!" takot na sambit ko.

Bago ako tuluyang umalis sa sementeryo ay nag dasal na muna ako ng bahagya upang mabigyan ako ng peace of mind ngayon.

Pagkatapos kong mag dasal ay mabilis kong binuksan ang engine ng kotse ko at pinaandar ko ng mabilis ang kotse ko palayo sa sementeryo.

Butil-butil ang pawis sa katawan ko ngayon dahil sa nangyari. 

Dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa bahay ko at ngayon lang tumimo sa utak ko ang nangyari.

"Humingi ako ng sign kay Gianna kung buhay pa siya at nag patay sindi ang mga ilaw sa sementeryo? Anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na ako sa bahay. Sa tapat palang ng bahay ko ay bumusina na ako kaya pinag buksan ako agad ni Alma ng gate.

Dali-dali kong ipinasok ang kotse ko sa garahe at pagkatapos ay dumiretso ako agad kay Manang Pasing.

Habang papasok ako sa loob ay nakita ko si Manang Pasing na papapasok sa kusina kaya agad ko itong pinuntahan at kinausap.

"Manang!" tawag ko sa kanya.

Agad na lumingon sa akin si Manang at inaya akong kumain ng hapunan.

"Tara kain na ng hapunan at kakaluto ko lang ng paborito mong sinigang na baboy," paanyaya niya sa akin.

"Nakapag dinner na po ako Manang. May tanong lang ako sayo," nag aalangang sambit ko sa kanya.

"Ano 'yun?" tanong niya sa akin.

"Galing kasi ako sa sementeryo ngayon kasi binalitaan ko si Gianna sa good news na narinig ko sa opisina," masayang sambit ko sa kanya.

"Tapos?" tanong niya muli.

"Tapos humingi ako ng sign sa kanya kung buhay pa siya tapos biglang nag patay sindi ang mga ilaw sa sementeryo," tugon ko sa kanya.

"Hala!" gulat na tugon niya sa akin sabay takbo papunta sa kwarto niya.

"Saan pupunta si Manang?" tanong ko kay Alma.

Nagkibit balikat lang si Alma sa akin habang nakatingin kay Manang na papapasok sa silid niya.

Mabilis ding nakabalik si Manang sa amin at bigla nalang akong sinabuyan ng tubig na galing sa isang maliit na bote.

"Manang!" sigaw ko sa kanya.

"Holy water 'yan! Baka nag dala ka ng multo dito sa bahay! Bago ka umuwi dito nag pagpag ka ba sa ibang lugar?" tanong niya sa akin.

"Hindi. Dumiretso na ako dito sa bahay," nag tatakang tugon ko sa kanya.

"Jusko po! Layuan niyo kaming mga masasamang espiritu!" sigaw ni Manang habang nag wiwisik ng holy water sa pinag daanan ko.

"Ano bang ginagawa mo Manang?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ba naman kasi nag tanong ka ng sign sa sementeryo? Alam mo bang madaming ligaw na kaluluwa doon? Hindi malabong sundan ka nila dito!" takot na sambit niya sa akin.

"Ganun ba 'yun? Ano pong gagawin ko?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Bukas na bukas dumaan ka muna sa simbahan para maiwan mo doon 'yung nadala mo tapos mag papa-blessing ako agad dito sa bahay bukas," sambit ni Manang sa akin.

"Sige po gagawin ko po 'yun," sambit ko sa kanya.

"Si Manang ang hilig sa pamahiin. Kapag patay ka na hindi ka na makakasunod sa buhay," natatawang sambit ni Alma kay Manang.

"Multuhin ka sana mamayang pag tulog mo!" panakot ni Manang kay Alma.

"Kung si Ma'am Gianna lang ang mag mumulto sa akin sa tingin mo matatakot ako?" pang aasar niya kay Manang.

"Ayy basta! Mag papa blessing tayo bukas na bukas!" galit na sambit ni Manang.

Parang natauhan ako sa sinabi ni Alma na paano nga kung si Gianna ang multo na nadala ko dito sa bahay? Matatakot ba ako sa kanya o matutuwa ako.

Mamasa-masa ang damit ko dahil sa wisik na ginawa ni Manang sa akin kaya pag katapos naming mag usap na dalawa ay agad akong umakyat sa kwarto ko para mag palit ng damit ko at mag pahinga.

Pag katapos kong magbihis ay humiga ako sa kama ko at bumalik sa akin ang lahat ng nangyari kanina.

"Anong ibig sabihin ng litrato kanina sa kotse at yung pag patay sindi ng mga ilaw?" tanong ko nalang sa sarili ko.

Patingin-tingin lang ako sa kisame ng mga oras na ito hanggang sa dapuan na ako ng antok at lumipas lang ang ilang minuto ay nakatulog na ako ng tuluyan.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEOnde histórias criam vida. Descubra agora